Chapter 4- Boy Pick-up

977 21 7
                                    

Dedicated sa'yo tol ! XD Nagawa ko to dahil sa CAV banatan natin Haha. 

Read !!!!!!

Vote !!!!!

Comment !!!!

Enjoy !!!!!!! Be a Fan po if I deserve it hehe

========================================================

Chapter 4- Boy Pick-up 

Cassy's POV

"Cassy sa boyfriend mo nalang tayo magpasundo sa botique" sabi ni Ami

"Oo nga Cassy. Sge na. Ang ganda kasi ng kotse ni Liam mo" dugtong din ni Merra

"Nako ! Ewan ko sa inyo. " sabi ko lang 

"Ee ? Damut naman. Hindi na nga naging bitter, naging madamut naman. Hayy! " si Erna

"Tss. Sge pakonsensyahin niyo pa ako =_____= SGe na nga kung pumayag yun." pagsuko ko

Ang kukulit talaga ng mga kaibigan ko. Sabi ko sa kanila magcommute nalang kami e. Sa totoo lang ayoko lang magcommute pag ako lang mag-isa pero kung kasama yung mga maarte kong kaibigan edi gora lang ako. Pero ngayon, ano to?  Mas umaarte na sila ha. Ayaw na ba naman magcommute at nung isang araw pa ako kinukulit na sabihan daw si Liam na ihatid at sunduin kami sa botique ? Tsk

Ano gagawin namin sa botique? Kakain? Lol.

Syempre bibili kami ng damit para sa Christmas party. Actually matagl pa naman yun e, sa isang buwan pa pero talagang excited lang tong mga malalanding babaeng to e XD Sabi nila mas mabuti daw maaga para makamura at madami pang mapili kaya umo-oo nalang ako. Wala naman din akong hilig sa mga damit churva na yan. Si mama kasi dati yung bumibili at pumipili sakin kaso wala si mama ngayon kaya no choice ako :'<

Ang problema ko ngayon, kung papayag ba si Liam na maging driver namin sa Saturday. 

"Papayag yan Cassy, mahal ka ya nun" sabi ni Merra na parang nabasa yung nasa utak ko. Ano namang mahal yan ? Tss.

"Loka! Anong mahal ka diyan" sabi ko sabay sapak ng mahina sa ulo niya

"Eh diba girlfriend ka niya oh siguradong mahal ka nun at papayag yun. Yieee! Haha" pang-asar ni Ami

Mahal mga bunganga nila XD Pero oo nga nuh. Papayag naman siguro yun kasi girlfriend niya at boyfriend ko siya kahit joke joke lang Haha ! Sge na nga. Kukulitin ko nalang siya. Ayoko rin naman kasing magcommute haha. Tsaka mas maganda sa kotse niya, sosyal na sosyal dating namin . Ohdiva? XD 

Sa isang araw na kami bibili ng damit kaya mamayang hapon ko nalang sasabihin kay Liam kung pwede niya kaming ihatid at sunduin sa mall. OHO ! Sana pumayag yung boyfriend ko XD

Wala naman masyadong nangyaring exciting sa school namin. Ganun parin, the usual parin. Klase, magsermon si sir, mga activities sa klase and such. At ang di maiwasang mangyari sa klase namin ay ang mga asaran at kalokohan . Syempre isa rin kami ni Liam sa inasar nila buti nalang at wala pa dito si Ma'am

"Uyy kayo ha? Baka diyan sa joke relationship churva niyo, kayo din naman pala ang magpartner in the end ha ? AYIEE ! " sabi ni Childa

"Ohmygosh! SO excting naman ng lovestory niyo. Kinikilig aketch mga bakla " sabi ni Erna at may pablink blink effect pa ang mga mata ha

In a Relationship [C O M P L E T E] ;))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon