CessGelaDiaz

1.1K 26 39
  • Dedicated kay Angelica Pelicano
                                    

Naranasan mo na bang magmahal ng taong hindi ka sigurado kung may nararamdaman din sya sayo ?

Yun bang palagi nyang pinaparamdam sayong special ka sakanya, lagi ka nyang sinasamahan, lagi ka nyang binobola, at lagi ka nyang pinoprotektahan ..

Siguro OO ang sagot nyo. Ang sarap sa pakiramdam noh ? Pero hindi mo naman alam kung saan ka lulugar kasi nga hindi mo alam kung bilang kaibigan lang ba ang lahat ng yan, o baka mas higit pa doon ..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*tok tok*

"Bon dalian mo nang magbihis jan at kanina pa nag aantay sa labas yung jowa mo!"

"MAMA !! Sinabi ng hindi ko jowa yun ee !"

"Hay nako bilisan mo nalang jan mahiya ka naman sa nag aantay sayo baka nilalamok na yun doon"

"Oo eto na nga po ee lalabas na !"

Haaay kanina pa pala sya nanjan, yung lalaking unang nagpatibok sa puso ko ng ganito pero ewan ko ba kung kaibigan lang ako sakanya o baka higit pa sa iniisip ko. Sya si Carlo Pelaez, halos isang buwan na kaming magkakilala at naging malapit agad kami sa isa't isa. At ako nga pala si Yvonne Gonzaga Bon for short. Halos araw araw kaming ganito, sinusundo at hinahatid pauwi sa bahay. Napakabait din nya kaya hindi nakapagtatakang nahulog ako ng ganito sakanya.

"Tara na bon ang tagal mo talaga ! Kaya mahal kita eh" sabay kindat sakin ni Carlo. Waaaaah ayan nanaman sya ! Hindi ko alam kung totoo ba yan o biro lang ee ! Pero kung ako ang papipiliin, sana maging totoo nalang yan ..

"Hay nako Cal manahimik ka nga jan !" (Carlo=Cal for short)

Walking distance lang ang school namin ni Cal kaya mabilis kaming nakarating. Pagpasok namin ay onti palang ang tao sa classroom.

"Nice one Carlo ! Isang buwan mo na nililigawan yan si bon aa !" Pang aasar ni John john saamin.

"Loko ka tol kami na kaya hahaha !" hay nako baliw talaga to si Carlo ! Nagblush tuloy ako :""">

"Kayo ang aga aga nantitrip agad ! Ikaw Cal manahimik ka at baka maniwala pa sila !" sabi ko sakanila.

"Ay oo nga pala tol kay Jessica na pala yang puso mo noh ? HAHAHA" sabi ni John john.

"PSH"ang tanging nasagot ni Cal at umupo na. Tinabihan ko sya syempre wala pa namang teacher kaya pwede pa kaming makapagkulitan ni Cal. 

"Jessica ka parin pala ee ! HAHAHA" Kunwaring asar ko kay kal.

"Sus wala na yun ! Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko ee" sabay kindat ulit ni Cal. Masakit ba yung mata nya kaya sya kindat ng kindat ? Nagblush nanaman ako heheh !

"Alam mo Cal, ramdam ko na si Jessica parin yang mahal mo kaya wag ka ng magsinungaling jan noh !" Totoo naman ee, totoo naman na si Jessica talaga ang mahal nya simula palang ! Nagtapat pa nga sya kay Jessica nun pero sinabi ni Jessica sakanya na magkaibigan lang daw sila.

"Yun na nga ee dapat kasi hindi nalang sya" 

"Oo nga, Ako nalang kasi" ang katagang biglang lumabas sa bibig ko

"Ano?" tanong nya

"Ha ? Ah eh s-sabi k-ko anjan na daw si ma'am hehehe ! Sige babalik na ako sa pwesto ko Cal" HALUUUUUUUUUHHH !! Shet sana hindi nya narinig !!! Sana sana sana sana *cross fingers*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa wakas uwian na din !! Kasalukuyan akong naglalakad ngayon. Grabe nakakaantok yung mga subjects ! Haist Ang sakit din ng mata at puso ko kakatingin kay Cal na nakatingin naman kay Jessica or should I say, nakatitig ! Haaay CAL AKO NALANG KASIIIIII !! Gustong gusto na kitang sampalin para magising ka na jan sa pagkabaliw mo kay Jessica ! 

Ako nalang kasi </3 One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon