Kalalabas pa lang ngayon sa hospital ni Ren subalit hindi pa rin gaanong bumabalik ang dati niyang lakas at sigla. Maputla pa rin siya at halatang nanghihina pa. Malapit na sila sa bungad ng bahay nila nang masilayan niya ang pamilyar na pigurang iyon na nakikipaglaro sa bunso niyang kapatid.
Ang balingkinitan nitong katawan, ang mahaba at itim nitong buhok, ang maputi nitong balat at maninipis na labi na sakto lang at bumagay sa matangos nitong ilong.
And in just a moment, he felt the racing of his heartbeat again seeing her like that, while laughing with his little brother. Bakit ba sa bawat araw na lumilipas ay nararamdaman niya na mas lalo pang tumitindi ang nararamdaman niya para sa dalaga.
"Kuya! Nandito na pala kayo ni Mama," salubong sa kanya ng nakakabata niyang kapatid. Bigla ay natauhan siya sa sarili. Hindi nga pala sila bagay ng dalaga kaya dapat lang niyang supilin ang kanyang nararamdaman para dito.
"Aling Merla, mabuti naman po at naka-uwi na kayo." wika ni Anne na naglulumikot ang kanyang mga mata na sulyapan si Ren. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang sabihin sa binata.
"Oo nga eh. Ang totoo niyan ay ayaw pa talagang pumayag ng doktor na lumabas kami ng hospital ngunit nagpupumilit itong si Ren na okay na raw siya at kaya na niyang umuwi." sagot ng ganing sa dalaga.
"Hay naku, ito talagang si Ren," himutok ni Anne at ibinaling ang atensyon sa binata. Wala sa sariling ikinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha ng binata na siyang ikinagulat ni Ren.
"Tingnan ko nga kung magaling ka na nga ba?" Sinalat niya ang noo nito. "Ok, wala ka ng lagnat pero ang putla mo pa rin. Inubos ba ng bampira 'yong dugo mo?" nagbibiro nitong tanong sa binata na mariin na nakatingin sa kanya
"Hala, kuya, kinagat ka ng bampira?" sabat naman ng kanyang kapatid na humawak pa sa laylayan ng kanyang damit.
"Ay, naku, naniwala ka naman agad diyan Gray. Pumasok na nga lang muna tayo sa loob ng bahay." naiiling na sambit naman ng ginang.
After a few conversation sa Ina at kapatid ni Ren ay nagpasya nang uuwi na si Anne dahil malapit na rin kasing magdilim. Nagpaalam si Ren sa kanyang Ina na ihahatid niya muna si Anne sa mansion ng mga ito. Habang naglalakad sila ay wala silang imikan. Pakiramdam naman ni Anne ay sumisikip ang kanyang dibdib na hindi man lang niya marinig ang boses ni Ren na nakikipag-usap sa kanya.
Dahil kahit na ang ingay niya kanina sa bahay ng binata habang kausap ang Mama nito at ang kanyang kapatid ay ni minsan ay hindi man lang ito umimik. Pakiramdam niya tuloy ay galit sa kanya ang binata. Aalis pa naman siya mamayang madaling araw dahil pasukan na para sa second sem nila at ayaw niyang umalis na may unresolved issues sila ni Ren.
At ang mas nagpapasikip pa ng kanyang dibdib ay ang katutohan na may isang dipa ang pagitan nila habang naglalakad sila. Nasa unahan si Anne at nasa likuran naman niya si Ren. Patawid na sila ngayon sa munting batis nang hindi sinasadyang madulas si Anne.
Umulan kasi kagabi kaya madulas ang mga bato na inaapakan nila dahilan para ma-out of balance siya. Agad naman siyang nasalo ni Ren na dahilan ng ikinatumba nila. Ang posisyon nila ay ganito .Nasa ibabaw si Anne habang nasa ilalim naman si Ren at pareho sila na nabasa ng tubig. Maya-maya pa ay naramdaman ni Anne na nakahawak pala ang dalawang kamay ni Ren sa magkabila niyang dibdib.
Sa subrang gulat niya ay agad siyang napatayo subalit mali yata ang naging hakbang niyang iyon dahil muli rin siyang natumba at napasubsob sa dibdib ng binata.Inangat niya ang mukha at tumingin kay Ren.
'Oh my Gosh! Bakit ba ganito ang nangyari? Bakit ba ang bilis yata nang tibok ng puso ko.' wika na lang niya sa sarili.
"Anne, ayos ka lang ba?"untag sa kanya ng binata na hinawakan siya sa siko. Ngayon ay inaamin na ni Anne sa sarili na, this man is totally handsome and gorgeous with that wet and messy looks. Ang mapupungay nitong mga mata, ang matangos nitong ilong, ang matigas nitong masel sa tiyan and that kissable lips. Medyo nawala siya sa huwisyo dahil sa nakikitang tanawin. Kusa na lang umangat ang kanang kamay ni Anne and traces the line of his nose down to his lips.
"Anne..." mahinang usal ni Ren. Lalaki lang siya kaya siguradong may nagwawalang kung ano sa kaloob-looban niya lalo pa at ang babaeng mahal na mahal niya ang nakapatong sa kanyang ibabaw ngayon.
Dahil sa ginawa ni Anne ay mas lalo pang naghumindig ang kanyang nararamdaman. Bigla niyang kinabig ang dalaga at siniil ito ng isang masuyong halik. Hindi naman kaagad nakahuma si Anne sa biglang ginawa ng binata. Hindi rin alam ni Anne kung ano ang nagtulak sa kanya na tugunin ang halik nito.
And they deepened the kiss until they felt they're breathless. Naghiwalay lang ang kanilang mga labi nang kapwa na silang hinihingal. Akala ni Anne ay tapos na ang halik na pinagsaluhan nila ng binata ngunit hindi pa pala. Until she felt his lips traces it's own way down to her neck. Gusto niyang itulak ang binata subalit nagtatalo ang kanyang isipan. Pakiramdam niya kasi ay nagugustuhan rin ng kanyang katawan ang ginagawa ng binata. Hanggang sa maramdaman niya ang isang kamay nito na pumasok sa loob ng kanyang damit at pinisil ang kanyang dibdib.
Gosh... nag-iinit na talaga ang nararamdaman ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang gustong kumawala sa kaloob-looban niya dahil bago lang din sa kanya ang mga sensasyong ganito.
"R-ren," naiusal niya habang patuloy pa rin ito sa paghalik sa kanyang leeg at paghaplos sa kanyang dibdib. Habol niya ang sarili nitong paghinga. Para siyang nabuhusan ng nagyeyelong tubig nang itigil ni Ren ang paghalik sa kanya at bumangon. Itinayo siya nito at inayos ang suot nitong damit.
"I'm s-sorry," nauutal na wika ni Ren. "tayo na, ihahatid na kita." dagdag pa nito. Hindi alam ni Anne kung ano ang kanyang mararamdaman sa sandaling 'yon. Nalilito siya. Nasasaktan siya sa sinabi nito na sorry. Bakit? Para saan ba ang sorry na iyon? Dahil ba sa ginawa nitong paghalik.
Kung gano'n ay dapat lang na in the first place ay hindi na nito ginawa iyon dahil nagdagdag kalituhan lang iyon sa kanyang nararamdaman. Inis na tinabig niya ang kamay ng binata at nagpatiuna siya sa paglalakad.
"Ok, fine! Uuwi na ako." Sarcastic niyang sabi. Hindi niya alam pero biglang tumulo ang kanyang mga luha nang eksaktong malagpasan niya ito.