Hey George, Can I Court You?

22 0 0
                                    

PROLOGUE

PLAGIARISM IS A CRIME. ☺

--

"Nic, let me go. Tigilan mo na ang kahibangang to!"

Hindi nya naman pilit inaalis ang kamay ko sa braso nya. Parang ayaw nya din akong saktan kaya hanggang maaari nagtitimpi sya.

Natatakot na din ako, dahil kahit papano kaya nya pa din akong saktan lalo na't mukhang nagalit ko na sya ng tuluyan.

"Bakit ba? Ay nako naman George, hindi ka ba natutuwa kahit papano? Bakit nahihiya ka pa din? Nililigawan naman kita kapag walang tao ah! See, tayo na lang ang nandito kaya please lang hayaan mo naman akong Ligawan ka."

Sabay yugyog ko sa braso nya na hawak ko.

"Ang kulit mo Nic. Pwede ba kung hindi ka nahihiya wag mo ko idamay, kasi ako kahit na walang nakakakita nahihiya ako. At naiinis na!"

then tinignan nya ko sa Mata.

Ang sama ng tingin nya sakin, at kita ko sa mga mata nya ang galit inis at pagtitimpi, na mukhang malapit ko ng mawasak.

I really felt scared. But, tinago ko yun at pinakitang matapang at matigas ang loob ko.

"Sorry ha, mahal lang naman kita kaya ginagawa ko to. Wag ka aalis jan ha, tutugtog ako. Yung thinking Out Loud ni Edsheeran, balita ko favorite mo to ee. Wait lang chorus na agad kakantahin ko. Prom--"

"Stop Nic. Naiinis na ko sayo, at sana naman magkaroon ka ng konting kahihiyan kasi sa mata ng tao at sa tama ako dapat ang gumagawa nyan sayo."

Napatigil ako sa pag uumpisa sanang pagkalabit sa String ng Gitara.

Balak ko sanang wag sya pakinggan, pero napatigil ako sa huling sinabi nya.

Tinignan ko lang sya sa mata at nginitian sya.

Ngiting mapait.

Halatang pilit na pilit, at alam ko yun.

Tinaasan nya lang ako ng kilay pero di ko yun pinansin.

"Bakit? Kung sakali ba liligawan mo ko?"

Tinignan nya lang ako at iniwas ang tingin.

Tumawa ako ng mapakla, at tumingin ult sya sakin.

"See George, hahaha. Hindi mo kaya diba? Mismong kilos mo na nagsasabi sayo nyan kaya kung ako sayo Tumahimik ka na lang kasi kahit Busted'in mo ko liligawan pa din naman kita ee."

At sinimulan ko ng magStrum sa gitarang hiniram ko pa sa Bestfriend ko.

Pati ang pagpapaturong mag Gitara binlackmail ko pa sya maturuan lang ako.

Sana naman matuwa sya at baka sakaling mahalin nya din ako.

Nakita kong tumalikod sya at nagsalita, na sana hindi nya na lang pala ginawa.

"Itigil mo na yan Nic.This is nonsense, may mahal na akong iba, at kahit na anong gawin mo sya pa din ang mamahalin ko at kahit din kailan hindi kita kayang mahalin at ayoko kitang mahalin. Umuwi ka na mag gagabi na."

at nagsimula na syang maglakad palayo kasabay ng pagtulo ng mga luha ko na akala ko kaya ko pang pigilan.

---

How's the Prologue? Hihihi.
Sensya medyo Epic yata yan.
Hahaha!

ΠXOXOΠ

Hey George, Can I Court You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon