Prologue

3 1 0
                                    



Naka upo ako sa  puting buhangin  ng dagat at pinag mamasdan ang  kulay kahel na langit at pag lubog ng araw. Banayad  ang hangin tahimik at  kalmado ang hampas ng alon sa dalampasigan.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang hangin na  duma-dampi sa aking balat, ang gaan sa pakiramdam, sa ganitong paraan ko na kakatimutan pansamantala lahat ng  mga bagay na ini-isip at  pinu-problema ko, kung sana ganito na lang parati  tahimik at walang problema.

Iminulat ko ang aking mga mata dahil alam ko na imposible ang  mga ini-isip ko.

Mabuti pa ang alon alam kung saan siya patungo. Samantalang ako  pakiramdam ko hanggang ngayon ay na liligaw pa din ako. Hindi ko alam saan ako  papunta.

Akala ko noon  alam ko na kung saan ako  papunta, akala ko alam ko na  kung saan ako patungo. Dahil  may isang tao na gumagabay  at nag tuturo kung saan ang dapat kong daanan, ang  isang tao na dahilan ng pag ikot ng  mundo ko  isang tao na   naging tirahan ko

"Keya" tawag niya sa pangalan ko

Ang pamilyar na boses na dati'y musika sa pandinig ko, Hindi ko siya nilingon  dahil nara-ramdaman ko ang  pag init ng gilid  mga mata ko

"Keya madilim na umuwi na tayo" muling tawag niya saakin, at naramdaman ko ang pag lapit niya, hindi ko na na pigilan ang sarili ko  na tumayo para lingunin siya.  Napa hinto siya sa  pag harap ko.

Pinag masdan ko ang lalaking minsan naging dahilan ng pag ikot ng mundo ko na siya ring dahilan ng pag hinto.

Ang minsan nag turo ng daraanan ko  na siya ding dahilan ng pag ka ligaw ko

Ang minsan naging  tirahan ko  na ngayon ay  kulangan ko.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

waves of unknown feelings Where stories live. Discover now