"Being in love is a very strange thing. Your thoughts constantly drift towards this other person, no matter what you're doing. You could be reaching for a glass in the cupboard or brushing your teeth or listening to someone tell a story, and your mind will just start drifting towards their face, their hair, the way they smell, wondering what they'll wear and what they'll say the next time they see you. And on top of the constant dream state you're in, your stomach feels like it's connected to a bungee cord, and it bounces and bounces for hours until it finally lodges itself next to your heart. "
- Pittacus Lore, The Power of Six.
Love, love, love... What is love? 'Yan ang tanong na kailangan mong sagutin sa loob ng dalawang daan na salita para sa aming composition. Pinagmamasdan ko ang buong klase nang mapatingin ako sa aking kaibigan. Nakatunganga lang sa kanyang papel si Alex. Pagkatapos ng limang minuto ay nagpasa na ng papel si Alex. "At ano ito, Mr. Herondale? Ipapasa mo ng walang sagot?" tanong ng kanyang guro na si Ms. Dela Cruz. "Miss" parin ang tawag namin kahit 44 na taong gulang sa siya. Wala kasing asawa eh. Pagbigyan na. "Wala sa mood magsagot eh" at saka lumabas sa kwarto pagkasabi ni Alex. Alexander William Herondale, yan ang buo niyang pangalan. Matagal ko na siyang kaibigan. Simula ata Grade 1 ay kaibigan ko na yan nung tinulungan niya akong makuha yung pagkain kong inagaw ng isa naming kaklase. Hanggang yun, naging magsanggang dikit na kami. Siya'y ipinanganak sa UK pero dito siya lumaki sa Pilipinas. Marami na kaming ginawang kalokohan niyan, vandalism, pagtakas sa klase, at marami pa. At kung nagtataka kayo kung sino itong nagk-kwento, ako nga pala si Jem. James Valentine. Ako ay isang purong Amerikano pero dito na kami nanirahan simula nung dalawang taong gulang lang ako. Tama na sa kwento ng talambuhay namin at tumuloy na tayo sa istorya. Pagkatapos ng labinlimang minuto nung lumabas si Alex, nagpasa na rin ako ng aking papel. May mga laman naman syempre. Ayaw kong bumagsak eh. "Tapos kaagad? Ang bilis ah." sambit ni Ms. Dela Cruz. Di na ako umimik at lumabas na ng kwarto. Gifted ako pagdating sa mga essay na yan eh. Mabilis akong makakuha ng aking mga isusulat ukol sa ano mang bagay. Tanggap ko namang matalino ako eh, di ko lang ginagamit sa tama. Hinanap ko si Alex at nakita ko siya nakaupo courtyard. Lumapit ako at umupo sa tabi niya ng walang pasabi. Di kami nagkakibuan kasi ang ganda ng simoy ng paligid at siguro gusto lang namin parehas na madami ito. Magsasalita na sana ako nang may sumilaw sa malayo na tumama sa aking mata. Isang salamin. Na hawak ng isang babae. Pero hindi lang basta babae, napakagandang babae. May pulang buhok na naka bonnet kaya mas maganda siyang titigan. Itinataas baba niya ang salaming hawak niya. Di ko naalis ang aking paningin sa kanya ng dalawang minuto hanggang napatingin siya sa direksyon kung nasaan kami nakaupo at ako'y dali daling tumingin sa ibang direksyon upang di mahuli. At dun nagsimulang nagbago ang aking buhay...
Abangan ang susunod na mangyayari...