Chapter 5

11 1 0
                                    

*Kate's POV*

Maaga naman akong nagising.Tiningnan ko yung relo ko 5:00 pa lang ng umaga.Bumangon naman ako at inayos ang higaan ko.Napatingin ako sa kanan andun si Emily natutulog pa at mukhang humihilik.Hahaha

Dahil sa wala pa naman akong magagawa naisip kong maglibot muna sa school.Sinuot ko ang dala kong jacket at lumabas na ng kwarto.Naglakad naman akong mag-isa sa hallway ng bigla na lang tumayo yung balahibo ko at nararamdaman kong my nakatingin sakin.Kaya binilisan ko na lang ang paglalakad at nakalabas na ako ng girls room.Tinahak ko ang dinaanan namin kagabi.At ngayon ko lang nabigyan ng atensyon ang mga painting sa wall.Wow ang gaganda naman nila.Meron isang babae na painting na parang weird.Yung buhok ay sobrang iksi.Yung damit ay sobrang haba at ang weird dun may dala-dala siyang baril.

"Hahaha" tawa ko.

Bigla na lang gumalaw yung painting.Hindi naman ako natakot pero bigla na lang----

"WAAHHH!"Panggugulat ng babae sa painting na nakalabas ang ulo sa frame ng painting.Doon na ako kinabahan at kumaripas sa pagtakbo.

"Huhuhu" sambit ko nalang habang tumatakbo.

"Balik ka ah!" sigaw nung babae sa painting.

"Ayaw!" sigaw ko pabalik.

Walang anu-ano ay narating ko na ang GREAT HALL. At habang pinagmamasdan ko ito hindi ko mapigilang mamangha sobrang laki at ganda talaga ng hall na ito.Natingala ko naman ang painting sa ceiling ng hall.  May tatlong tao ang nakatayo sa harap ng isang........Kamatayan.At sa di-malamang dahilan iniwas ko agad ang paningin ko. At lumabas na ng hall.

Naandito naman ako ngayon sa labas ng great hall katapat nito ay ang malaking gate.Naglibot ako papuntang kaliwa.May nakita akong isang building di ngalang ganoo ka laki pero ok na rin, ang pangalan  ay Class 1 lesson room. So dito pala ang rooms nila.Nagpatuloy naman ako sa paglalakad hangaang sa naabot ko ang isang Malaki,Matanda at lumang building ang pangalan Class 3 training center.

Sa di kalayuan may isa ring building katulad ng unang building ang pangalan ay Class 2 lesson room. Naglakad pa ako at narating ko ang Pinakamalaking building na nandito sa area na ito ang Class 5 building.

"Ganoon ba talaga sila ka importante?" tanong ko sa sarili ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sa harap ng Class 5 building ang Class 4 training center.

Narating ko naman ang outdoor activity area nila o ang napakalawak na field ng school na ito.

"MAGNIFICENT" hindi ko mapigilang mamangha.Tiningnan ko naman ito ng maigi at may parang theater stage sa bandang norte ng field.

Naglibot-libot pa ako.At mga 6:30 na ng napagdesisyunan kong bumalik na sa room at maligo at maghanda para sa assessment ngayong mga 8:00 ng umaga.Pabalik na ako sa great hall ng may narinig akong nag-uusap.Hindi ko alam kung sino pero dinig ko ang pinaguusapan nila.

"Naandito na siya" sabi nung isang lalaki.

"Sino?" tanong naman nung isa.

"gsghchfddhjgfffdjsdhgdgjds"

Bigla ko nalang hindi naintindihan yung pinaguusapan nila parang lumabo ang signal.xD

At nagpatuloy na lang akong lumakad papasok ng great hall.

Papalapit na ako ngayon sa babaeng painting kanina muli na naman akong kinalabutan pero buti na lang at marami ng mga estudyanteng dumaraan dito. Napahinto ako sa tapat ng painting at pinagmasdan ko ito, pero wala namang nangyari siguro guni-guni ko lang iyon. At nagpatuloy naman ako sa paglalakad.

"Saan ka galing?" tanong sa akin ni Emily pagkapasok ko palang ng kwarto namin.

"Naglibot" sagot ko

"Ahhh" sabi naman niya sabay tango ng ulo.

"Tara na maligo na tayo" anyaya ko sa kanya

"Sige"

At dumiretso lang kami.Ang c.r. pala namin ay nasa harap lang ng girls room at c.r. ng boys harap lang din ng room nila. Pagpasok namin sa c.r. mabuti at konti lang ang nasa loob.Lima lang ang shower nila.Pero sapat na. Pumila muna kami at maya-maya lang  term na namin ni Emily .Mabilis naman akong pumasok sa ika-4 na shower room at si Emily sa ika-5.Naligo naman ako at nung tapos na ay lumabas na.Naka-palit na agad ako  ng damit sa loob.Gayun din si Emily.Lalabas na sana kami ng c.r ni Emily ng hinawakan ako ng isang babaeng may blonde na buhok,maputi at maganda na rin medyo nga lang.At pagkahawak niya sa akin ay bigla na lang akong nakuryente.

"Arayyy!" sigaw ko napatingin naman sa akin lahat ng tao sa c.r.

"Napano ka?" tanong ni Emily

"Wala" sagot ko.

Okay na sana eh kaso lang,nung malapit na ako sa pintuan ay kinuryente naman niya ako.

"Sweet" sabi ko at nilingon naman ako ni Emily.

"Oops sorry"sabi nung babaeng blandita habang tiningnan ako ng masama.

Bigla na lang uminit ang ulo ko.Yan kasi ako eh. short tempered,madaling magalit.

"Shei (shay) Brite" pakilala niya " ELectricity manipulator"

Binigyan ko siya ng Fake na ngiti.Talagang sinasagad mo pasensya ko ha.Tingnan lang natin ngayon.

Tinitigan ko siya.Nakaramdam siguro ng awkwardness kaya parang na conscious.Dapat lang haha.Habang tinititigan ko siya nag-simula namang umipon yung tubig sa c.r. sa likuran niya at unti-unting tumataas para bang sa tsunami ang scene ng tubig sa likuran niya.Nagulat naman ang mga tao sa loob ng c.r. pati din si Emily.Except kay Shei na busy sa pag-ngisi sa akin.

"Well I am " pagpapakilala ko sabay ngiti "Kate Elizabeth Jin" at kinontrol ko ang tubig na bumuhos sa kanya. Ayan basang-basa na siya.Hahahaha. Sabay alis sa c.r.

Dali-dali naman akong hinila ni Emily papuntang kwarto namin.Pinaupo ako sa upuan akala ko papagalitan ako pero hindi. Tinanong niya ako.

"Yun na ba yung gift mo"?

"Hindi pa" sagot ko

"So ano nga?"

Tumayo naman ako at pumunta sa dresser.Kahit ganito lang ang room namin my dresser pa din kami ano!

"It is for you to find out" sabi ko sabay ngiti.

Nagpout lang din naman siya at mas lalong lumapad ang ngiti ko sa mukha.

"Magbihis ka na lang muna" utos ko sa kanya "Malalaman mo din mamayang mag-assessment na tayo"

At nagbihis na din kami.Nung ayos na ang lahat pumunta na kami sa Outdoor activity area.

Marie-ClairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon