PROLOGUE

2 2 0
                                    

NAKANGITI kong binabaybay ang daan patungo sa bahay namin pauwi rito sa Manila, hindi ko namalayang naubos ko na pala ang lahat ng mga kakaning ipinalako sa akin ni Auntie, buti nalang talaga at may kapatid si mamang sobrang bait, kaya kahit iniwan niya na ako mag-isa, may umaalalay pa rin sa akin. Malungkot akong napangiti.

"Auntie?" Magalang na tawag ko mula sa pintuan ng bahay.

Sa aking pangalawang pagkatok ay eksaktong pagbukas ni Auntie ng pintuan, nakangiti nito akong sinalubong at kinuha ang lalagyang wala ng laman.

"Naubos lahat?" Mahinahon nitong tanong sa akin.

Tumango ako rito at ngumiti. "Opo, pinapasabi nga ni ate Geolgina na baka raw may stock pa tayo rito dahil oorder daw siya ng marami para sa darating na birthday ng anak niya."

Masaya itong tumingin sa akin. "Sa susunod na, pumasok ka na at magpalit ng damit mo, sabi ko naman sa'yo na kaya ko na 'to di'ba? Ang intindihin mo ay pag-aaral mo at makuha mo ang kursong nais mo."

Muli akong napangiti kay Auntie, sa edad na tatlumpu't-lima ay wala pa rin itong asawa, hindi ko alam kung bakit subalit dati ko ng narinig sa kaniya sa hindi inaasahan na umaasa pa rin siyang babalik ang lalaking mahal niya sa kaniya. Ni minsan nga ay hindi niya ako pinagmalupitan o trinatong parang alila rito sa kanilang bahay.

Bigla ko tuloy naalala ang dati kong buhay roon sa probinsya namin, anim na taon na rin pala ang lumipas, kumusta na kaya sila? Lalo na siya? Masaya na kaya siya sa piling ng iba? Pinahid ko ang luhang dumaloy mula sa mga mata ko.

"Umiiyak ka ba, Ayisha?"

"Hindi po Auntie, napuwing lang po ako."

"May napuwing bang gan'yan ang itsura? Napakapangit."

"Auntie naman!"

Mahina itong tumawa. "Biro lang, tahan na. Makakaya mo rin ang lahat, alam kong strong girl ka kaya malalamapasan mo rin itong mga pagsubok sa'yo, lagi lang akong nan'dito para gumabay sa'yo."

"Salamat po Auntie." Yinakap ko ito nang mahipit at naramdaman ko rin ang tugon. "P-Pero po kasi, n-namimiss ko rin po kasi yong dati kong buhay sa probinsya namin, si m-mama, yong bahay namin, yong mga kaibigan ko, pati na rin yong lalakin-"

"Mahal mo?"

Napakagat ako sa aking labi, iniwasan na tumulong muli ang mga luha. Napayuko na lamang ako dahil ayokong maging mahina sa harapan niya. Pero di kalauna'y napatawa rin ng pagak.

"Ang tarantadong 'yon, kahit tarantado siya sa pagdedesiyon niya, e mahal ko pa rin talaga siya Auntie e. Kahit sino pang lalaki ang manligaw sa'kin, wala e, bumabalik balik pa rin ako sa kaniya, pero hanggang sa mga ala-ala nalang siguro."

Marahan siyang napabuntong-hininga. "Alam mo kasi iha, may mga bagay talaga na itinadhana sa tamang oras, yong sa inyo? Baka patikim palang yon ng tadhana sa inyong dalawa." Tumingin na naman siya sa kawalan bago payak na malungkot na napangiti.

"Minsan kailangan natin ng oras upang sarili muna natin ang unahin, kapag nahanap mo na ang sarili mo, doon ka maraming marerealize, na hindi pala lahat ng relasyon nagtatapos sa happy ending, na hindi lahat ng magkarelasyon ay nakatadhana sa bawat isa, at hindi lahat ng panahon habang kayo ay magkarelasyon ay magtatapos ng magkasama kayo."

Hindi ko alam kung namamalikta mata lamang ba ako pero nakita ko si Auntie na lumuha pero agad niya rin hinawi ang mukha niya.

Muli itong nagpatuloy sa kaniyang pananalita.

"Minsan kasi kailangang may isa sa inyo na bumitaw lalo na kung alam niyong pareho na kayong nasasaktan... Lalo na kung alam niyong hindi na kayo masaya para sa isa't-isa, pero yong mas masakit kasi e yong kailangan mong bumitaw para maging masaya siya habang ikaw naman yong nagdurusa... Pero wala e, kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat kahit kapalit nito ay ang pagkadurog mo, ano ba! T-Tama na nga... masyado na akong nag-da-drama..."

MY JEJEMON DAYS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon