8

567 3 0
                                    

Confused heart

Na sa loob kami ng pamamahay nila Tita Lally, nakaupo kaming dalawa ni Kuya sa malaki nilang couch.

Malaki ang bahay nila Tita Lally, in short, mayaman sila. Panganay itong kapatid ni mama, bunso kase ang mama ko, dalawa lang sila ni Tita Lally sa totoo lang.

May tatlong anak na lalaki si Tita Lally, si Lawrence San Diego, ang panganay na kasing edad ni Kuya Tyren. Sumunod kay Lawrence yung kambal na sina Lindon San Diego at Lincon San Diego na isang taon lang ang tanda sakin.

“nag abala pa kayong magkapatid” ngiti ni Tita Lally samin ni Kuya.

Gumanti kami ng ngiti kay tita Lally.

“thank you po do'n sa Ice cream. Nasaan po si Lawrence?” nakangiti kong tanong kay tita. Alam nitong hindi ako sanay na tawagin kong Kuya ang mga anak nya.

“Nasa kwarto nya hija! Bababa 'yon pagkatapos mag shower” todo ngiti na naman ni Tita Lally samin. Ngayon ko lang napansin na grabe pala itong makatingin kay kuya, kumikinang ang mata nito habang sinusuri ang bawat kanto ng mukha ni Kuya.

“Hindi mo ba ako natatandaan Tyren?” biglang tanong ni Tita kay Kuya. Mukhang nagulat din si Kuya kaya tumingin ito sakin.

“I'm sorry madam, that's almost ten years so...” nahihiya pang paumanhin ni Kuya habang hinihimas ang sariling batok.

Tumawa naman si Tita na parang kinikilig, “Nako iho! Just call me Tita Lally okay? Napaka gwapo mo na Tyren” kinikilig na anas ni Tita, medyo natawa ako dahil nag-aastang bata ito.

“Thank you Tita Lally” anas ni kuya habang nakangiti. Mas kinilig si tita sa ginawa ni kuya,

“Walang ano man iho—teka, heto na pala si Lawrence”

Napabaling kami kay Lawrence na bumababa ng magarang hagdan, gawa sa marmol ang hagdan nila Tita Lally.

Nakapamulsa itong naglakad patungo sa pwesto namin, halatang bagong ligo ito dahil sa basa nitong buhok. Kumakalat ang amoy ni Lawrence sa buong sala.

Naka-long sleeve ito na gray saka black na shorts. Ang mukha ni Lawrence ay natural na nakakahumaling, pinoy na pinoy ang hitsura nito. Namana lang nito ang maputing balat ni  Tita Lally, bilugan ang mga mata ni Lawrence at itim na itim, matangos rin ang ilong nito, ang labi naman nito ay natural ang pagkapula, mas matangkad lang ng kaunti si Kuya dahil may lahi.

“Oh my favorite cousin, namiss kita baby Astrid” pabirong saad ni Lawrence saka sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.

Nakita ko kaagad ang asar na mukha ni Kuya, nagsalubong kase kaagad ang kilay nito sa ginawa ni Lawrence.

Humiwalay na ito sa pagkakayakap saka marahang pinisil ang pisngi ko.

Hindi ako makalingon kay Kuya dahil para itong manununtok na lang bigla, natigilan ako nang bumaling na si Lawrence kay Kuya.

“So you're the handsome guy from the States?” anas ni Lawrence habang umuupo sa tabi ni Tita Lally.

“oo sya 'yon! Napaka gwapo diba? Tama ang kwento ng Tita Adelle mo!” kinikilig na sabi ni Tita Lally kay Lawrence na medyo napangiwi.

Si mama talaga oh, kwinento pa talaga kay Tita Lally.

Napa-iling na lang ako.

“I appreciate your compliment” ngisi ni Kuya kay Lawrence. Problema nito ni kuya? Siniko ko ito ng bahagya dahil para silang naglalaban ng titig ni Lawrence.

“what?” masungit pa nitong anas sakin at hinawakan ang braso ko.

“u can let ur guard down bro, pinsan mo rin ako” ngisi ni Lawrence kay Kuya.

FORBIDDEN YOU (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon