14

433 2 0
                                    


Overnight-5

“Tita Sandra!” masayang tawag ko kay Tita malapit sa labas ng Villa. Akala ko ay sa loob gaganapin yung party para kay Nate,

“Oh iha? Nakita mo na ba si Nathaniel? Kanina ka pa hinahanap” nakangiting saad ni Tita Sandra.

“hindi pa po eh, so beach-like party ba ang ganap Tita Sandra?” masaya kong anas ng makita ang hawak na planner ni Tita Sandra. Mas lumawak ang ngiti nito sa labi nang marinig ang sinabi ko.

“Yes hija! Hindi ba sayo nasabi ni Nathaniel? Bakit pala kayo nandito? Ayaw nyo bang mag-swimming muna? O kaya libutin 'tong beach?” masayang anas pa ni Tita Sandra habang inililipat ang paningin samin nila Kuya Tyren.

“Nako Sandra, tutulong na lang kami sayo dito” anas ni mama kay Tita.

“Ano ka ba naman, hayaan mo naman mag-enjoy yung mga bata” pangungumbinsi pa ni Tita Sandra kay mama.

“Gano’n ba? Eh paano ka?” alala pang tanong ni mama pero tumawa lang si Tita.

“May tauhan naman ako dito, at saka nandito ka rin naman para tulungan ako diba?” todo ngiti ni Tita Sandra kaya natawa lang si mama.

“Oh sya, payag na ako” anas ni mama saka tumingin samin ni Kuya Tyren.

“You sure Mom? Tita?” paninigurado pa ni Kuya sa mga ito.

“of course handsome man!” masaya pang saad ni Tita Sandra saka marahang pinalo ang braso ni Kuya.

“magsaya kayo ni Astrid, sige na, bumalik kayo kapag kakain na ha?”

Paalala pa samin ni mama kaya tumango naman kami ni Kuya.

Ang alam namin ay mamaya pang gabi ang party ni Nate. Shempre kailangan agad mag ready ng mga gagamitin.

Iniwan na namin si mama kasama si Tita Sandra do’n.

“Renren” tawag ko kay Kuya Tyren ng medyo nakalayo na kami sa villa.

Nakita ko agad ang pagpula ng pisngi nito.

“w-what?” utal nitong anas kaya natawa ako.

“pwede bang hanapin muna natin si Nate?” nakangiti kong saad rito pero nag salubong kaagad ang kilay nito.

Sinasabi ko na nga ba,

“what? Why?” anas nito na halatang pinipigilan ang inis.

“Renren, shempre babatiin ko muna yung kaibigan ko” nakanguso ko pang saad dito kaya natigilan ito sandali,

Napahimas pa ito sa batok nito saka nagsalita,

“Fine. Just greet him ha? Tapos we're going to enjoy this scenery” seryoso nitong anas habang nakatingin sa dalampasigan.

Tumango ako rito saka hinawakan ang kamay nito.

Kahit sobrang kinikilig ay pinigilan ko ang sarili kong hindi mag huramentado,

Nagulat pa ito sa ginawa ko pero pinag-lock rin naman nito ang mga daliri namin.

Masaya kaming naglalakad sa buhanginan habang pinagtitinginan ng mga tao sa paligid.

“teka, couple oh!”

“grabe, super hot ng guy”

“oo nga? Kaso parang hindi naman sila mag jowa?”

“yahh, kahit maganda yung girl eh mukha silang magkapatid”

Napangiwi na lang ako sa mga narinig ko.

FORBIDDEN YOU (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon