Chapter 1

350 6 2
                                    

Chapter 1 – Alone in Christmas Time?

Matagal na ring nakalipas simula nung umalis siya. Kailangan niyang tapusin ang sinimulan niya sa States pero bakit parang feeling ko wala nang “KAMI”? Parang may kakaiba. Hindi na kami nakikipagcommunicate sa isa’t isa. Dahil ba pareho kaming busy? O sadyang ganun lang talaga?

 .

.

.

.

.

Will I be alone in Christmas time…

.

.

.

Again?

“Prince! Kamusta ang life?” Eto si Glaiza, masayang masaya dahil hindi siya alone this Christmas, she is with her mom, sister and of course Dylan. Although she has no dad, ang saya niya at may nagmamahal parin sa kanya. Alam niya na kahit papano, there are people for her.

“O, Glaiza! Eto, naghihintay parin sa kanya. Ikaw ba? Ang saya ng buhay mo eh! May Dylan Joshua Rosales. Ahaha.” Sinuntok naman niya ako ng mahina sa braso at tumawa din. It’s really a good thing that Glaiza changed. Nawala ang pagka-man hater niya. Kakaiba talaga ang charms ni pareng Dylan. Ahaha.

“Wag ka nga! Maniwala ka Prince, babalik iyon as soon as possible. Mahal ka nun and so do you. Naman! Wag bitter! Christmas na Christmas eh! Ahaha. Believe lang Prince. Wag mawalan ng pagasa. Okay?” Yan nanaman ang words of wisdom from Glaiza. Lagi niya akong pinagsasabihan eh. Ewan ko ba dun, ang hilig magbigay ng kanyang words of wisdom.

“Oo na po. Ahaha. Grabe ka! Hindi ako bitter noh! Bahala ka na nga diyan!” Binelatan ko siya at umalis na ako pati na rin siya.

Nga pala, today is Christmas Eve. December 24 in other words. Tulad nga ng sinabi ko kanina… I’m alone in this Christmas time… once again.

I’m on my way home and I saw a car parked sa harap ng aking bahay. Huh? Weird. I don’t expect any visitors. Pumasok ako sa bahay and the lights were off. I can’t see a single thing so syempre, I turned the lights on and what surprised me is that OffLimits was there.

“Merry Christmas! Haha… Wag mong isiping magisa ka this Christmas dahil kami ang pamilya mo.” Sabi ni Dylan. Ahaha, hindi na ako magtataka pa kung paano niya nalaman tungkol sa iniisip kong magisa ako this Christmas dahil may madaldal yang kasama.

So there, nag-NOCHE BUENA kaming OffLimits, as in kaming grupo lang kasi yung girls netong mga ito nasa kanilang pamilya. OffLimits is one of the greatest thing God has given me. Wala na akong hihingilin pa kundi ang makasama lang ang mga mahal ko sa buhay.

Syempre, nagbonding kami since matagal-tagal na rin kami hindi nagsama-sama dahil sa sarili naming buhay. Masaya dahil parang ngayon lang kami ulit nagkita after how many years. HAHA!

"Eric! Kamusta naman na si Michaela?" Tanong ni Arthur. Si Michaela? Hindi ko alam. Kamusta na nga ba siya? Wala na akong balita sa kanya eh.

"Ewan ko ba, Arthur. Wala na akong balita sa kanya eh"

"At bakit naman aber?" Tanong ni manager. Talaga ito kahit kelan.

"Hindi na kasi kami nagkausap eh. Dibale babalik rin yun"

"Sige lang ERIC! Hahaha. TIWALA LANG YAN!" Sabi naman nitong si Blake. 

After nun, nagsiuwian na sila. Mga alas-tres na nang umaga eh kaya MALIGAYANG PASKO! Pumunta naman ako ng kwarto na matagal ko nang hindi napupuntahan nang may nakita akong envelope sa sahig nung pagkabukas ko ng pinto. Binuksan ko naman ito at may nakita akong sulat. Kaya naman ito ay binasa ko.

 .

.

.

.

.

.

.

Minamahal kong Eric Prince Castillo,

            Una sa lahat, sorry dahil hindi kita makakasama ngayong pasko dahil nga andito ako sa States. Itong letter na ito ay pinadala ko lang kay tita Liza dahil siya ay nagbakasyon diyan. Sorry dahil hindi ako nakakatawag sayo kahit isang “Hi” man lang. I know na dapat ngayong pasko hindi ka nagiisa pero eto ako iniwan kang magisa samantalang pinangako ko sa iyo na hindi ka na magiisa tuwing pasko. I’m really really sorry Prince.

Sana maintindihan mo ako. I’m doing this for the two of us. I don’t want any misunderstandings between us. I don’t want any from the two of us leaving each one’s side. Mahal kita and you know that. I’ll do my very best para matapos na ang lahat nang ito dito sa States to be with you para hindi ka na magisa. I promise you na everything will be back to it was before.

Wag na wag kang mawalan nang pagasa dahil tanging “pagasa” lang ang magbibigay sa iyo nang lakas para maniwala na lahat nang ito ay isa lang pagsubok ng iyong buhay. Hindi lagi masaya ang tao pero diba pagkatapos ng isang pagsubok, lahat ay nagiging masaya?

Tingnan mo sila Glaiza at Dylan, masyadong maraming nangyari bago naging sila, lahat nang mga hirap sa buhay ay pinagdaanan nila pero dahil sa tiwala at pagasa, nakaya nila lahat iyon. Kaya sana, believe me at wag kang mawalang nang pagasa. After this study I’m having here, I’ll be back there for good and never will I leave you.

Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.

Merry Christmas!

Again, I love you, My lovely Prince.

Truly yours,

Dianna Michaela Marquez

 .

.

.

.

.

.

.

Hindi ko namalayan na nagluluha na pala ako. Akala ko wala na ang lahat pero eto si Michaela, kahit na malayo siya, nagagawa niya akong pasiyahin maski sa isang sulat man lang.

I went straight to my room with that letter and kept in my drawer. I calmed myself and drifted to sleep.

Will I really be alone in Christmas time?

I heaved a sigh...

Merry Christmas to you Eric Prince.

____________________________________________________________________

So guys, here's the first part. Tomorrow is the second part then tapos na pero very worth reading talaga ito. PROMISE ko sa inyo!

My Lovely Prince [Christmas Special]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon