King 1

55 7 3
                                    

KING OF MY HEART

King 1:

Sa mansion ng mga De Torre.

"Calel bakit umiiyak ka? Inaway ka ba ni Sir King mo?" Tanong ni Nanay Gigi, mayordoma siya sa mansion ng mga De Torre. Fifty years old na siya.

Si Sir King Gian De Torre ay ang ikalawa at nag-iisang anak na lalaki ng mag-asawang De Torre, sina Madam Lucille at si Senior Fernan De Torre.

Ako si Calel Cruz. Kasambahay din si mama dati dito sa mansion ng mga De Torre pero namatay siya dahil sa atake sa puso.

Hindi ko kilala kung sino ang tatay ko at wala akong alam na kamag-anak namin ni mama. Si Nanay Gigi na ang nag-alaga sa akin mula nang mamatay si mama.

Tumutulong ako sa mga gawain dito sa mansion. Magagaan na bagay lang ang pinapagawa sa akin ni Nanay Gigi.

"Hindi po Nanay Gigi. May nang-away lang po sa akin sa may labasan pero hindi ko po kilala."

Ayaw ko lang magsumbong pero tama si Nanay Gigi dahil si Sir King talaga ang dahilan kung bakit ako umiiyak.

"O siya sige na. Punasan mo na yang mga luha mo Calel. May itinabi akong meryenda dun sa loob. Magmeryenda ka muna." Utos ni Nanay Gigi.

Pumasok na ako sa kusina para magmeryenda at para hindi na rin ako tanungin pa ni Nanay Gigi.

Kumuha ako ng mamahaling porselanang platito at baso, at ng kulay gintong kutsarita. Kumuha ako ng isang slice ng mocha almond cake at nagsalin ng fresh apple juice.

"Para ba iyan kay Sir King, Calel?" Tanong ni Ate Alma.

"Opo, dadalhan ko po siya sa kuwarto niya. Baka po kasi hindi pa siya nagmemeryenda."

Kahit naman masama ang loob ko kay King Gian ay trabaho ko pa rin na dalahan siya ng meryenda niya. Isa ito sa madadaling trabahong aking ginagawa dito sa mansion.

"Maigi pa nga ay dalahan mo na ng meryenda ang ating kamahalan. Mukhang may topak na naman. Lagi na lang masungit." Bulong ni Ate Alma.

Mabait naman si Sir King. Kaya lang minsan ay topakin talaga, gusto lagi siya ang masusunod palibhasa ay anak mayaman.

Kagaya kanina, masaya kaming naglalaro ni Lemuel nang lumapit si Sir King sa amin at tinawag nito si Lemuel. Anak si Lemuel ng isa sa mga trabahador dito sa mansion.

"Hoy ikaw! Kapag nakita pa kitang nakikipaglaro kay Calel. Palalayasin ko ang buong pamilya mo dito. Pababalatan kita ng buhay at ipapakain kita sa aso. Bawal ka nang makipaglaro o makipag-usap kay Calel mula ngayon. Bawal ka nang lumapit sa kanya!" Matigas na utos ni Sir King kay Lemuel.

"Hindi na po mauulit Sir King. Iiwasan ko na po siya." Natakot kaagad si Lemuel.

"Good! Madali ka naman pa lang kausap." Maangas na sabi ni Sir King.

Nagulat ako dahil wala naman kaming ginagawang masama ni Lemuel? Bakit bawal na kaming maglaro at mag-usap tapos kahit lumapit man lang sa akin si Lemuel ay bawal na rin?

Ang yabang talaga ni King Gian De Torre. Hindi kagaya ng mga magulang nito na mababait.

Hindi basta-basta nakikipag-usap si King Gian sa kung sinu-sino lang. Hindi siya nakikipag-kaibigan sa mga anak ng tauhan nila dito sa hacienda. Bawal siyang lapitan at kausapin unless siya mismo ang unang gumawa noon.

Pero iba ako sa lahat dahil ako lang ang batang nakakalapit kay King Gian.

Kaya kong makipag-usap kay King Gian nang nakatingin sa mga mata nito nang deretso. Ang ibang bata kasi ay sa lupa nakatingin kapag kinakausap ni King Gian.

King of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon