King 4

20 2 3
                                    

King Of My Heart

King 4:

"Calel, ano na? Sasama ka ba? Pagbigyan na natin si Lemuel. Si Aling Susan na rin mismo ang nagsabing pumunta tayo." Bulong ni Joy sa akin.

Sinenyasan ko siya na huwag maingay dahil baka marinig siya ni King Gian.

Birthday ni Lemuel ngayong araw. Hindi pa ako nakakapag-paalam kay King Gian na pupunta ako sa birthday celebration ni Lemuel. Hindi ko sure kung papayagan niya ako? Humahanap pa ako ng timing para magsabi sa kanya.

Naglilinis si Joy sa kuwarto ni King Gian ngayon at ako naman ay tinutulungan si King Gian sa projects nito.

Ang alam ko kahit sina Nanay Gigi at iba pang kasambahay sa mansion ay pupunta din. Pinayagan sila ni Madam Lucille dahil wala namang importanteng kailangang gawin sa mansion ngayon.

"Magsabi ka na ha! Aalis tayo dito ng 3pm." Pangungulit ni Joy sa akin bago siya lumabas ng kuwarto ni King Gian dahil tapos na siyang maglinis.

Tumango lang ako kay Joy. Sumenyas ako na maghintay siya at magsasabi na nga ako.

Tiningnan ko si King Gian, busy siya sa laptop niya. Nagre-research kasi siya para sa report project niya.

"May lakad kayo ni Joy?" Tanong ni King Gian na hindi tumitingin sa akin dahil pokus sya sa gingawa niya.

Nablanko muna ang utak ko. Napansin niya siguro kami ni Joy kanina?

"Ahmm, kasi..." hindi ko maderetso ang sasabihin ko dahil nag-aalangan ako.

"Birthday ni Lemuel ngayon-" sabi ko.

"Birthday ni Lemuel ngayon ah-" sabi ni King Gian.

Sabay pa kaming dalawa.

Alam niya na birthday ni Lemuel ngayon? Kinabahan tuloy ako, tiningnan ko si King Gian kung galit ba siya? Hindi ako sure.

"Sinabihan ako ni Aling Susan, maki-birthday daw ako. Kahit si Lemuel inaya ako na pumunta ako, or kung pwede daw payagan naman sana kita." Sabi ni King Gian, sa monitor na ulit ng laptop siya nakatingin. May tina-type siya sa keyboard. Mukha namang hindi siya galit pero ang lakas ng kaba ko.

"Ahmmm," hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko.

"Okay lang sige na, pumunta ka na." Nagulat ako sa sinabi ni King Gian. Okay lang talaga sa kanya na pumunta ako? Hindi siya galit?

"Ahm, okay lang. Hindi ako sure kung pupunta ako. Kailangan pa nating tapusin ang project mo, di ba?"

"Calel, okay lang. Pumunta ka na. Ako nang bahala sa mga iyan." Kinuha ni King Gian ang ginagawa ko at inilagay sa study table niya.

Hinahabol ko ang aking paghinga. "Okay lang ba talaga na pumunta ako?"

"Calel hindi na tayo bata. Mga bata pa tayo nun kaya immature pa ako para pagbawalan kang lumapit kay Lemuel. Feeling ko kasi noon dapat sa akin lang ang atensiyon mo. Di ba sabi mo dati hindi dapat umiikot sa ating dalawa lang ang mundo natin pareho?" Sabi ni King Gian.

Nakatingin siya sa akin at para bang hinihintay ang reaksiyon ko. Tumango lang ako.

"Sige...." sabi ko lang at nagmamadaling lumabas ng kuwarto niya.

Napahawak ako sa dibdib ko pagkasarado ko ng pinto pagkalabas ko ng kuwarto niya. Bakit ang bigat ng nararamdaman ko? Tama ba ang narinig ko kay King Gian? Sang-ayon na siya sa sinabi ko dati na hindi dapat umiikot lang ang mundo namin sa aming dalawa lang.

Natatandaan ko pa ang sagot niya sa akin ng sinabi ko iyon sa kanya, "hindi ko kailangan ng iba sa mundo ko, masaya na ako sayo."

Sabagay tama si King Gian, mga bata pa nga kami noon. Tanda ko pa din ang sinabi ni King Gian sa restaurant kamakailan lang, may pinangakuan na siyang papakasalan pagdating ng tamang panahon noong bata pa siya at hinihintay na lang niya ito. At si Alexa iyon, ito lang naman ang umalis at kailangan niyang hintayin ang pagbabalik nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

King of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon