February 08, 2020
"Wake up, ugly duckling!" Sumampa si Dace sa kama ni Reigh na mahimbing pa ang tulog habang niyuyugyog ito. "Wake up!"
"Damn it, Dace! Ano bang problema mo?!" Naaalimpungatang biglang napaupo si Reigh sa kama.
"Ano ba ang ginawa mo kagabi? Bakit parang puyat na puyat ka? 10 o'clock na ng umaga, oh!" Tanong ni Dace nang mapansin nito ang eyebags ni Reigh at nangingitim pa ang paligid ng mga mata nito.
"Ano bang pake mo?! Ang aga-aga, eh..." Inirapan nito si Dace. "Ano na naman ba ang kailangan mo?! Ba't ang aga mo mangbulabog ng taong nanahimik lang?!"
"Do you still have provisions?" Ngising sabi nito.
"Ano? Makikikain ka na naman?!"
"Nakalimutan ko kasi na mag grocery kahapon. Wala nang laman ang fridge ko." He grinned.
"Ilang araw mo nabang nakakalimutan na mag grocery ha?! Ang sabihin mo, tamad ka!" Bulyaw ni Reigh.
"Chill!" Tinakpan ni Dace ang ilong nya. "Mag-toothbrush ka kaya muna?" Nairita si Reigh at hinampas sya nito ng unan sa mukha. Padabog itong tumayo at nagtungo sa bathroom upang magtoothbrush.
"Nagkataon lang talaga na naubusan ako ng groceries. Hayaan mo, babayaran kita pag natanggap ko na ang TF ko."
Maya-maya ay lumabas na si Reigh mula sa banyo.
"Kahit naman may groceries ka sa bahay mo dito ka parin naman kumakain, eh." Reigh rolled her eyes at nagtungo na ito sa pinto upang lumabas. Sumunod naman dito si Dace.
"Babayaran naman kita, eh. Pag natanggap ko na ang TF ko, ililibre kita kahit saan mo gusto."
"Ikaw?! Ililibre mo 'ko?! Eh, kulang nga lang yang buong TF mo sa isang date nyo ni Jessy, eh!"
Yes, may girlfriend si Dace. At hindi si Reigh 'yon.
"Promise ko yan sa'yo this time."
"Here we go again with your promises." She laughed sarcastically. "Don't make promises you can't keep. Magluto ka nalang jan kung gusto mo bahala kana jan."
"Eh, ako naman talaga laging nagluluto dito, eh. Kung wala ako, puro ramen lang naman kinakain mo."
"Pake mo ba? Dapat lang naman na ikaw ang magluto, no! Bahay ko 'to, lahat ng ingredients na ginagamit mo ay binili ko lahat using my own money, tapos yang pinagkakainan mo akin din yan! Luto lang naman ang ambag mo." She rolled her eyes again.
"Alam mo, sa kakairap mong yan one day, yang iris mo mapupunta na yan sa likod."
"Dami mong alam. Magluto kana bilis. Gutom na'ko."
"You always act as if ayaw mo na nandito ako when the truth is gustong-gusto mo naman kasi nakakakain kalang naman ng good food kung ako ang nagluluto."
"Don't flatter yourself. You have no idea how bad your cooking is."
"Kaya pala inuubos mo lagi ang niluluto ko. halos di mo na nga ako tirhan, e." Reigh gave him a dead stare.
Nagsimula nang magluto si Dace ng agahan. After a few minutes, nakalapag na sa rectangular glass dining table ang fried rice with green peas, small cubed carrots and potatoes, chicken ham, sunny side up and Reigh's ever favorite cheesedog. He also prepare a brewed coffee for him and a fresh cow's milk for her.
YOU ARE READING
I Don't Wanna Be Just A Friend
Novela JuvenilReigh loves her peaceful life just the way it is for as long as she lives, but how can she keep her life peaceful if her childhood bestfriend is a famous personality and wants her to be with him wherever he goes?