WHY ARE YOU STILL HOLDING ON?

1 0 0
                                    

/errors ahead

"Ethan, can we talk?" Tanong ko rito.

He's Ethan, my boyfriend for almost 5 years at masasabi kong nandito kami ngayon sa punto na wala na yung kilig at yung saya.

"Do you still want me in your life, Ethan?" Tanong ko pa.

"How about you? Do you still want me? Do you still love me?" Tanong nito pabalik.

Here we go again. . .

"Ofcourse I do!" I claimed.

"Bakit ba binabalik mo sa'kin yung mga tanong!?" Sigaw ko pa dahil sa inis.

"Wala na yung saya," wika niya.

"Hindi lagi puro saya ang relasyon."

"Hindi na nakakakilig," aniya.

"Hindi kailangan kiligin lagi." pabalik kong sabi.

"Look, why are you still holding on baby!?" Singhal niya sa'kin.

"Wala na yung saya."

"Exactly!"

"Nawawala ngayon yung kilig," saad ko pa.

"Pagod ka na ba?" Tanong niya.

"But that doesn't mean na bibitawan na kita. Kung hindi na masaya sabay tayong gumawa ng paraan para sumaya. Kung hindi na nakakakilig, gumawa tayo ng bagay na sasaya tayong dalawa at sabay kikiligin sa tuwa. Kung pagod ka naman, ilalaban kita. Ilalaban kita sa mundong mapaglaro at puno ng sakit na iniinda, sabay tayong maghihilom Ethan. Kung napapagod ka magpahinga ka, hayaan mong ako ang kumilos para sa'ting dalawa hanggang sa kaya mo na ulit lumaban," mahabang linyada ko.

"Why baby? Why are you doing this? Alam kong nahihirapan ka na, alam kong nasasaktan ka na, alam ko 'yon!" saad niya.

"Magkaroon man ng libo-libo na rason para bitawan kita, lagi mong tatandaan na may isang rason na nadadaig ang lahat para ipaglaban kita," I said.

"What is it? Paano mo nagagawa ng lahat ng 'yan? Saan ka humuhugot ng lakas?" Nagugulumihanan niyang tanong.

"Sa pagmamahal ko sa'yo. . ."

I hugged my man saka umiyak sa balikat niya.

"I love you, Ethan. I really do, at kahit magkaroon pa ako ng maraming sugat, patuloy ko sila gagamutin para ipaglaban ka. We're not kids anymore baby. I'm your lady and it's also my obligation to fight for my man, you're my man. Kaya 'wag mo kwestyunin kung bakit pa ako kumakapit, 'wag mo kwestyunin kung bakit inilalaban pa kita, dahil alam mo ang rason sa lahat, at 'yon ay dahil mahal kita. "

"I love you too, baby."

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now