Chapter One: Cupid's List

48 2 2
                                    

By: PixiedustChasm

....................................

(sigh) Malapit na naman ang Valentine's Day tsaka ang haba haba pa ng listahan ko.  Although nakakalahati na ako ng listahan na patatamaan ko ng arrow love potion ko, nasa 750 pa lang ako out of 1000. Minsan pag wala akong magawa, nagsusulat na lang ako sa diary ko (^_^) . Oo, marunong din akong magsulat at meron din akong diary. Akala nyu kayo lang? Haha!

O sya, gusto nyu ng sample? Sige, pagbibigyan ko kayo

-------
01/01/15
DearDiary,

HAPPY NEW YEAR! ^_^ Ang saya saya ko kasi bagong taon na naman ang dumating. Tsaka, marami din akong napanang puso na in love, muling na in love at love na in love. Dahil dun naging masaya ang mga tao. Marami mang nagkakatampuhan, mas madami naman ang nagmamahalan at meron ding nagkakabalikan. Sana dumating yung araw na may pumana rin sa puso ko. Haha!

------

Ito yung araw na nadiskobre ko ang diary. Ito din yung kauna-unahang laman ng diary ko. Narinig ko kasi sa mga tao na pwede mo raw isulat ang lahat ng gusto mo dito. Pwedeng masaya (^_^), pwedeng malungkot (-_-), pwedeng galit ('Δ'), naiinis (>_<), at marami pang iba.

Magpapakilala pa ba ako? Parang di na kailangan, kilala nyu na naman ako diba? Haha! SIGE NA NGA! [^O^] Ako si Eros o Cupid, ang pumapana sa mga puso nyung in love. Akala nyu siguro kayo lang ang marunong gumawa ng wattpad no? Usong-uso rin kaya dito sa Heaven. Haha! O sya, jan muna kayo marami-rami pa tong papanain ko. Gusto nyong sumama? ^^ SIGE TARA!

Sino na nga ba ang susunod?

751. Jacky Perez and Mocky De Guzman

752. Hannah Jin and Wafer Cruz

753. Venus Lee and Kobi Vince Sanchez

754. Carol Waigne and Bryle Flip Top

755. Valerie Gianna Fleur  and Kenneth Blaze Nixon

Cupid's Diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon