Chapter Three: The Revelation

27 2 1
                                    

By: PixiedustChasm

......................................

Pagkarating namin sa harapan ng trono ng Panginoon, lumuhod kami sa kanya para purihin sya

"Ano yun mga anak?" Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nung nagsalita ang Panginoon

"Panginoon, patawad po sa kasalanan na ginawa ko. Nilabag ko po ang utos nyo, tatanggapin ko po kahit anong parusa ang ibigay nyo" Bigla lang tumulo ang luha ko sa magkabilang pisngi ng mukha ko

"Wala kang nilabag sa utos ko anak. Gaya ng sinabi sayo ni Charity, lahat ng ito'y may dahilan." bigla akong nasayahan sa sinabi ng Panginoon

"Hindi po kayo galit?"

"Walang dahilan upang magalit ako sayo Anak. May kahilingan ka ba?"

"Opo Panginoon"

"Ano yun?"  tumingin ako kay Casper at ngumiti lang sya sakin at tumango

"Hinihiling ko po sana kung pwedeng ipagpatuloy namin ang pagmamahalan namin ni Charity aming Panginoon"

"Sigurado ka na ba sa desisyun mo at handa ka na ba kung ano mang mangyayari?" kinabahan ako sa sinabi ng Panginoon pero ito ang gusto ko

"(sigh) Tatanggapin ko po ng maluwag sa aking kalooban Panginoon kung anong tatahakin ko sa lupa. At bilang parusa na rin po sa akin" Pagkatapos nun, biglang may liwanag na masisilaw ka at mapapatakip sa mata mo.

Pagkagising ko ..... O_______O

"Tao na ako! Hahahahaha! Tao na ako! ^___^ Salamat ho Panginoon" (X____X) Ambaho-baho ko naman tsaka marumi, nasan na kaya si Casper para naman makapgbihis ako

"Casper, lumabas ka na. Magbibihis pa ako"

"Hahahahahaha!" bat sila tumatawa? Di ko na nga lang sila papansinin

"HOY! Sa ayos mong yan? Makakabihis ka pa ng maayos?" sabi nung lalake

"Hahahahaha!" Ano bang problema nila?

"Umalis ka nga dito mabahong lupa!! Mamalasin ang paninda ko!!!ALIS!!" ano bang ginawa ko? bat sila galit sa akin?

"Umalis ka na sabi eh!!! Gusto mong tumawag ako ng pulis?" hindi ko na lang sila pinansin, mabuti pa sigurong puntahan ko nalang si Charity. Tama! ^^ Bat ngayon ko lang yun naisip?

- - - - - - - - -

Pagkarating ko sa bahay nila, tila marami ng nagbago. Mas lalo ng gumanda ang bahay niya, umiba na ang kulay ng bahay , mas lalong lumaki at maraming tao sa loob ng bahay niya. Mas lalo ring gumanda ang daanan, ang tanawin, ang mga bulaklak at marami pa. Papasok sana ako sa bahay nina Charity para puntahan sya kaso---

"Pasensya na po sir, bawal po ang palaboy dito. May bagong kasing kasal sa loob at bawal magpapasok ng ibang tao. Teka sandali (may kinuha syang kung ano sa pantalon nya at inabot sakin) Ito, pambili mo ng pagkain dun sa karenderya. Sige na, umalis ka na" sabi nung lalaking nakabantay sa gate ng bahay nina Charity

"Si-sino po ba ang ikakasal?" tanong ko

"Yung anak ng may-ari ng bahay na to, si Ma'am Charity" O___O Ma'am Charity? Ikakasal? Hi-hindi pwede! Bigla akong nakaramdam ng tinik na tumutusok sa puso ko at unti-unti na ring tumutulo ang mga luha ko

"O bat ka umiiyak?" hindi ko nalang sinagot ang tanong nya, tumakbo ako ng tumakbo. Ikakasal? Sibi nya sa akin mahal nya ako. Nagmamahalan kami. Pano to nangyari? Ikakasal na sya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cupid's Diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon