Chapter 18

16.3K 399 47
                                    


Susunduin ako ni Daniel ngayon.

Sinigurado kong walang tao sa bahay. Walang mommy, walang daddy, walang katulong, walang driver. May night out si Mommy kasama ang kanyangmga kaibigan, di ko alam kung nasaan si Daddy at wala naman talaga akong pake dahil sigurado ako kung sino ang kanyang kasama, si Manang naman ay pinag day off ko at ang driver naman ay pinauwi ko na dahil sinabi ko wala naman akong lakad ngayon.

6:00 pm ako susunduin ni Daniel. 5:45 pm na. Kasalukuyan akong naghahanda. Napag desisyunan ko na magsuot na lang ng skirt, white sleeveless top, isang cardigan at black flats. Kinukulot ko ang dulo ng aking buhok. 

Biglang may nagdoor bell. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Daniel. Sinagot naman niya agad. Sinabi ko sa kanya na hindi pa ako handa. Sinabi ko din kung saan mahahanap ang susi ng front door para pumasok na lang siya at hintayin ako sa sala. Ginawa naman niya. Binaba ko na ang tawag at bumalik sa paghahanda.

Nag apply din ako ng light make up. Foundation, blush, pink lipstick at lip gloss. Tinignan ko ang sarili ko sa aking full length mirror. Okay na 'to. Di bongga pero hindi din naman sobrang simple. Kinuha ko ang maliit kong black body bag at bumaba na.

Nakatalikod sa akin si Daniel. Nakaharap siya sa mesa na may mga pictures ng aming pamilya. Di niya ata napansin na nakababa na ako. 

"Hey..." Mahinang bati ko sa kanya. Napalingon naman siya agad. Naka black polo sIya na tinupi hanggan siko at maong skinny jeans. Dahan dahan niyang binaba ang hawak niyang litrato. Its my solo picture when I was still 14 years old.

"Hi." Sabi niya at unti unting ngumiti. Napangiti rin ako. Lumapit siya sa stairs para salubungin ako. Nilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko naman iyon. "You look beautiful"

"Thanks. Ang gwapo mo din tignan" 

"Thank you" Binitawan niya ang aking kamay at lumipat ang kamay niya sa bewang ko. "Nasaan nga pala ang mga magulang mo? Gusto ko sanang magpaalam"

"Huh? Ayy... Uhm..." Bumaksak ang ngiti ko. Nasaan nga ba ang mga magulang ko? Nakikipag-inuman para makalimot sa problema? Nakikipag date sa kabit?

"Okay ka lang? Namutla ka ata" Nag-aalalang sabi ni Daniel.

"Ahh yeah. Okay lang ako" Nginitian ko siya. "Wala sila ngayon ehh. Umalis. Maybe next time?"

"Ganun ba? Sige. Next time na lang"

"Tara na?"

"Tara" Inalalayan niya ako palabas ng bahay.

Nilock na namin yung front door at pinagbuksan niya ako ng pinto sa kanyang kotse. Pagka upo ko ay sinarado na niya yung pinto at naglakad patungo sa driver's seat.

Hindi naman ako nag-aalala na may makakakita sa amin. Malayo ang mga agwat ng bahay dito sa village namin. Hindi tabi-tabi. Gabi na rin kaya madilim at wala ng masyadong nasa labas.

Pumasok na si Daniel at nagsimulang mag drive.

"So saan tayo pupunta?" Pagbasag ko sa katahimikan.

"Sa restaurant ng kaibigan ko. Wag ka mag-alala, pinasarado ko ang buong restaurant. Sinabi ko rin na iwan na lang nila yung pagkain at paalisin na yung staff" Pag explain niya. Tumango na lang ako.

Nagkwentuhan na lang kami. Nag kwento siya tungkol sa mga nangyari sa kanya these psast few days at ganun rin naman ako. Di nagtagal ay nakarating na kami sa kainan. Tago ito. Mahirap mahanap. Parang sobrang private ng lugar. Walang malapit dito. Walang kahit na ano sa paligid. Siguradong walang makakakita sa amin dito kaya siguro ito ang piniling lugar ni Daniel.

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon