Chapter 25

12.9K 404 49
                                    

out of the limelight's characters have twitter!! follow them

kathryn- brnrdkathootl

daniel- pdlldanielootl

julia- brrttjuliaootl

miles- ocmpmilesootl

thank you! :)

———————————————————————

Pagkabukas ko ng front door, si Mommy ang sumalubong sa akin... umiiyak at may dala siyang tatlong malalaking maleta.

What the fuck is going on?

Agad akong pumasok at sinara ang pinto. Linapitan ko siya. Pinunasan niya ang mga luha na walang tigil na lumalabas mula sa kanyang mga mata.

"Mommy, what's going on? Bakit may mga maleta kang dala? A-aalis ka ba? Aalis ba tayo?" Naguguluhan at kinakabahan kong tanong.

"Kathryn, umupo ka muna. Mag-usap tayo" Mahinahon na sabi niya habang pinupunasan ang kanyang pisngi.

"No! Hindi natin kailangan umupo. Mag-uusap lang naman tayo ahh" Nagsimula na akong maluha. May naisip na akong possibleng dahilan ngunit pinilit kong tanggain iyon sa aking isipan.

"Aalis na ako, anak. Kailangan kong hanapin ang sarili ko. Gulong gulo na ako sa lahat ng nangyayari ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko"

"Aalis? Saan ka pupunta? Kailan ka babalik?" Sunod sunod kong tanong.

"H-hindi na ako babalik" Mahinang sagot ni Mommy. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ang pagbagsak ko. Napa-upo ako sa sahig.

This is it.

My worst nightmare just came true.

"B-bakit? Iiwan mo ko?" Humahagulgol na sabi ko. Hindi ko siya tinignan. Nanatili ang tingin ko sa sahig.

"Baby, no. No. I will be come back. I will always come back for you," Lumuhod siya para makapantay ako. Hinakawan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap ako sa kanya. Binigyan niya ako ng isang ngiti. Isang malungkot na ngiti. "But not in this house anymore. Dahil sa bawat sulok ng bahay na ito, wala akong natatandaan kundi mga masasakit na mga alaala. Wala akong matandaan kundi ang kasalanan ko"

"What about our memories? Our happy memories? Yung mga panahon na pamilya talaga tayo? Hindi mo na ba naaalala iyon?" Tinititigan ko ang mga mata niya na para bang pinapaalala sa kanya ang mga panahon na iyon. It was as if I was begging her to remember.

"I do remember. Natatandaan ko iyon—"

"Then stay!"

"How could I forget them? Iyon ang pinakamasayang parte ng buhay ko pero those moments shouldn't have been with me"

"Ano bang ibig mong sabihin? Gulong gulo na ako. Wala na akong maintindihan. Sasabog na yung puso ko" Patuloy lang ako sa paghagulgol. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay habang umiiyak ako. Yinakap naman ako ni Mommy.

"Mommy loves you so much. I would do everything and I would give up everything just to see you happy. You are the greatest thing that has ever happened to me." Bulong niya sa tenga ko.

"Then why are you leaving me?"

"May mga bagay na hindi mo alam, Kathryn. At mas mabuting hindi mo na malaman pa. Basta ngayon, intindihin mo na lang ako kung pwede—"

"Paano kita iintindihin kung ayaw mong ipaintindi sa akin?" Tanong ko at humiwalay siya sa yakap. Hinawakan niya muli ang magkabilang pisngi ko.

"Balang araw, kapag handa na ako, ako mismo ang magke kwento sa iyo ng lahat lahat pero sa ngayon, hindi ko pa sasabihin sa iyo dahil alam kong magbabago ang tingin mo sa akin. At hindi ko kakayanin iyon. Ikaw na lang ang meron ako. Ayoko na pati ikaw mawala sa akin"

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon