Part 4

15 0 0
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin matapos ang maulang gabing iyon, Nagkahiwahiwalay kami dahil akala namin wala na ang mga zombies yun pala pag baba namin marami pa sila. Sinakripisyo ni Jeff ang buhay niya para makatakbo ako, kitang kita ng mga mata ko habang tumatakbo kung paano niya pinag hahampas, saksak at baril ang mga halimaw na yun, Hindi ko mapigilang umiyak habang tumatakbo ng gabing iyon. 

Basang basa ako at nanginginig hindi ko alam kung saan ako pupunta, ako ay nanghina at natumba at biglang napa isip kung ano ang mangyayari sa akin nang bigla kong narinig ang parang mga tunog ng mga zombies na yun. Gusto kung tumakas o tumakbo pero ako ay mahinang mahina. Palapit ng palapit ang tunog at nakita ko malapit na sila. Matindi ang kaba ko. Ilang hakbang nalang sila patungo sa akin. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para sa aking katapusan, Iniisip ko nalang ang mga magagandang nangyari sa aking buhay, Tinanggap ko na ang aking kapalaran. Nang biglang may putok ng mga baril akong narinig.

Bang! Bang! Bang!

Binuksan ko ang aking mga mata at may nakita akong dalawang lalaki pero hindi ko masyadong mamukhaan ang kanilang mukha, ako ay kanilang binuhat at pagkatapos at narinig kong sinabi ng isa sa kanila na wag na daw ako mag-alala ligtas na ako at bigla nalang nag dilim ang aking paningin at ako ay hinimatay.

Ako ay nagising sa isang maliit na kwarto pinagmasdang ko ang aking paligid, medyo makalat ang kwarto. Muli ko paring iniisip ang mga nangyari ng gabing iyon, kung paano kami nagkahiwahiwalay, kung paano nawala isang malapit na tao sa akin at kung paano ako nakaligtas sa bingit ng kamatayan. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan sumaby din ang buhos ng aking luha.

Ilang sandali lang may biglang kumatok sa pintuan, pinunasan ko muna ang aking luha at sabay sabi "pasok po kayo" bumukas ang pintuan at ako ay nagulat sa aking nakita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walking Dead. SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon