Part 3: GAS

104 1 1
                                    

Hingal na hingal na ako hindi ko na alam ang gagawin, iniisip ko nalang na makakaligtas kaming tatlo.

Buti nalang sa di kalayuan may isang gas station at isang arcade shop kaya naisip ko na magtago muna kami doon.

Binilisan namin ang takbo hanggang sa makapag tago kami sa unang shop. Kinuha ko na yung chance na kumuha ng gamot kasi parang convenience store. Sinigurado muna namin na hindi sila makakapasok sa loob kaya halos lahat ng shelves minove ko sa part ng pintuan at mga bintana nito ng biglang may kumalabog sa storage room sa likod.

"Jeff tingnan mo muna kong ano yun". kabang kabang sabi ko kay Jeff.

"Okay wag kayong aalis ni Raul.. bantayan mo siyang mabuti...."

Dahan dahang binuksan ni Jeff ang pintuan ng storage room..

Nagulat kami ng may taong lumabas.

Isang lalaki mga mid 40's siguro, mataas moreno at physically fit.

Napasigaw si Jeff  at agad niya akong tinawag.

"oi! baliw kaba!? wag kang sumigaw baka marinig nila tayo!" sabi ng lalaki.

"eh sir ano po ba ang pangalan niyo?" tanong ko sa kanya.

"Ako pala si Rodrigo.. isa akong truck driver.. may deliver ako sana ngayon eh... kaso ina take yong truck ko.. buti nalang nakapagtago ako dito. Nakikita mo yong truck sa kabila? yan yung truck ko.. inatake ako habang nag rerefill ng gasolina ko.. eto panga yung lalagyan ng gasolina dalang dala ko pa". wika niya.

"a.a...ate cassy.." takot na takot na sabiRaul.

"Huh bakit?"

"tingnan mo po"....

Mga Zombies sa labas ng convenience shop... na parang gutom na gutom talaga.. natakot ako... para sa amin...

Kinakalabog nila ang bintana at pintuan ng shop.. at nagwawala sa labas..

agad kaming nag tago sa loob ng storage..

pero si Jeff parang may plano kitang kita ko iyon sa mata niya..

ang tanong ano kaya ang plano niya??

Walking Dead. SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon