Endlessly <3

91 4 2
                                    

" True love does'nt have a happy ending , because true love never ends "

Ako si joshua isang troubleshooter sa isang kompanya sa manila . Mahilig akong magalmusal sa isang restaurant . Dito ko nakilala ang babaeng nagpatibok ng aking puso , Siya si melody isang babaeng mahilig mag experimento pagdating sa pagkain . hilig nya ang pag buo ng mga bagay bagay  tulad ng mga bahay .  tulad ng isang bata .  hindi siya kagandahan pero sa tuwing naaalala ko siya bumibilis ang tibok ng aking puso . 

Isang araw naisipan kong magpapansin kay melody . Nagpanggap ako bilang isang mangmang na hindi marunong mag basa . Napansin niya ako at hindi lang yon , tinuruan nya ako kung paano magbasa . Magkasama kame sa buong araw na iyon . Sobrang saya ko kasi napansin ako ng babaeng minamahal ko . Ayaw kong matapos ang araw na yon pero kailangan . 

Lumipas nga ang dalawang masasayang taon . Kami na ! hindi ko maipinta ang kasayahan sa aking mukha pero sobrang saya . kasi ang babaeng matagal ko ng pinapangarap ay ngayon ay naabot ko na . Inaya ko na siya ng kasal . Ikakasal na kami sa susunod na linggo at sobrang excited na ko . Lumipas nga ang isang linggo , Ikakasal na kami . Handa na ko !

Pero dalawang oras na ang lumilipas . Wala padin siya , Nangamba na ako ! Tumawag ako sa driver ng bride . Sumagot agad ito at sinabing " WALA PO ANG BRIDE " . Umalis agad ako ng simbahan at hinanap siya . Pumunta ako sa mga lugar na madalas kami magkasama . Pero wala , Isang lugar na lang ang hindi ko napupuntahan . Ang lugar kung saan ko siya nakilala . 

At laking gulat ko , Andun siya nakaupo gumagawa ng bahay mula sa pagkain . Lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan niya na parang hindi magkakilala . Lumipas ang limang minuto , nagsalita na ko "Tara na ! ituloy na naten ang naudlot na kasal ." sabay ngumiti ako . tumingin siya sa akin na parang hindi niya ako kilala , bigla siya nag salita "Sino ka po ?" . Natawa ako sa sinabi niya , akala ko nanloloko lang . Pero ng hawakan ko siya sa kamay at sinabing "Tara na!" . Bigla niya akong sinigawan at sabing "Sino ka ba kase ? Anong sinasabi mong kasal ? Ni hindi nga kita kilala ee . Get lost " . Natulala ako , Wala akong masabi . Gusto ko pang umimik pero . parang hindi ako makapasalita . Umuwi na lang ako , Nahiga at nagisip ng dahilan kung bakit nagkaganon . At natapos na nga araw na iyon . 

Tulad ng dati , pumunta na naman ako sa restaurant kung saan ako madalas pumupunta . Nandun siya , Gumagawa na naman ng bahay mula sa pagkain . Pumunta ako sa isang sulok at doon kumain . Habang kumakain ako , may lumalapit sa aking babae . Tita ni melody , nalaman ng tita niya ang nangyari kahapon . Kaya nagkwento siya sa akin , Noong 16 years old pa lang si melody ay namatay ang mga magulang nito sa isang aksidente , Nang malaman ni melody ay palagi siyang pumupunta sa restaurant na to (kung saan ko siya nakikita) at gumagawa ng bahay mula sa mga pagkain . Pinaglalaruan ni melody ang pagkain kasi gusto niyan pagalitan siya ng mama at papa nya dahil ayaw ng mama at papa niya na pinaglalaruan ang pagkain , Ngunit wala na siyang magawa . Umiiyak lang ito ng umiiyak , at isang araw ay tumalon ito sa isang tatlong palapag na bahay . Agad namang nadala si melody sa ospital , pero dahil sa pangyayari naapektuhan ang pagiisip ni melody . Nakakalimutan niya ang mga pangyayari na nagaganap sa kanya sa loob ng limang taon . At sa tuwing natatapos ang limang taon ay ang naaalala lang nito ay ang paggawa niya ng bahay mula sa pagkain . Hindi ko alam na may ganung kapansanan si melody . Meron pala siyang "Amnesia".

Nang malaman ko ito . Gumawa ako ng panibagong gimik para maipakita sa kanya ang mga nangyari samin sa loob ng limang taon . Dahil mahilig ako sa computer ay gumawa ako ng isang video na nangyari sa loob ng limang taon . Ipinanood ko sa kanya ito at dahil doon ay muli kaming nagkabalikan at nagpakasal agad kami .

Ngayon ay maglilimang taon na kami , meron na kaming isang anak at gumawa ulit ako ng video upang ipakita sa kanya . Dito ko lang napatunay na "Hindi hadlang ang kapansanan sa dalawang pusong nagmamahalan " .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Endlessly &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon