CHAPTER 1

39 10 3
                                    




~•~•~•~•~•~•~•~•~•~







Hindi hilig ni Juvic maglaro ng Volleyball, pero hilig niyang manood ng tournament kapag may libre siyang oras, at higit sa lahat, idolo niya ang "The Realm" pangalan ng team na hinahangaan niya at lalo na ang "Captain ball na si Charles Wellson Rivera" napahanga siya sa galing nito. Naghahari ang team nila sa lahat ng laban nila.

Mayaman na nga magaling pang maglaro ng Volleyball si Charles, at higit sa lahat ay ang gwapo niya, at hindi lang yun hunk pa siya. Kahit na sinong babae ang makakita sa kanya ay hindi nila maiiwasan na mapahanga sa angkin niyang kagwapuhan. At ang iba pa nga ay pinapantasya pang mapapangasawa siya.

At isa don ang kaibigan niyang si Fern Rodriguez oo tama kayo lalaki siya na may pusong babae kagaya niya ngunit hindi naman gaya ng ibang bakla na nagsusuot ng pang babaeng damit, dahil lahat nang sinusuot niya ay panlalaki ngunit sa galaw ko ay malalaman mo ng bakla siya pati narin si Fern kaya nga naging magkaibigan sila.


Una niyang nakilala si Fern sa school, transferre siya kaya naninibago pa siya sa school kaya lumapit sa kanya noon at tinanong kung alam niya ba daw kung saan ang Section A, siyempre oo ang sinagot niya at sinabi niya din na magkaklase sila at dun na nagsimula ang pagkakaibigan nila.


At dun din niya nalaman nabakla si Fern, at dun din niya nalaman na bakla din si Juvic ni Fern kasi hindi naman daw halata at ang gwapo ni Juvic para maging bakla ngunit wala siyang magagawa kasi bakla talaga si Juvic.


Naging magkaibigan sila Juvic at Fern simula nung Grade 7 hangang ngayon na nagtratrabaho na sila.






(JUVIC POV. )






Kadarating ko lang galing sa Liwan West kung saan ay nagbakasyon ako ng isang linggo, dahil dun ginanap ang tournament, at siyempre nandoon ang "The Realm" team nila Charles, at siyempre tutok na tutok ako kay Charles, at hindi ko pinalampas ang torneo, kahit nag-iisa lang akong nanonood, dahil busy si Fern sa pagtratrabaho.


Sobrang ingay lalo na ang mga kababaihan na nasa tabi ko at halos masira ang eardrums ko sa sobrang ingay at yung ilan pa ay nagpapapansin sakin pero sorry sila kasi diko sila type.


Tahimik lamang ako na pumapalakpak kapag nakakascore sila. At consistent ang galing nila, at nagawa nilang maging champion sa naturang torneo at si Charles ang MVP.


At dahil dun ay pupunta sila sa Japan dahil doon gaganapin ang VB Cup, at kung manalo man sila ay may makukuha silang premyo na tumatagingting na sampung milyon.


Dahil don na magtitipun-tipon lahat ng mga magagaling na manlalaro sa naturang torneo.



At ang kainaman din ay, hindi ko na kailangang tumungong sa Japan para mapanood iyon. Merong live telecast sa TV ang tournament. Mapanonood ko ng libre. Malapitan pa HAHAHA. ikukuntento ko na lamang ang sarili ko sa harapan ng telebisyon at pagsasawain ang mga mata sa kagwapuhan ni Charles Rivera!









~•••~•••~•••~•••~•••~•••~
Yown tapos ko narin ang Chapter 1 sana nagustuhan niyo kahit may mga grammatical errors.

And please if nagbabasa ka lang din naman ng story ko eh, sana mag vote ka nadin hshshs😁💙

Come Inside Of My Heart(bxb) Where stories live. Discover now