Chapter 3

14 4 1
                                    


~~~~~~~~~~


(Juvic POV.)

Kailangang pag-igihan nina Charles ang paglalaro para maiuwi ang tropeo at ang malaking cash prize. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. Naroon pa rin naman ang tsansa na manalo sila. Milagro ang kailangan nila para maiangat ang standing.

Karangalan ng bansa ang nakataya at maging ang magandang pangalan ng "The Realm".

Pinatay ko na ang tv, Alas dos na ng madaling araw. Pagkahiga, ipinikit kona ang aking mga mata. Subalit sumagi parin sa isip ko ang "The Realm" lalong lalo na si Charles, hindi ko masasabing hibang ako kay Charles. Malaki lang talaga ang paghanga ko.

Kahit naman sino, mapalalaki o mapababae ay hahanga sa galing niyang maglaro ng volleyball. So ano ngayon kung mas nauna kong hinangan ang kanyang angking kagwapuhan kaysa sa galing niyang maglaro?

Hindi na iyon usapin sakin. Hindi pa naman ako tuluyang nagkakainteres sa volleyball. Sa player ang interes ko (>//<).

Pero ang masaklap lang ay hangang paghanga lang ako. (T_T)

Maliwanag naman sa akin ang kahulugan ng salitang pantasya. Ambisyon na nakalutang sa hangin. Suntok sa buwan ang ibig sabihin niyon at maging ang katuparan. Parang naghahanap ng butil sa bunton ng dayami.

Ang tipo ko naman kasi ay hindi mawalan ng pag-asa. I have a bagfull of it.

Sabi ko nga, hangga't may buhay, may pag-asa. Bakit naman ako mawawalan niyon? Kung malabong matupad edi don't (dejoke lang) , okay lang naman
iyon sa akin.

Charles...

Hindi ko masabi kung obsessed ba sa kasikatan si Charles. Isa lamang ako sa humahanga sa kanya. Hibang din ako kagaya ng iba. Alangan namang pagbawalan ko lahat ng humahanga sa kanya. Isa iyon malaking kalokohan.

Wala akong karapatan.

Kagaya ng mga humahanga din sa kanya, isa lang din akong taga hanga niya. Ang kainaman lang, Alam ko kung saan ako pupuwesto. Hindi ako kagaya ng iba na labis ang pagkahibang na mapansin lang ni Charles.

Nagsimula nang maglayag ang aking isip. Kailangan ko ng pahinga. May trabaho pa ako bukas.

Ang maganda lang sa trabaho ko ay hawak ko ang aking oras. At higit sa lahat wala akong amo! Tanging ang sarili ko lamang. Ako pa nga ang may tauhan.

(THIRD PERSON POV.)

Ilang minuto pa ay nakatulog nadin si Juvic, pero nanatili parin sa isipan niya si Charles Wellson Rivera kaya hindi nakapagtataka kung managinip siyang kasama ang pamosong volleyball captain. Sa pamamagitan man lang niyon, masosolo niya ang lalaki.

Siguro nga'y kahibangan ang ambisyunin ito, pero libre naman iyon kaya sasamantalahin na niya, kahit sabihin pa itong pantasya! Basta ang importante, pansamantala siyang lumigaya sa presensiya ng lalaki.


••••••••••••
Pasensya na sa mga GRAMATICAL ERRORS.

SALAMAT SA PAG-GAWA NG BOOK COVER angelridid ✨💛
-akosirikuma

Come Inside Of My Heart(bxb) Where stories live. Discover now