Triana
Naghihintay kami ni Izzy at Azalea sa tapat ng art room kasi hinihintay namin si Jiwoo. Si Ulysses and Zavia ay kasama yung mga lalaki dun sa parking lot since sasabay kami sa kanila.
"Ang tagal naman nun letse" Sabi ng naiinip na si Izzy.
"May inaanounce yata si Mrs. Chivonè sa kanila" Turo ni Azalea sa bintana.
"Ano kaya? May gagawin siguro yung art club" Natatawang sabi ko.
"Tanga! Pag si Mrs. Chinvonè nag aannounce pati tayong ibang club meron din gagawin. Kaya walang nakakatuwa pag si Mrs. Chivonè yung nag aannounce kasi isa lang ibig sabihin yan, lahat tayo mapapagod" Sabi ni Izzy habang kagat kagat yung kuko.
"Kung sabagay" Sabi ko at umupo na lang sa tabi ni Azalea.
3 minutes na ang lumipas pero hindi parin sila tapos.
"Pota kailan ba 'to matatapos?!" Sigaw ni Izzy.
"Kilala mo naman si Mrs. Chivonè diba? Mga bukas pa yan matatapos" Sabi ko.
"hOY! TIME N—
Bago niya pa masigaw lahat yun ay natakpan na kaagd ni Azalea yung bibig niya.
"Ang kalat mo HSHSHHSHSHAJAHAHAHA" Sabi ko sabay tumawa.
"Hoy!" Kaming tatlo naplingon kung saan galing yung boses.
"Hindi parin tapos sila Jiwoo?" Tanong niya.
"Obvious ba?" Sabi ko.
"Nagtatanong ako ng maayos! Kotongan kita eh" Sabi niya at inambahan ako ng pabiro.
"Oy Mingyu! Sigawan mo nga favorite teacher mo sabihin mo time na" Sabi ni Izzy habang pinapunta si Mingyu sa puwesto namin.
"Ulul! Ayoko nga! Detention kaagad punta ko pag inistorbo ko yung klase ng matandang yan" Sabi niya at umupo sa tabi ko.
"Bakit ka ba pumunta dito?" Tanong ko sa kanya.
"Natalo ako sa bato bato pick" Sabi niya at napakamot sa ulo.
"Pfft HAHAHAHAHAH Ang tanga mo naman" Sabi ko.
"Ang tagal niyo daw kasi kaya ayun sabi nila kung sino matalo yun yung pupunta sainyo" Sabi niya at inakbayan ako.
"Malas mo naman AHAHAHAHAHSHSHH" Pang aasar ko.
"Hindi okay lang wala din naman akong ginagawa dun. Nandun pa sila Zavia and Ulysses edi maingay mga bungangera ng squad" Sabi niya at tumawa.
"Gago susumbong kita kay Ulysses! Bungangera pala ah!" Sabi ko at iiwas sana sa kamay ni Mingyu since gugulihin niya yung buhok ko kaso naabot niya parin letse.
"Hoy mga lovebirds, kung may balak kayong mang third wheel eh putangina niyo lumayas kayo sa harap ko ah. Baka masapak ko kayong dalawa" Sabi ni Izzy at inirapan kami.
"Bobo inggit ka lang eh" Sabi ni Mingyu.
"Medyo" Sabi ni Izzy kaya lahat kami natawa miski si Azalea natawa ng mahina.
"Amputa" napalingon kami kung saan galing yun, nakita namin si Jiwoo na nakasimangot.
"Anong mukha yan? Mukhang galit na galit ka sa mundo ah mareng Jiwoo" Pang aasar ni Izzy.
"Tigilan mo muna ako" Sabi ni Jiwoo at naunang maglakad sa amin papuntang parking lot.
"Problema nun?" Napataas na lang ako ng balikat kay Mingyu dahil hindi ko rin alam kung bakit ganun yun.
"Hoy bayot! Para kang tanga! Ano bang sinabi ni Mrs. Overtime?" Inakbayan ni Izzy si Jiwoo.
"Kami daw mag dedesign sa Play ng Theater Club"
"Sabi ko sayo Jadis eh" Sabi ni Izzy.
"Hindi ka pa ba sanay dun?" Tanong ko kay Jiwoo.
"Sanay! Pero nakakabwiset parin" Paliwanag niya.
"Kung sabagay" Sabi ko.
Nangunguna si Jiwoo sa amin, napatingin ako kay Izzy na mukhang may bubulong kaya lumapit ako sa kanya.
"Hindi yun yung totoong dahilan sinasabi ko sayo" Bulong ni Izzy sa akin.
"Alam ko naman" Sabi ko at ngumisi.
"Ayaw niyang makita yung Alliè" Sabi ni Izzy at tumawa ng mahina.
Nagtawanan kaming dalawa pero naudlot dahil biglang humarap si Jiwoo sa amin at biglang sinabi.
"Pero okay na din kasi kayo din naman may gagawin" Sabi niya at bumelat sa amin at naunang tumakbo sa parking lot.
"Luh siraulo" Sabi ni Izzy habang pinagmamasdan si Jiwoo.
"Nababaliw na siya" Sabi ni Mingyu kaya napa-iling na lang ako.
Medyo malayo-layo yung parking lot sa kung nasaan kami tapos nilakad pa namin kaya medyo matagal kaming nakapunta sa parking lot. Since nauna si Jiwoo ayun nandun siya hingal na hingal.
"Ang tagal niyo naman" Reklamo ni Seungcheol.
"Yan si Jiwoo sabihan niyo" Sabi ni Izzy.
"Oy! Anong ako?! Si Mrs. Chivonè sisihin niyo!" Sabi niya at pumasok na sa kotse ni Minghao since dun siya sasabay.
"Kaya pala late" Sabi ni Dokyeom at pumasok na din kasama si Jiwoo.
"Eh si Mrs. Overtime pala teacher eh" Tawa ni Soonyoung.
"Oo na rami mong ebas pumasok kana" Sabi ni Jihoon sa loob ng kotse ni Jeonghan.
Sasabay sana ako kayla Seungcheol kaso may biglang humila ng kamay ko.
"Hoy san ka pupunta?" Tanong ni Mingyu.
"Kayla Seungcheol" Paliwanag ko.
"Hindi sa akin ka sasabay" Sabi niya at hinila ako sa kotse niya.
"Luh pampam mo, nandun sila Izzy eh" Sabi ko at pumasok sa Shotgun seat.
"Nandito naman si Zavia and Dino. At saka marami na sila dun" Sabi niya at pinaandar na yung kotse.
"Kasya pa ako dun!" Sabi ko at tinignan siya ng masama.
"Wala kanang magagawa Jadis, nandito kana umaandar na 'to oh" Sabi niya habang naka-straight face.
"Edi wow" Sabi ko at tumingin sa bintana.
"Luh tampo yan?" Sabi niya at pinisil yung cheeks ko gamit yung isang kamay.
"Nakakalimutan niyo yata nandito kami" Sabi ni Dino habang nakatingin sa aming dalawa.
"Sa harap ko pa talaga mga hampaslupa" Sabi ni Zavia at umiling-iling pa.
"Tigilan mo nga ako Mingyu! Kokotongan kita" Sabi ko at inalis yung kamay niya sa pisngi ko.
"Tatampo ka eh" Sabi niya at tumawa ng mahina at nag simula na ulit mag drive.
"Hindi pa mag aminan halata namang gusto yung isa't is—
"Ulul Zavia manahimik ka" Sabi ko at tumingin na sa bintana.
Ang weird lang kasi...... bat ako nakangiti? Shit naman...
