chapter 1

44 1 1
                                    

Hello sana magustuhan niyo tong story ko tungkol kay Ashley kasi first story ko to eh

Kaya enjoy reading hah!

------------------------------------------

  Ano ba sa tingin niyo ang destiny?

Para sakin isa lang itong pangyayari na magaganap sa buhay ng isang tao..

At sa iba naman ay ang pagtatagpo nila ng soulmate niya pero totoo nga ba ito o biro biro lang?

Well wala na ko dung pake basta kung totoo man yang destiny na yan ay mangyayari yan sa ibang tao

Di ko alam kung mangyayari yun sakin pero hayae na baka mang yari baka hindi

Well andami kong daldal dito mas mabuti pang basahin inyo nalang tong storya ko na ang simpleng nobody ay magiging isang asawa ng isang famous CEO, at isa ring school president

---------

Ashley pov

      Nagising ako sa masarap kong tulog kasi naririnig ko nanaman yung pagtatatalak ng nanay ko na may hobby ata na magalit kapag alas singko ng umaga

"Ashley gising na! Alas sais na! Mali-late ka na!" sigaw ng nanay ko habang hinihila yung malambot kong blanket

Ako nga pala si ashley roma, meron akong kulay chocolateng mata, kasing itim naman ng uling tong buhok ko at kulot nga pala ko pero nagpapa straight ako

Hindi ako matangkad pero di rin ako maliit, maputiputi ang balat ko

ako naman tong tanga naniwala naman na alas sais na

"ma! Bakit di mo ko ginising!" sigaw ko sabay tayo at nagmamadaling lumabas ng kawarto

Sino ba naman ang hindi matataranta kung sasabihin na ala sais na at matagal pakong maligo edi malelate ako

Kinuha ko yung uniform ko sa sampayan at nagmadaling pumasok sa kwarto ko at nagmamadaling nagplantsa ng uniform ko

"Ashley pagkatapos mo dyan magsaing ka!" sigaw ng nanay ko sa kusina

Huh? Pero alas sais na ah?bakit pa ko pinapag saing?

Tumingin ako dun sa wall clock habang patuloy parin sa pagpaplantsa

Nanlaki yung mga mata ko kasi 5:16 palang

Napatigil sa pagpaplantsa yung kamay ko at napangaga at pinalo ko yung noo ko

"nakakainis naman si mama" binulong ko sa sarili ko at pinagpatuloy yung pagpaplantsa ko

Pagkatapos kong plamtsahin yung blouse at palda ko nilatag ko yun sa higaan ko at tinanggal ko sa saksakan yung plug ng plantsa tsaka lumabas na ko sa kwarto ko

Only child lang ako kaya akin palagi nakatoka yung attention ni mama at si papa naman ay nasa china, singer siya doon at kung maririnig mo yung boses niya ay maiinlove agad kayo sa kanya

Katulad kay mama na nainlove agad pero ibang storya na yon

Hindi naman kami mayaman at hindi naman kami mahirap kaya normal lang kami ng pamilya ko

Pagbaba ko ng hagdan ay dumiretso ko sa kusina at kinuha ko yung kaldero sa kabinet na nasa ilalim ng lababo tsaka sinirado ko yung kabinet

Kinuha ko naman yung linalagyan ng bigas sa isang kabinet na katabi nung unang binuksan kong kabinet

Binuksan ko yung lalagyan tsaka Kumuha ako ng dalawang cup na bigas pagkatapos ay tinakpan ko ulit yung lalagyan at binalik ko ulit yung lalagyan sa kabinet

Hinugasan ko ng dalawang beses yung bigas tsaka sinalang ko na sa burner tsaka ay pinihit ko sa medium flame

Lalabas na sana ako sa kusina nang makasalubong ko si mama

"o, saan ka pupunta? Nagsaing ka na ba?" tanung ni mama sakin habang ako naman ay tango ng tango

"nagluto ka na ba ng ulam?" tanong ulit ni mama

Napatingin nalang ako sakanya at si mama naman tinitingnan lang ako

"siya, magluto ka muna ng ulam para matuto kang magluto ng pagkain" sabi ng mama ko sabay alis

Napanganga nalang ako kasi marunong naman akong magluto eh

Nakakainis talaga....pero ok lang kasi alam kong para sa future ko naman to eh

Kung di niyo naintindihan edi hindi niyo naintindihan......... joke lang ang ibig ko lang namang sa bihin ay sinasabihan ako ng mama ko ng ganito kasi para magawa ko yon ng maayos

Napabuntong hininga nalang ako tsaka kinuha ko yung itlog sa ref

Kinuha ko naman yung kawali sa kabinet na pinagkuhanan ko ng kaldero

Pinatong ko yon sa isa pang burner na katabi nung pinaglulutuan ko ng kanin at oo dalawa burner namin kasi naman single-single lang sila

Kinuha ko naman yung mantika sa gilid katabi ng mga rekado tsaka ini-on ko yung burner

hinintay ko munang mag-init yung kawali bago ko nilagay yung mantika

Pagkatapos ay pinainit ko ulit yun tsaka ako nagluto ng itlog

Pag kaluto ko sa itlog ay nilagay ko yon sa mesa tsaka tinakpan ko

Tingingnan ko yung kanin tsaka nakita kong madali na itong maluto

Tiningnan ko yung wall clock at 5:56 na

"May time pa ko para makakain mamaya kaya maliligo muna ko" sabi ko sa isip ko

Umakyat ulit ako sa kwarto ko para kunin ko yung towel ko

Pagkakuha ko sa towel ko ay dumiretso naman ako sa cr para maligo na

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ko kasi saktong 6:20 na

Matagal akong maligo kasi enjoy ako maligo kahit malamig

Pagkatapos kong magbihis ay kumain na ko

Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush muna ko kasi pag hindi ay nako amoy na amoy ang amoy itlog kong hininga at nakakahiya yun

"ma, alis nako" sigaw ko tsaka narinig ko si mama sumigaw sa kwarto niya "sige anak, mag ingat ka!"

Baka ka-skype nanaman si papa kaya nasa quarto nya. Para silang mga teenagers kung umasta eh... ang tatanda na nila may anak na nga pero hayai na

Nag lalakad lang ako papuntang school kasi walking distance lang naman yon eh...

Nag aaral pala ako sa monseliña university isang famous school dito sa pilipinas kasi dito nag aaral yung mga anak ng mayayamang individual pero hindi ko alam kung papaano ako dito napasok nina papa

Kompleto lahat ng facilities dito at sobrang strikto doon hindi ka basta basta lang makakapasok dadaan ka muna sa mga asong aamoy amoyin ka kung may bomba o ano man kang dala tsaka sa guards

Nakapasok na ko dito sa school at tumakbo na ko kasi malayo layo pa yung room ko nasa fifth floor, nakalimutan ko palang sabihin na sobrang laki ng school na to, at kung hindi mo alam dito ay siguradong maliligaw ka

Joke! May mapa namang naka paskil doon sa malapit sa entrance kaya di ka maliligaw ng basta lang sa labas pero pag nasa loob ka na aba mag tanong tanong ka nalang

Tumakbo na doon sa entrance at binati ko yung guard na naka salubong ko syempre kasi friendly ako eh

Hahakbang na sana ko doon sa unang step ng hagdan ng may tumawag sakin

Imaginary CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon