chapter 2

36 1 1
                                    

Sorry kung di ako nakapag update kagabi

Ginawa ko kasi yung project namin sa english tsaka nalimutan kong kailangan ko palang mag update hehehe

Sorry ulit at enjoy sa pagbabasa

--------------------------------

Lumingon ako tapos nakita ko si kennie tumatakbo papunta sa kinakatayuan ko

"Ashley! May nabasa kong bago sa wattpad!" sigaw ni kennie habang tumatakbo

Nang makalapit na sakin si kennie ay nagsimula na kaming umakyat

"ashley may nabasa ko sa wattpad na tungkol sa mga mag kakaklase-

Hay, ito nanaman tong adik na to magkekwento nanaman to hanggang uwian...

Ito nga pala si kennie de pio ang bestie, at klassmate ko

adik siya sa wattpad at kung makikita mo ang kwarto nito ay punong puno ng libro pero hindi para sa pag aaral hah

Puno ito ng wattpad books at parang lahat ng libro ay nasakanya na

Isa nga pala siyang honor student kahit adik siya

minsan nga aakalain mong adik din sa mariwana to eh kasi ba naman kung ano ano ang ginagawa

Top siya sa klase namin pero top rin siya sa puso ko- oops mali top pala siya sa puso ng boyfie niya hindi ako hahaha

-oy! Nakikinig ka ba?"

Nahugot ako sa mga ini isip ko at tumingin kay kennie

"ay sorry di ko narinig, ano ba yon" sabi ko

"sabi ko yung nabasa ko nakakatakot na nakakadiri kasi si ano nagpakamatay tapos gusto niya mag higanti kay ano-"

"sino bang ano?" tanong ko sakanya habang liliko kami sa koridor kasi nasa fifth floor na kami

Bilis naming maglakad noh

Magsasalita na sana si kennie sa pag eexplain ng biglang bumukas yung pinto sa tapat namin at biglang may lumabas na tao

Hindi niya ata kami nakita kasi ang sunod na nangyari ay bumangga siya sakin

"Aray naman!" sabi ko at dinilat ko yung mata ko na hindi ko alam kung kailan ko sinara

At ang una kong nakita ay mukha ng isang gwapong nilalang

bigla kong naramdaman ang pag init ng mukha ko habang nagtitigan kami sa mata at biglang may umirit

"yiiiiiii!"

At tumingin kami kung saan nanggaling yung ingay at nakita ko si kennie na mukhang kinikilig at nagtatalon pa

Tiningnan ko yung pusisiyon namain at biglang mas uminit yung mukha ko kasi nakapatong siya sakin (para ho sa mga green minded its not in any sexual way po)

Tiningnan din nung gwapong nilalang at bigla siyang tumayo

"bakit ba kasi kayo nakaharang sa daan hah?" sabi nong lalaki at biglang umalis di man lang ako tinulungan at iniwan lang akong nakaupo sa sahig

Bigla akong nainis at mabilis akong tumayo at kinuha yung suot kong sapatos at binato sakanya

At saktong tumama yung takong sa ulo niya

Tumigil siya at hinawakan kung saan tumama yung sapatos at humarap sakin at halatang galit

"ano ba problema mo hah!? Freak!"

"ikaw! Ano problema mo hah! Ikaw na nga yung nakabangga tapos hindi ka man lang nagsorry kung kaya ay tulungan akong tumayo!" inis na sigaw ko sakanya

" wala akong paki alam sa mga freak na ka tulad mo!" sagot niya sakin

"edi wow, at wala rin akong paki alam sa mga jerk na katulad mo!" sigaw ko sakanya at tumalikod nako at dumiretso sa classroom namin

"uy! Alam ko kinilig ka" sabi sakin ni kennie na nakalimutan kong nasa tabi ko lang

"Oo, kinilig ako nung una pero nang nakita ko na yung ugali ay hindi na ko kinilig, kinilig ako sa inis na tagos pa sa boto at parang gusto ko siyang sakalin" sagot ko kay kennie habang umupo na kami sa upuan namin

Magkatabi pala kami ng upuan ni kennie

At saktong pumasok na yung teacher namin sa math

--time skip ---

Recess time

Dito nakami ni kennie sa canteen para kumain alangan naman na umihi edi amoy wiwi dito

Kasama namin ang iba pa naming kaibigan sina josh anne, Cyrus, at Harlyn (may isa pa pero ayaw ipakilala ni author eh nakakahiya daw yung ugali niy-oops)

Magkakasama kami sa isang table kasi nga magkakatropa kami

Si josh anne pala ang kamag anak ng bayan, ka chat ng bayan, at sabihan ng secreto ng bayan

Si Cyrus naman ang aming cute na katropa at nag iisang lalaki samin

At si harlyn naman ang kaibigan naming makakita lang ng teddy bear ay siaigaw at tatakbo palayo

Bumili na kami ng pag kain at nag kwentuhan ng kung ano ano

Tulad ng kung ano ang mga sinabi ng mga ka chat ni josh anne, si harlyn naman yung mga karanasan niya sa mga teddy bears

At nung kaming dalawa na ang magkekwento ni kennie ay nakita naming time na pala kaya bumalik na kami sa room namin

Pagkalipas nung subject namin ay nakita ko silang nagbubulungan

"oy! Mag share naman kayo jan ng kung ano man ang pinag uusapan niyo" sabi ko sakanila at nagtinginan muna sila bago nagtangoan sa isat isa

"may cooking mamaya sa T.L.E." sabi sakin ni kennie

Napanganga naman ako kasi nakalimutan kong may cooking pala at malala ay ako ang Leader sa grupo namin

"Bakit di niyo sinabi!" sigaw ko at mabuti ay wala namang pakialam ang mga kaklase namin

At bumukas yung pinto at pumasok yung sunod na teacher namin

--time skip ---

Lunch break na at nag lalabasan na yung mga classmates namin para kumain sa canteen

"uy! Guys lalabas ako para bumili ng ingredients, sinog gusto sumama?" tanong ko sa kanila habang hinahalungkat ko yung wallet ko

"ayaw ko sobrang init sa labas feeling ko masusunog ako eh, kaya ayoko" sabi ni kennie habang nagbabasa ng wattpad

Tumingin naman ako kay harlyn at umiling lang siya

Tumingin naman ako kay Josh anne

"ayoko ko din kasi tirik ang araw oh" sabi ni josh anne habang nakatingin sa labas

At ang huli nalang ay si Cyrus kaya tumingin naman ako sakanya

"ayoko tinatamad nga akong lumabas eh" sabi ni Cyrus habang naglalaro ng phone niya

"ang aarte niyo naman" sabi ko tsaka ako lumabas habang sila naman ay dedma lang sa sinabi ko

Pumunta ko sa may gate at binigay yung ID ko para makalabas

Binibigay yung ID sa guard para makalabas at malaman kung sino sino yung lumalabas ng campus

Kung sino man ang late pumasok ay siguradong detention ang hahantungan nila

Sumakay na ko sa tricycle

"kuya sa palengke nga po"

Imaginary CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon