Cocooo :((
Lagi natin pinaguusapan kung ano gagawin pag namatay na yung isa, pero kung binabasa mo toh rn, ibig sabihin ako nga ang nauna aah naman. So nangyari na talaga, di ko alam kung malungkot ka or masaya AHAHAHAHAHA char alam ko namang sad ka. Wala ka na makukulit eh.
Alam ko miss mo na ako hays pero sana alam mong miss na rin kita. Ang dami natin masyadong pinagsamahan para hindi kita mamiss. Andami masyadong mga bagay na nagpapaalala sakin sayo. Tas andame ring secrets na kailanman eh hindi ko nasabi sa iba kundi sayo. Trust kasi kita ever since. Lagi mo sinasabi na one-sided trust. I know joke lang yun pero pinagkakatiwalaan talaga kita. Nung nandyan pako, kahit na sobrang nakakatakot ang buhay, naparamdam mo sakin na magiging okay lang ang lahat. As in madami nako naging kaibigan pero saka ko lang truly naappreciate ang friendship nung nakilala na kita. Ang swerte ko na sa napakadaming pwedeng year at lugar na mabuhay, same time at same place tayo. Di agad agad kasi grade 8 pa tayo nagkakilala pero di ko na tanda kung pano ko nagawang maging okay nung di pa kita kilala. Walangya napakacliche ng mga sinasabi ko at walang wala na ang pride ko pero di na yun importante ngayon mygash. Masakit man sa pride at ego ko, tunay lahat yan. Di nyo na naman ako makikita eh so di mo nako maaasar tungkol sa mga bagay na nasabi at sasabihin kopa dito :P
So umm normally may format ako diba, pag nagsusulat ako ng letter. Ngayon, sasabihin ko lang ano man maisip ko. Kung magulo man, ikaw na magadjust keri mo yan.
Diba alam mo na naman mga accounts ko? sinabi ko na sayo ha. Messenger, Gmail (di ko naman sinabi pero hayst), Spotify, Twitter, Netflix, Instagram, like basta pag may socmed ako, alalahanin mo na ang pass ko eh alinman sa mga pass na yan HAHAHAHAH halos pareparehas eh. Wag mo idelete or deactivate please. Bago ko pa naayos ang socmed ko noh! Pake ko kung wala nako eh andyan ka pa naman. Magpost ka parin dali UTAS NA. Kahit na sabihin nila na disrespectful or weird na nagpopost parin yung account ko, gawin mo parin. Post mo mga kalokohan ko dati or something na sa tingin mo sasabihin ko at that time. Ayoko lang na feel nyo na wala ako dito like nandito parin akoooo. Ayaw mo maniwala? Sige ka magpakita ako sayo eh BAHAHHAHAHAHA wag kang matakot ha ako lang ga toh. Rainier, ako lang tohhh, si Patriciaaa, yung kaibigan moo, ako lang tohhhh. Diba lagi mo yan sinasabi sakin dati tsk. Pero seryoso, wag kang matakot kasi never kita sasaktan. Proprotektahan pa nga kita eh. Ako na ga guardian angel mo ngayon yieee wag kang kiligin kasi ibig sabihin non eh kita ko lahat ng ginagawa mo ewww!
Alam moba may powers nako ngayon like ang cool nya tas nakakalaban ko mga bad spirit. Yung mga kinwento mong si "T" ganon.
Lahat ng gamit ko eh kunin mo ha. Syempre ung iba eh don sa ibang nandito sa book nato, pero most eh sayo at kay mommy ha. Yung stuffed toys koooo. Sina Coco at Gluta, adopt mo sila. Tas ung iba ko ring stuffed toys na pinakita sayo alagaan mo rin. Yung mga hoodies ko na tinry mong imatch lagi dati nung grade 8 pa tayo hay nako. Alam ko lagi me naiinis nung same tayo ng color ng hoodie pero tbh trip ko din sya AHSHAHSHAAH Yung mga notebook ko sayo na rin para naman matandaan mo kung gano kaganda sulat ko argh. Yung friendship rings natin though, suotin mo both like magkapatong/magkatabi para feel mo na nandyan parin me. WAG KA GA MATAKOT AA di kita aanuhin dyan wag ka magalala. Para lang di mo parin feel na magisa ka :// Lam mo naman ayokong feel mo sad or lonely ka. Tsaka kung sa tingin mo nakakatakot ginagawa ko habang binabantayan kita, maling mali ka ga. Tinatawanan ko lang mga pinag gagawa mo. Tutulungan kita syempre pero tatawa muna ako.
Sa Holidays naman like request ko lang eh batiin mo parin ako. Tanda mo lagi natin binabati isa't isa nang saktong 12am tas dapat tayo una sa pagbati. Di need na 12am lagi kasi mygash baka busy ka na pala kasi magiging successful ka pa pano ba yan hays. Yayaman kapa at magtratravel hoy. Pag New Year, tumalon ka para sa height ko malay mo pwede pakong tumangkad dito. Tas magpafireworks you para may colors sa sky so cute. Pag Valentine's naman, siguro naman eh may jowa kana. Maglandian lang kayo dyan, magtthirdwheel me </3 pero wag mo kalimutan na kavalentine mo rin me che. DI KITA CRUSH WAG KANG UMASA DYAN. Pero best friend mo ko so hmp.