Ikaw at ako

2 1 0
                                    

- 5 .

Magkahawak ang kamay,
Habang nakatingin sa kalangitan,
Magkasamang nagtatawanan,
Nagkekwentuhan,
Tayong dalawa ay nagkakasiyahan.

Dalawang tao ang pinagsama,
Pinagtagpo ng tadhana,
Pinaghawak ang kamay,
At hindi na hinayaang bumitaw pa.

Ngayon ang oras na ating hinihintay,
Sabay tayong maglalakbay,
Magkahawak ang ating kamay,
Sapagkat ang salitang tayo sa atin ay naibigay.

Mahal kita,
Oo Mahal kita,
Magbago man ang ikot ng mundo,
Hindi mababago ang salitang ikaw at ako.
Tumigil man sa pag-agos ang ilog,
Walang magbabago sa salitang tayo.

Nagsimula tayo sa araw ng mga puso,
Kaya pangako ko sayo hinding hindi ko sasaktan ang puso mo,
Ika'y aking iingatan,
Aalagaan kahit ano pang mangyari,
Lagi kang sasabihan ng mahal kita,
Ipapaalala sa iyo kung paano tayo nagsimula,
At ngayon tayo ay nandito na.

Wala ng mas hihigit pa,
Sa pagmamahalan nating dalawa.
Wala ng makapagpapabago pa ng nararamdaman nating dalawa,
Kasi ngayon may ikaw at ako na,
May salitang tayo na,
Kasama pa natin ang Diyos na lalaban dalawa,
Sa ating pagmamahalan,
Alam kong ang ikaw at ako,
Ang syang itinakda ng tadhana.

-Yscariaaahhh

My RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon