‡ Awakening ...
(s)
----------------------------------------------
-------------------------------------------------"Ratara mamarabara salana mio nuto rinrin seak jol mahar kro sir verr kriso murro gukondukir reborur , ruboribor serior .. hihi"
This little girl is uttering the unfamiliar and creepy language again.
I still can't understand it, but everytime those words flows out of her mouth, an internal reaction pops out in my mind.
It seems like those phrases were familiar ..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Jazz!! Jazz!! Buksan mo ang pinto dali! "
Napatayo ako mula sa pagkakahiga dahil sa ingay na yon. Ang aga naman ata nilang mambulabog ng mga taong angsarap ng tulog.
Dumeretso na ako kaagad sa pintuan para pagbuksan ang maingay na yon.
"Ano bang kailangan mo? Ang a-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong niyakap ng anak ng kapitbahay naming si Yui. Magkaedad lang kami sa pagkakaalam ko.
"Jazz!!"
Malungkot ang ipinapakita niyang aura sa akin.
"H-Halika, sumama ka sakin ..."
Sumunod naman ako sa kanya sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa isang eskenita sa pagitan ng bahay nila at bahay namin.
May nakita akong isang kumpulan ng tao na para bang aligaga dala ng kung ano man ang bagay na pinagkakaguluhan nila sa sulok ng daanan nang mga oras na yon.
Bigla akong kinabahan ng lahat ng kanilang tingin at atensyon ay nalipat sa akin. Hindi ko namang maiwasang magtaka kaya dali-dali akong napahakbang papalapit sa mga usisero.
"Kawawa naman.. "
Narinig kong bulong ng isang matandang ale na nakapusod ang buhaghag na buhok sa tabi.
Hindi ko nalang pinansin.
Malapit na ako.
Nang marating ko ang lugar, agad kong hinawi ang umpukan.
.
.
.
.
.
Napaiyak ako.
"Sino ng mag-aalaga sa kanya.."
"Wala na siyang ibang kamag-anak di ba.."
"Nakakaawang bata.."
"Sino kaya ang may gawa niyan?.."
"Mga walang puso.."
Napaluhod ako.
Kusang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko.
Inangat ko ang ulo niya at sinapo ko gamit ang aking hita.
Hinawi ko ang mga hibla ng buhok na nakatakip sa mga mata niya.
Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit.
Ramdam kong dumarami ang mga tao sa paligid ko at lumulakas ang kanilang bulungan.
Pero balewala lang sila para sakin kasi wala na. Wala na siya.
"Jazz, halika na... Nandiyan na ang mga pulis. Hayaan nalang natin silang ayusin to."
Mahinang pakiusap ni Yui sa akin.
"Ayoko!!!"
"Miss, kailangan niyo nang umalis. Kailangan nating ipreserve ang lugar at ang katawan dito sa crime scene para makakuha pa kami ng evidences na maaring tumukoy kung sino ang suspect. Hangga't maari, bawal po munang galawin ang bangkay.."
Tugon ng isang lalaking nakauniporme at nakasuot ng gloves.
"Lumayo kayo!!! Wala na kayong magagawa ! Patay na siya!"
Napakabigat sa dibdib, may bagay na gustong kumawala mula sa kaloob-looban ko.
Wala na si Mama. Hindi ko man lang siya naalagaan. Hindi ko man lang naiparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko alam na ang pag-uusap namin kahapon ang huli naming pagkikita.
May mga bagay lang na sadyang ipinagtataka ko.
Nakangiti si mama. Maaliwalas ang mukha niyang nakaharap sa akin habang kalong ko siya.
Wala man lang senyales ng paglaban sa katawan niya.
Sino kaya?
Bakit siya pa?
Sino ang pumatay kay mama?
At sa anong dahilan......
------------
-sa di kalayuan, may nasulyapan akong silhouette..
di ko ito maaninag ng maayos. Malabo.Ibinaling ko ulit ang paningin ko kay mama . Bigla na lamang akong nakaramdam ng panghihina, pinigilan ko ang aking sarili sa pagtumba pero di ko na kinaya..-
(n)
-----------------------------------------
--------------
HEAVY??
.... XXXXXXXXXXXXXXXXXX.
..