--------------------------******
"Miss.. Miss.."
Napakabigat ng pakiramdam ko...
"Miss gising na, umuwi ka nalang sa bahay niyo, dun ka nalang matulog.."
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nasilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa fluorescent lamp sa kisame. May guy na nakatayo sa harapan ko at nkasuot ng uniform ng pulis.
"Kuya,asan ako?.."
"Nasa prisinto tayo miss, dito ka na namin dinala after mong mawalan ng malay kahapon, di kana rin namin ginising, baka maglupasay ka ulit."
Nagulat ang pulis ng bigla na lamang akong tumayo at lumakad palabas... Pabilis ng pabilis ang aking mga hakbang patungo sa huling lugar na rumerehistro sa utak ko ngayon.
Ilang minuto palang ang lumilipas, 100 metro na rin ang nilakad ko ng makarating ako sa isang pamilyar na eskenita, ng bigla na lamang dumilim ang paligid at nagiging malabo na ang mga bahay at bagay na nalalagpasan ko ....
"Jazz, gising na." Naramdaman kong may kamay na humaplos sa pisngi ko. Napabangon ako bigla.
Nayakap ko ang taong nasa harapan ko ngayon...Akala ko iniwan na niya ako..
"M-ma..."
Hindi ko makayang ituloy ang mga salitang gusto kong ilabas sa bibig ko dahil patuloy pa rin sa pag-agos ang mga butil ng luha sa pisngi ko.
"Bakit ka umiiyak Jazz?"
Puno ng pag-aalala ang tunog ng boses ni mama. Halatang gulat siya sa biglaan kong pag-iyak.
"Kasi Ma, nanaginip ako, tapos ..."
....(tunog ng doorbell)
"Alice? Nandyan ka ba mare? Nabili ko na yung ibinilin mong gulay kanina."
"Nandito ako mare, palabas na ako."
"Jazz, maligo ka na, sunod ka nalang sa kusina para makakain na rin tayo. Mahirap na baka ma-late ka sa school."
Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin sa kanya.
---------
Daglian akong tumungo sa CR . Nagulat ako ng biglaan akong namalikmata dahil nakita ko ang imahe ng persona sa panaginip ko. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata. Pagkadilat ko, naging normal na ang lahat.
Paulit-ulit kong napapanaginipan ang mga nangyaring ito... 5 years ago.
Kung saan nagsimula ang mga bagay na di ko inakalang magiging simula ng pagbabago sa buhay ko.