Bitter like me? Hugot? Easy! Basta bitter ka kahit ano pwede mo gawan ng hugot! Kahit ano basta maicoconnect mo, kahit na medyo malayo basta kahit papaano may maicoconnect ka. Likas na talent yun kapag BITTER ka so be proud!
Example:
1. Nahulog g-tech mo. Nabali.
Hugot: may mga bagay talaga na nafo-fall pero walang handang sumalo kaya sa huli, nasisira, nasasaktan.
2. Kakain kayo ng kaibigan mo ng biscuit kaso nalaman niyo durog na pala yung laman.
Friend: ay, durog na siya
Hugot: parang puso ko lang nung saktan niya ko. Durog na.
3. Di nasuklian ang bayad mo sa jeep.
Hugot: Minsan talaga kahit sobra sobra na binibigay mong pagmamahal, minsan di paren nasusuklian.
4. May gamit ka na biglang nasira.
Hugot: Kaya nga sabi ko walang forever eh.
5. Kapag bumagsak sa exam
Hugot: Bagsak na nga sa pag-ibig mo, bagsak pa sa exam. Lahat nalang bagsak!
6. Napansin mong pabago-bago ang panahon. Uulan, aaraw, uulan ulit
Hugot: Ang panahon parang pag-ibig lang yan, madaling nagbabago.
7. May nakita kang pagkain na gusto mo kaso di sayo.
Hugot: Gusto ko kainin yun, kaso di naman akin. Parang si *insert crush's name here* lang, mahal ko kaso di naman akin
8. Kapag may di ka maabot na libro sa library
Hugot: May mga bagay talaga na kahit anong pilit mo, di mo maaabot dahil masyado silang mataas.
Ang Paghugot ay napakasimple lang. Ang kailangan lang ay ang malawak na imagination. Kahit sino pwede, pero tandaan, WALANG KARAPATANG MAGING BITTER ANG NGA TAONG MAY LOVELIFE.
Yun lang salamat!
BINABASA MO ANG
Bitter Gourd, Hugot Lord(One Shot)
Non-Fiction*bitter Gourd is the english term for ampalaya* And since magvavalentines na, madami na namang bitter. Meet Mandy Reyes AKA bitter Mandy, ang tinaguriang campus bitter.