00

44 3 29
                                    

tw// contains foul words, matured scenes, club, alcohol

Justin Ioven Park

"Ano na naman ba, John!?" Kita mong nag-lalaro ako ng xbox dito, paharang-harang naman siya sa tapat ng fucking TV.

Nakangiti lang siya na para bang natutuwa siyang naistorbo niya ako. "Napakapangit mo, John! Ano bang problema mo!?" Aba, ang tukmol umikot pa at sumenyas na tingnan ko yung suot niya. 

"Oh, saan punta mo? Makabihis 'to, akala mo naman may pinopormahan siya," reklamo ko. Bwiset talaga ngayon na nga lang ako nakakalaro dito, iistorbohin pa 'ko nito. Sobrang stressful maging MedTech student alam niyo ba 'yon ha?!

"Nag-aya sina Sam-yung member ng Alpas. Xylo daw tonight," nakangiting sabi ng mukhang unggoy na 'to. Tinaas ko yung kaliwang kilay ko at tiningnan siya ng masama. "Oh ano ngayon? Layas na!"

"Hindi ako aalis mag-isa! Dapat kasama ka!" Sabi pa nito at nagpa-cute pa. Asa namang gagana sa'kin yung ganyang mukha eh nakadidiri pa nga. Tumayo ako kaya naman mas lumapad ang ngiti niya.

"How sweet," I smiled. "But no, bitch."

Tatalikod na sana ako pero bigla niya akong hinila. "Dali na, Justin! First time ko mag club dapat kasama ka!" Nag-simula na siyang mag-halungkat sa cabinet ko para mag-hanap ng damit. 

Wala akong maalalang pumayag ako sa kagustuhan ng epal na 'to. Basta ang alam ko lang, nakaupo ako sa sofa ng dorm namin habang nag-lalaro ako ng xbox nang bigla niya akong pestehin na samahan siyang mag Xylo. Tapang ng loob nito, akala mo naman nakainom na ng alak eh ni San Mig nga di pa nalasahan nito. 

Kung sino man 'tong nagngangalang Riguel Sam Kim na dancer ng Alpas, putanginamo at bakit mo inaya si John na mag clubbing. 

Oo, nahila ako ni John papunta dito sa Xylo. bigla kong namiss yung itim kong tshirt at yung pajama ko. Dapat siguro natutulog na 'ko ngayon, pero ano? Andito lang naman ako sa Xylo kasama 'tong mga miyembro ng Alpas! Pormadong pormado pa ako ngayon na akala niyo eh may kalandian ako.

"Hoy, John Francis So! Hindi na ako natutuwa sa'yo ah! Mukha akong naliligaw dito, puro kayo member ng Alpas!" Sino bang leader ng Alpas na 'to?! Ganito ba talaga sila mag welcome ng ga bagong members? Kailangang mag clubbing talaga? Bakit di na lang nila pinag lap dance o kaya naman pinasayaw na lang nila para naman may connect talaga sa dance club na 'to.

Inabutan naman ni Sam si Doyoung ng bacardi. Suicide amp, di man lang pinainom muna ng kung ano, bacardi talaga agad. "Hindi siya gaanong umiinom, Sam. baka may mas mababang alcohol content kayo d'yan?" Siniko naman ako ni John dahil sa sinabi ko. Siya na nga tong tinutulungan!

Ngumiti si Sam at kumuha na lang ng panibagong alak. "Hoy, Justin! H'wag mo nga ako ipahiya kita mong baguhan pa lang ako dito."

"Geh, inom ka mag-isa mo. H'wag kang susuka suka pag dating sa dorm, ah."

Pucha. Panigurado sabog na naman ako sa klase bukas. Maaga pa klase ko!

Kyle Revan Bang 

Clubbing is not my thing pero dahil mapilit si Kuya Daniel at ginamit niya yung 'last year ko na card', napapayag na talaga akong sumama. Kao-open pa lang ng school year ngayon pero inom agad ang request ng teammates ko.

Points Of View | TREASURE FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon