Chapter 2

3 0 0
                                    


Seryx's POV

"Sir Seryx, are you up?" tanong ni Mama L na nasa labas ng pintuan ng kwarto ko. Hindi ako makabangon kase nakapatong si Haneul sa tiyan ko at ulo nya sa braso ko. Kaya hinipan ko ang tenga nya, kasabay ng pagbuga ko ng hangin ay ang pagkagulat ni Haneul na agad-agad na tumakbo papuntang banyo. Sabay silip sa akin. Ayaw nya kase ng hinihipan ang tenga nya, akala nya palaging may ibang taong dumadaan o magnanakaw na nakapasok.

"Yup, Mama L" sabi ko habang bumabangon at naglalakad papuntang pinto.

"What's the matter, Mama L?" tanong ko kase normally aakyat sya dito para sabihing nakahanda na ang almusal kaya parang nanibago ako na iba ang tinanong nya sa'kin ngayong umaga.

"Your Tito is on the phone right now and asking me if you're already up, maybe he'll tell you something important or an urgent matter" sabi ni Mama L.

"Understood" putol ko at dali-dali akong bumaba sa hagdan para pumunta sa telepono namin sa baba. Ang weird lang kase may cellphone naman ako pero ang 'oldschool' ng Tito ko. Dito nya ko palaging tinatawagan. Mabilis kong kinuha yung telephone at tinapat agad sa tenga ko.

"Why do you take so long to answer?!" naiinis na tanong nya.

"Ahhh sorry Tito kong pogi at mapagmahal" bola ko sa kanya pero mas lalong pampainis sa kanya 'yun kase ayaw nya ng tinatawag s'yang mapagmahal. Gusto nya daw "caring" lang kase ang cheezy daw no'n sa pagitan ng dalawang lalaki kahit pamangkin nya ako at parang anak na rin.

"Anyways, why did you call me so early in the morning?" tanong ko.

"Nothing, just wanna check if you're eating well and on time" sagot ni Tito. Akala nya siguro maniniwala ako na 'yun lang.

"By the way, I sent you an email. I know you're looking for a university that is not too crowded. Don't worry you may find the tuition fee so pricey but you're poging Tito can handle that amount. The business is going well, and I am exporting too much guns to western countries." Dagdag nya, alam nya kase na ayoko ng masyadong mamahalin na bagay. Lalong lalo na kapag tulad nito na tuition fee. Mahal pa naman mag-aral dito sa pilipinas lalo na kapag mahina ka at mataas ang gusto 'mong marating.

Roy P. Guart University
Tuition Fee: 750, 000.00

What?! Seven-hundred fifty thousand pesos?! Literal na nanlaki ang mata ko sa presyo ng tuition fee. Eh samantalang pwede na akong magbukas ng maliit na business under my own name 'eh. What the hell. Ano ba yung notebook dito, ginto yung cover at galing sa puno ng cherry blossom ang ginamit sa papel? Anong bag dito, mamahaling silk na gawa sa ginto na may keychain na maliit na diamond? O baka naman may souvenir sila na ballpen na may unlimited ink?

OA kung OA pero alam 'kong sobra 'to, sobra-sobra sa taong katulad 'ko.

Alam 'kong walang sariling pamilya ang tito ko, stable ang business nya, mayaman kami, tinuturing nya akong sariling anak pero masisisi nyo ba ako. There's a part of me na ayaw talaga maging pabigat sa tito ko. Alam nyo 'yun, utang ko na sa kanya ang buhay ko sa pagkuha nya sakin sa Canada, tapos pinaparanas nya pa yung feeling ng may 'pamilya' pero sobra talaga 'to.

"Tito, no po" magalang na pagtanggi ko sa kanya sa kabilang linya.

"This is way too much for someone like me." Dagdag ko.

"Hey Seryx! Pull yourself together, will you? What do you exactly mean by 'someone like me'? Do you even think what you were saying? Look, you're not just a 'someone' to me. Now, you are my only family left. When your eomma died, I promised her that I will take care of you the best as I could, I will never let you starve nor be sad. I maybe busy and spent only little time with you but I am ensuring a bright future ahead you! Ano na lang mukhang maihaharap ko sa eomma mo?!" sigaw ni tito mula sa kabilang linya. Ramdam ko yung pagmamahal na pinaparamdam sakin ni Tito Adam ko. Hindi ko man alam yung tungkol sa pangako pero napaka-grateful ko to have a tito like him.

Tama sya na hindi na ako nalulungkot, hindi man ako madalas na nagsasalita pero alam ng mga taong nasa paligid ko na hindi ako malungkot.

(trans: 'eomma' means 'mom' in Korean)

"Understood po" pigil-luha 'kong sagot kay Tito, alam kong 'di ako mananalo sa debate laban sa kanya pero alam ko naman kase na sincere sya. Hindi nya ako ini-spoil sa kung ano-anong mga bagay. Sinasabi nya kada taon na kung may gusto man ako na bagay sabihin ko lang at bibilhin nya para sa'kin pero ni minsan hindi ako nanghingi ng kung ano sa kanya dahil sapat na itong komportableng pamumuhay at makita ko lang ang tito ko na malusog at malakas.

Cheezy pero wala 'eh mahal na mahal ko tito ko. Sya na lang ang blood-related na pamilya ko.

"Now we're talking" hindi ko napansin pero nasa kabilang linya pa pala sya.

"Hey kid, stop crying. I hear your runny nose. You're a man now, and a man only cry secretly" dagdag nya.

"Who's crying? Me? No, I'm not" pagtanggi ko pero alam ko naman na hindi sya maniniwala at patuloy lang akong aasarin. Pinupunasan ko lang yung sipon ko, allergic ako sa alikabok.

"That's all, make sure you eat well. I'm a busy man para sa aking nag-iisang poging pamangkin. See you later!" sabay bagsak ng telepono. Hindi man lang ako pinagsalita pa.

Then suddenly, I have these realizations that having a family is not about having a mother and a father. But being surrounded by people whose sincerely caring and unconditionally loving you, keeping you warm and always protecting you even if they are not blood-related people that is a true family. Right now I'm so blessed to have them. Tito Adam, Mama L, Haneul, and me, Seryx.

I checked my email and saw the mail my Tito sent. I clicked it, out of curiosity on what makes it so special.

Welcome to Roy P. Guart University!
Allowing every gifted child to study here.
Not a typical university, everyone here is special, rich, and precious.
Never been underestimated by others.
Always been no.1, producing well-educated and skilled individual.

Doors are widely opened, waiting for you to come in.
Irrationality, Toxic Mentality, Flaws will begone.
Everlasting Popularity and Influence may be with you.

Hope to have you soon!

Pagkatapos 'kong basahin ang letter nilang may font na Castellar na may font color na gold, pinindot ko ang 'ENROLL NOW' button at wala pang limang Segundo nag pop-up ang:

"Welcome to RPGU:
Rule People with Glory and Uniqueness"

Ini-screenshot ko at sabay send ko kay Tito Adam, enrolled na ako. Medyo creepy pero ang galante ng university. Pag isip isip ko, worth naman siguro kung ganito ang bungad sa'yo.
Nagtakip-silim na at nasa isip ko pa din ang ' 750, 000.00' na nakita ko kaninang umaga, masisisi nyo ba ako?

Nakayuko akong naglalakad-lakad hanggang sa tumigil ang aking paa sa paborito 'kong parke. Dali dali naman akong pumunta dito at umupo sa duyan.

Tumingala ako at muling namangha sa dami ng nagniningning na bituin, gumagalaw na ulap, at maliwanag na buwan na tumatagos sa pagitan ng mga dahon ng Narra. Tinaas ko ang aking palad at tinatakpan ang liwanag ng buwan na sumisilaw sa aking mga singkit na mata. Kasabay ng pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin at tunog ng mga kuliglig sa damo ay ang tunog ng mga yapak na papunta sa kinauupuan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, dali dali akong yumuko at hinila ang hood ng hoodie ko para matakpan ang mukha ko. Nanigas ako sa pagkakaupo ng makita na nasa harapan ko na ang manong na may malaking anino at tumigil sa pag lakad at nakatayo na sa harapan ko ngayon.

Deja Vu: BlockmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon