Walang tigil ang pag bagsak ang mga luha sa mata ko basang basa na nga itong table ng Canteen eh. Hindi ko pa rin matanggap ng puso ko ang mga sinabi sakin ni Sir RV. Broken Hearted baga.
"Bata, bakit ka naiyak?"
"Bata, HOY! Wag ka dito magdrama sa Canteen, magsasara na ako!"
sinisigawan na ako ng Diner sa Canteen, pero hindi pa rin ako natayo para umalis at patuloy pa rin ang pagbaha ng luha ko.
"HOY! LUMAYAS KA NA DITO, WALA KANG NAITUTULONG!" hinigit na ako ng Diner sa may braso ko, at dinala palabas ng Canteen.
"Dyan ka umiyak sa Hallway, para sumikat ka!" pagkasabi niya niyon, sinira nya na ang gate ng Canteen. Matapos niyon, tumayo na ako at naglakad pa punta sa room ko habang naiyak pa rin ..
< KAI's Verse >
(A/N: Verse means POV)
"KAI WAIT! Why are you doing this to me ? Don't Leave Alone!" sigaw ni Regine na hinahabol pa rin ako, matapos ko siyang iwanan sa Canteen.
"REGINE ANO BA! CAN YOU JUST LEAVE ME ALONE!? I DON'T LIKE YOUR PRESENCE, AND THE WORST, I DON'T LIKE YOU! SO LEAVE ME ALONE!" sinigawan ko siya at the top of my lungs tapos yung mukha niya, parang gulat na gulat sa mga sinabi ko.
"A-Ano ? Y-you d-d-don't Like M-me ?" parang paiyak na siya tas utal utal pa yung pagsasalita niya. "And so ? AS IF I LIKE YOU. AND AS IF I CARE." tinulak niya ako at tumakbo na siya palayo sakin, kaya pumasok na ako sa loob ng Classroom ko at umupo sa upuan malapit sa may bintana.
Nababanas ako. Naiirita ako kapag yung babae ang nagbibigay sakin ng motibo na may gusto siya sa akin. Ang gusto ko kasi ako yung sumusuyo sa babaeng gusto ko, at ang gusto ko sa babae eh yung SIMPLE lang, pero MAGANDA, MABAIT at may PANININDIGAN. Kaya nga hindi ko gusto si Regine eh, wala sa kanya ang mga hinahanap ko sa isang babae, kumbaga, total opposite ng traits niya yung mga hinahanap ko, pwera lang dun sa MAGANDA. =PP
Ako nga pala si Kyleb Slotwinski pero Kai na lang para maiksi . ang pinaka-ayoko sa lahat eh yung babae ang naghahabol sakin, pero aminado ako. TORPE ako. Anlabo ko no ? Isa pa lang yung naging Girlfriend ko, kasi Torpe ako. At ngayong may bago na akong gusto. ganun pa rin. TORPE pa rin ako ! Nice no ?
"Nakakainis siya, Puppy Love *hiccup* Puppy Love. *hiccup* Tao kame hindi kami *hiccup* tuta. Nakakainis!" may nagbukas ng pinto ng Classroom tas nagsasalita mag-isa. Nacurios ako kaya sinipat ko siya, at pagtingin ko, nakita ko si Aeryn, naiyak siya, hindi lang iyak, nahagulgol siya. Pero kahit pawis na pawis na siya at hindi na maipinta ang mukha niya, ang ganda pa rin niya.
"N-naiyak ka ba ?" Nabubulol ako habang tinatanong siya. Kinakabahan ako, kasi kami lang dalawa dito sa Room.
"Kai ? H-hindi ako yung naiyak, Yung nasa kabila yun kaya rinig mo hanggang dito." pinunasan niya yung mga luha niya habang sinasabi iyon. Ang pilosopo niya
"Bulok na yang palusot mo eh, Bakit ka nga naiyak?" pagpipilit ko sa kanya para sagutin na yung tanong ko.
"Eh bakit ba ang Chismoso mo? BAKLA ka ba ?" nagulat ako sa tanong niya, gwapo kong 'to, BAKLA ?
"HAH!? Ako ? Hindi ah, nagtatanung la--."
Hindi pa ako tapos magsalita, ay may naramdaman ako yumapos sa aking baywang.
"Huhuhuuuuhhhhhhhh. Kai, nahihirapan na ako."
"E-easy ka lang Aeryn. Wag ka ng umiyak, magkwento ka sakin." nabubulol na ako, hindi maintindihan, parang tumigil yung oras nung niyapos niya ako.