Lettres du Passé

7 2 0
                                    

Lettres du Passé

I heaved a sigh as I gathered all the cleaning materials from our storage room. I'm still hesitating to clean Amanda's room. Ang manatili sa loob ng kwarto niya ng mahigit limang segundo, sobrang sakit na para sa akin, ito pa kayang lilinisin ko ang buong kwarto. But I also want to preserve her memories. Binabahayan na ito ng mga insekto dahil mula nang mamatay si Amanda ay hindi pa ito nalilinis.

Dumiretso na ako paakyat ng hagdan para maaga akong matapos. Nang mabuksan ko na ang pinto at muling nakita ang ayos sa loob, libo-libong alaala ang nanumbalik. Hindi pa rin ako makapaniwalang tatlong taon nang bakante ang kwarto.

Mabigat sa dibdib kong inumpisahang linisin ang kwarto ng aking anak. Lahat ng mahawakan ko, hindi ko mapigilang matulala at maalala si Amanda. Her smiling face whenever we're together, her eyes no hint of pain and problems.

It was almost lunch when I reached half of the room. I have already cleaned and fixed her bed, bedside table, her stuffed toys shelf and her closet cabinet. I decided to take a break and went to the kitchen to eat.

Ever since Amanda died, the house was never the same. I was so used to her being by my side, helping me with all the household chores since it's just the two of us. Her father left us when Amanda was just a month old. I thought that's the worst, but Amanda's death was beyond it.

After eating and washing the plates that I've used, I decided to take a short nap before resuming cleaning the room.

The short nap was indeed short because I woke up immediately after thirty minutes because I felt like someone tapped my shoulder. Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga multo pero parang gusto kong maniwala sa ngayon kasi pakiramdam ko si Amanda ang gumising sa akin.

Dali-dali akong bumangon at nagpunta sa kwarto ng aking anak. Mas mabuti sigurong tapusin ko na ang paglilinis para makadalaw ako kahit saglit sa puntod ni Amanda.

I then started cleaning her bookshelves. Seeing all those books she had bought for herself brings back so many memories. Naalala kong palagi siyang nagpapasama sa akin sa bookstore tuwing bibili siya ng bagong libro para mailibre niya ako pagkatapos. Iniipon niya ang mga tira niyang allowance para sa libro at sa dates namin.

Mabilis kong tinapos ang pagpupunas sa bookshelf na napuno na ng alikabok, pati na rin ang mga libro saka ito ibinalik sa kung saan ko ito nakuha.

The last part that I'm about to clean is her study table. I cleaned the top of the table before proceeding in cleaning the insides of the drawers.

When I opened one of the drawers, I saw a box. I was about to ignore it but something's telling me that I should open the box, and so I did.

The moment I opened it, the tears I've been holding back since I started cleaning the room fell down. There I saw an envelope with 'Mama' written on it with Amanda's handwriting.

I didn't want to read it but I still did because I missed my daughter so much. I sat on the chair, opened the envelope and began reading the letter.

Dear Mama,

By the time you're reading this, I'm probably gone.

First of all, I wanna say sorry. I'm sorry po kung iniwan ko kayo. Please believe me when I say I didn't mean it. Kasi ayokong maranasan mo ulit ang naranasan mo noong iniwan tayo ni Papa. But I can't take it anymore.

Ma, I've been sick since I was 16. But I decided to keep it from you because I don't want to make you worry. The doctor said that my condition is still curable, kaya may mga gamot siyang nireseta. 'Yon ang mga gamot na sabi ko sa'yo ay vitamins. I'm sorry, Ma, kung nagsinungaling ako. Ayoko lang namang masaktan at mag-alala ka kasi umaasa akong gagaling pa ako.

17 ako nang sabihin ng doctor na hindi na tumatalab ang mga gamot, dahil doon nagreseta siya ng panibagong set ng mga gamot pero mas lalo lang lumala ang kondisyon ko.

Nang sabihin niyang hindi na kaya ng mga gamot, nag-suggest siya ng therapy, pero tumanggi ako. Kasi nawawalan na ako ng pag-asang gagaling pa ako.

Sinubukan kong sabihin na sa'yo ang tunay kong kondisyon pero lagi akong naduduwag. Hindi ko alam kung saan magsisimula hanggang sa nawalan na ako ng lakas para sabihin pa sa'yo.

Nagpapasalamat ako dahil nabigyan ako ng pagkakataong mabuhay kasama ka, Ma. You don't know how much thankful I am that you're my mother.

Thank you for taking care of me, kahit na mag-isa ka lang, pinalaki mo pa rin ako ng maayos. Thank you po sa pagmamahal at pag-aarugang binigay mo. How I wish I could give it back.

I hope you continue being happy, Mama. I'll always be here, watching you from afar. I hope to see you in my next lifetime and sana ikaw pa rin ang Mama ko.

I love you always and I'll miss you, Mama.

Your daughter,

Amanda

Hindi ko na nakayanang pigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Ang kawawa kong anak. Kung sana'y napansin ko agad na may mali sa kaniya, hindi sana aabot sa ganito. Kung sana'y mas naging attentive pa ako sa kung anong nangyayari sa kaniya.

Pero lahat ng pagsisisi ko'y wala nang saysay dahil wala na siya. I held the letter close to my heart as I cry.

The next day, I woke up in Amanda's bed. Hindi ko na natapos ang paglilinis dito kahapon dahil sa kakaiyak. Ni hindi na ako nakapag hapunan.

Iniligpit ko na ang mga panglinis na ginamit ko kahapon dahil hindi ko na kayang tapusin pa ang paglilinis. Matapos nito ay naligo na ako at nagpasyang dalawin ang puntod ni Amanda.

Maaga akong nakarating sa sementeryo dahil hindi naman traffic. Bitbit ko ang isang bungkos ng paboritong bulaklak ni Amanda.

Nang makarating sa puntod niya ay nilapag ko agad ang mga bulaklak. Nagsindi na rin ako ng kandila at nag-alay ng maikling panalangin.

Matapos ay umupo ako sa harap ng puntod at nagsimulang kausapin ang aking anak.

"Kumusta ka na, anak? Masaya ka naman ba riyan?" tumingin ako sa maaliwalas na kalangitan dahil ramdam kong tutlo na naman ang aking mga luha. "Nabasa ko nga pala ang sulat na ginawa mo. Hindi ko alam na gano'n na pala ang nangyayari sa'yo. Sana man lang sinabi mo kay Mama, akala ko ba walang sikreto?"

Tuluyan na akong naiyak at napatingin muli sa kaniyang puntod. "Mahal na mahal kita, anak. Hindi ko alam kung papaano na ako mabubuhay ngayong wala ka na."

Pansamantala akong natahimik upang pakalmahin ang sarili.

"Sana masaya ka na kung nasaan ka man ngayon, Amanda. Mahal na mahal ka ni Mama. Huwag kang mag-alala, sisikapin ni Mama na maging masaya para sa'yo. Hanggang sa muli nating pagkikita, anak ko," pakiramdam ko'y maiiyak na naman ako kaya tumayo na ako at nagpaalam sa aking anak.

Nang paalis na ako ay nakaramdam ako ng malamig na ihip ng hangin. Napangiti na lang ako sabay tingin sa kulay asul na langit.

I'll miss you so much, Amanda.

Lettres du PasséWhere stories live. Discover now