01

3 0 0
                                    



"Friday Ngayon, sabi ni Mommy lunch daw us sa house," narinig kong sinabi ni  Ashlie habang naka-tutok  sa kaniyang cellphone. Yes, Friday today hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita 'yung lalaki na naka usap ko noong monday afternoon,hindi pa ako nakaka pag pasalamat.

"Ahh oo nga pala Ash, sainyo ako matutulog. Wala akong kasama sa bahay hanggang sunday," saad ko.

"Ako rin!" Sambit ni Raine at Marceline.

"Duh, as if naman papa-iwan kayong dalawa," pam babara ko sakanila. "Nasa likod ng sasakyan ko 'yong mga gamit ko. Ilagay niyo nalang doon 'yong inyo," dagdag ko pa.

"Tanga, u-uwi muna tayo saamin, kukuha kami ng gamit." Sabi ni Raine sabay irap.

"Sabay-sabay nalang tayong pumasok sa lunes," sambit ni Celine habang busy sa pag sasagot ng form para sa tatakbong Student Council.

"Nicks, kinu-kuha ka pala nila na vice-president namin, nag back out 'yung dapat tatakbo. Kumpleto na officers ng kalaban saamin nalang hindi," may inis sa boses ni Celine habang inaaalok ako.

"Bakit parang labag pa sa loob mong  ako 'yung inaalok? Para kang gallit na unggoy. Bakit hindi nalang ikaw ang tumakbo? Bobita," pag tataray ko.

"Tanga, ngayon pa kasing ilang araw nalang mag papakilala na kami tsaka siya mag ba back out. Duh,ayaw ko mag vice, tanga. Edi dapat noong kumukuha sila ako nalang nag volunteer, diba?,"  sagot naman niya.

"Bakit nga raw ako? Daming iba riyan," pag-uulit ko.

"Ikaw daw may potential sabi ni president, napanood niya debate mo last year," sagot naman niya sa tanong ko.

"Anong connect?" Natatawang tanong ni Ashlie sakaniya.

"Bobo ka, malamang marunong siyang mag public speech," bara sakaniya ni Raine.

"Hays, Ashlie. Tama si Raine, bobo ka," sambit ni Celine sabay tawa nang malakas.

"Ah, sige kamo," sagot ko sa alok ni Celine.

"Sagutan mo 'to, kukunin ko mamaya sa'yo bago tayo umalis," saad ni Celine sabay sabot saakin ng form.

Nang makuha ko ito ay sinagutan ko na kaagad dahil mamaya-maya ay paparating na ang aming guro.

Nag-umpisa na ang klase at binigyan kami ng aming guro ng group project dapat ay apat na memebers kada grupo.

"Ria, gusto kitang ka grupo," pabebeng sabi ng bida-bida kong kaklase.

"Ako hindi," bara ko sakaniya at linista ang pangalan naming apat nila Ashlie, Celine at Raine sa isang papel tsaka ito ipinasa sa aming guro.

"Miss.Melendez, bakit kayo mag ka grupo ni Miss.Florencio?" Tanong ng aming guro.

"Oo nga po ma'am, unfair. Tapos ka grupo niya pa lahat may top. Apat silang mag ka kaibigan. Siya na nga top one tapos kinuha niya pa si Ashlie,Celine tsaka Raine," paawang sambit ni Lovely.

"Uhm, wala namang sinabing hindi kami pwedeng maging mag kaka-group mates. Tsaka isa pa, wala sa pagiging honor student 'yang project na gagawin, nasa saiyo 'yan kung aayusin mo o hindi. 'Wag kang mag reklamo kung mag kaka-grupo kami ng mga kaibigan ko dahil hindi naman kami nag s-sher ng i-isang braincell. Hindi mo na kailangan problemahin groupings natin dahil kung mas may tyaga ka mas maganda magagawa mo. 'Wag puro inggit ilagay mo sa kokote mo," kalmado kong sagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon