BUHAY FANGIRL

185 14 4
                                    

A/N: Some conversations actually happend..

Isang araw habang nasa facebook ako.

"Uy gwapo mahanap nga account niya sa facebook." Sabi ko sa isip ko.

Sinearch ko ang pangalan niya.

Ranz Kyle Viniel e.

At duon nagsimula ang lahat.

Nalaman ko na ang galing mo palang sumayaw.

Pinanuod ko lahat ng videos mo.

At duon nagsimula akong magkagusto sayo.

ISANG SIMPLENG CRUSH.

Sabihin na nating pagfafangirl.

Sumali ako sa Ranzters.

Duon nakilala ko ang mga katulad ko.

Mga katud kong humahanga sayo.

May ibang naiingit sa iba dahil may number mo sila.

Nakakaskype ka.

Nakaka-usap ka.

Naiingit narin pala ako kaso wala akong magawa. 

Nakuha ko narin pala yung number mo.

Tinext kita.

Sa hindi inaasahang pagkakataon.

Nagreply ka.

Ako naman itong kinilig.

Pero hindi na naulit yun.

Ang hirap pala kapag maraming tao ang may gusto sa taong gusto mo.

Marami kang kahati.

Marami kang kaagaw.

Pero ganun talaga dahil sa simula't simula hindi ka naman sa akin.

Sikat ka.

Magaling ka.

Nakita kitang online isang araw.

Chinat kita.

Hi Ranz :)

Nagreply ka kaso ang sabi mo..

hi :) bye na:( wala nang load yung broadband ko :(

At dahil wala naman akong nagawa.

ingat ka :) nalang ang nasabi ko.

At natuwa ako noong sinabi mo na sige ikaw din;)

Yun na ang huli nating pag-uusap.

Sa dinadami ng may gusto sayo alam ko na hindi mo na ako mapapansin at hindi na ako aasa pa.

Kahit nakaka-inggit.

Gusto kasi kita.

Simula noong naging busy na ako sa school naging inactive na ako.

Pinagtuunan ko nalang ng pinsan ang ibang mga bagay.

Nagpost ako sa bagong group na Sweethearts.

Long post siya.

"..Maaalala mo pa kaya ako?"

Ang dami ang naglike.

Ang daming nagcomment.

At isa ka na duon.

Maaalala pa kita. See you sa baguio;)

Dahil dun nabuhayan ako ng loob.

Nakita na nga kita sa personal.

Ang saya ko.

Lalo na nung lumapit na ako sayo.

Hi Ranz!

Nginitian mo ako.

Tinitigan.

at saka nag-isip.

Ikaw si...

Kara?

Nginitian din kita.

Natuwa at kinilig.

At kinilig ulit.

Dun ko napatunayan ang ibig sabihin ng..

Pagiging kuntento.

Dahil hindi lahat ng gusto natin nakukuha natin.

At minsan, kailangan nating tanggapin na hanggang duon nalang yun.

Kaya hanggang ngayon isa parin ako sa napakaraming humahanga sayo.

Ito ang kwento ko.

Ang kwento ng isang fan girl.

ONE SHOT/SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon