Chapter 1

22 1 0
                                    

Third Person's POV


Kasalukuyan namang nasa gitna ng isang mission si Illa kasama sina Chun Hwa at Bo Ra.

Isa isa nilang ginagapi ang bawat kalabang makikita nila sa daan. 

Walang habas na nagpapaulan ng bala si Chun Hwa habang mabilis na tumatakbo si Bo Ra upang gapiin ang mga nakaharang sa daan nila. 

Southwest point. 32meters mula sa kinatatayuan niyo. Sabi ni Yoo Joon mula sa kabilang linya.

Areglado. Wika ni Illa. 

Kaagad niyang tinungo ang lokasyon na itinuro ni Yoo Joon. Bumungad sa kanya ang mga kahon kahon na pampasabog at ilang mga armas. 

Agad syang naghagis ng Remote-controlled bombs sa bawat kanto ng silid at sa gitna.

Kaagad ding dumating sina Bo Ra at Chun Hwa sa kinalalagyan niya. Meron pa doon sa kabilang kwarto. Wika niBo Ra. 

Kaagad nilang tinungo ang silid na nasa pinakadulo ng Hallway ng gusali.

Pagdating nila'y nakita nila na naka kandado ang pintuan neto. Mabilis niyang binaril ang lock at sinipa ang pintuan. 

Bumungad sa kanila ang mga taong dinukot ng mga armadong terrorista nila.

Mabilis nila itong nilapitan at pinag kakalag ang mga tali sa kamay at paa nila.

Bilis. Kailangan na nating umalis dito. Wika ni Chun Hwa.

Mauna na kayo ni Bo Ra. Ako na ang bahala dito. Sambit ni Illa.

Tumango ang dalawa at sinamahan ang mga biktima paalis sa lugar na iyon.

Agad ding naghagis ng mga bomba si Illa at isinarado ang pintuan.Paglabas niya'y nakita siya ng mga kalaban kaya agad niyang dinukot ang baril niya at sinimulan niyang paputukan ang mga ito. 

Mabilis syang tumakbo upang sumunod kina Chun Hwa. Kaagad siyang nakalabas sa loob ng gusali at sumunod sa mga kasama niya.

Nang makalayo na sila'y kaagad niyang pinindot ang detonator na hawak niya. Isang malakas na pagsabog ang naganap, na naging dahilan upang gumuho ang gusali.

Kasama ang mga kalabang naiwan sa loob.

Mission success. Sabi ni Illa sa kabilang linya.

Good job babe. Sabi ni Yoo Joon mula sa kabilang linya.

Bahagyang nag init ang pisngi ni Illa kaya hindi na niya sinagot pa si Yoo Joon.







Illa's POV


Bat ganun siya? Masyadong siyang sweet? Haysss.

Oh bat namumula ka dyan? Tanong ni Bo Ra habang nakatitig sakin.

Agad akong nahimasmasan at inirapan si Bo Ra na siyang ikinatawa niya.

Hindi lang ikaw naka earpiece dito girl, kami din. Sabi ni Chun Hwa habang tumatawa.

Nakakairita tong mga babaeng to.

Kung hindi ko lang sila mga kaibigan, baka kinatay ko na tong mga to.

Nilayasan ko sila na ikinalakas naman ng tawa nila. Mga bruha sa buhay ko.

Chimera: The ConclusionWhere stories live. Discover now