Third Person's POV
Sir. May meeting po kayo mamayang 9am with the board of Directors, 12pm with Mr. Alvarez, 3pm....
Matamlay na pinakikingan ni Benedict ang kanyang secretary habang ipinapakita sa kanya ang schedule nya ngayong araw.
Nagdesisyon silang dalawa ni Mikaela na magtayo ng isang Clothing Company. Ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganito siya ka abala.
President & CEO si Mikaela habang sya naman ang COO ng kumpanya nila.
Dapat pala hindi nalang ako umalis sa kumpanya namin. Wika nya sa kanyang isipan.
Yumuko ang secretary niya at lumabas na ng opisina nya.
Napailing nalang sya.
Hindi ko aakalain na ganito kahirap tong trabahong to. Wika nya sa sarili nya.
Kasalukuyan namang nasa conference room si Angelo at walang ganang pinakikinggan ang bawat salitang binibitawan ng mga nagpiprisinta sa harapan niya.
Ipinamana sa kanya ang Del Rosario Group of Companies matapos na umalis si Arthur bilang President ng kumpanya, at matapos ding tanggihan ni Benedict posisyon bilang presidente.
Natapos nang magsalita ang CFO sa harapan niya nang biglang nagsalita si Sun Bin. Okay, anything else? Tanong nito sa CFO.
Nilingon nya si Sun Bin na seryosong nakikinig sa bawat taong nagpepresent sa harapan nila. Siya ang tumatayong Chairman of the Board ng Corporation.
Napailing nalang sya. Hindi man nya kadugo si Sun Bin, pero halos kaparehas sila ng mannerism ng kanilang Ina.
Wala nang nagawa si Angelo at nakinig nalang din sa binibigkas ng mga tao sa harapan nila.
Nang matapos magsalita ang huling presenter ay kaagad siyang tumayo. Meeting adjourned. Wika nya.
Kaagad syang lumabas ng conference room at pumasok sa opisina nya.
Pagpasok sa opisina nya'y kaagad syang umupo sa sofa. Hirap ng buhay na to. Mas pipiliin ko pang makipag barilan sa mga kalaban kesa sa mabulok sa gusaling to. Angal nya.
Nasa harapan ng puntod ni Yvonne si Arthur at taimtim na pinagdadasal ang kaluluwa ng namayapa nyang kasintahan.
Alam nya sa sarili nya na kahit na kailan, hindi na babalik pa sa kanya ang babaing pinakamamahal nya.
Mapait na ngumiti si Arthur at saka inilapag ang bulaklak na hawak nya sa puntod ni Yvonne.
Lumipat sya sa kabila at nagtirik ng kandila sa harap ng puntod ni Emmanuel, ang kanyang dating malapit na tauhan.
Nagdasal sya ng taimtim at saka naglapag din ng bulaklak sa puntod nya.
Tumalikod sya at naglakad na palabas ng sementeryo.
Paglabas nya sa sementeryo ay nakita nyang nakaaabang si Kang Dae sa tabi ng kotse nito.
Nilapitan nya si Kang Dae mula sa kinatatayuan neto. Anong sadya mo? Tanong nya.
Iniabot niya ang isang sulat. At saka tahimik na sumakay ito sa sasakyan nya.
Mabilis na pinaandar nya ang sasakyan at saka umalis na sa sementeryo
Hindi nag abalang basahin ni Arthur ang sulat na ibinigay nya at pumasok na din sa sasakyan nya.
Inilagay nya ang sulat sa loob ng gun port ng kotse nya at umalis na din sa sementeryo.
Tahimik na pinapaandar ni Kang Dae ang sasakyan nya.
Halata sa mukha nya ang pag sisisi, ngunit sa kondisyon nya ngayon ay wala syang magagawa pa.
Lalo na't hawak ng kalaban ang kahinaan nya.
Napasuntok si Kang Dae sa manibela habang iniisip ang lahat ng nagawa nya.
Patawarin mo ko Arthur. Ngunit wala na kong magagawa pa. Sabi niya sa sarili nya.
-Author⚔

YOU ARE READING
Chimera: The Conclusion
AcciónA New Threat emerges, giving the newly built Mafia Society, Chimera an All Out War. But unbeknownst to them. A dear friend, is the enemy they didn't expect to be. How can things end well for Arthur, Benedict, Angelo and the rest of the gang?