Her POV
Wow it's great to be back here in Boracay nakakamiss din tong Boracay kahit lagi kaming nandito tuwing summer vacation eh syempre pano naman na lagi kami nandito tuwing summer eh taga dito kami eh.
"Nasaan na ba sila mama ate?" Tanong ko kay ate Settle. "Kanina pa kasi nawawala eh and tagal nila! Nilamon na ng receptionist" Sabi ko na naiinis na.
"Easy ka lang, nandyanlang yan baka madaming nagpapabook na iba kaya natagalan"Sagot naman ni ate Settle sa akin at nagselfie na lang.
"Hahaha baka may pogi dun Ana oh! Tara tignan natin" Sabi sa akin ng pinsan kong si ate Maxpein at hinila ako palabas sa lounge ng hotel na pagtutuluyan namin."Wait lang ah grabe ka makahila ah" I reacted when she's walking so fast.
"Eh kasi naman eh! Para may mapaglibangan tayo hihi" She giggle like crazy. I just looked at her and laugh. Ang adik talaga neto tumingin na nga sa mga pogi at gwapo eh akala mo naman ako parang hindi eh kung makapagsalita eh. Syempre hanggang ganyan lang yung pwede kong gawin kapag wala kang boyfriend noh! At least wala akong boyfriend okay ng hanggang tingin na lang, mga isang sulyap ganern. Eh sa NBSB ako eh or No Boyfriend Since Birth. Tsaka ang ganda kaya maging single you're free and can do everything but not everything like take illegal drug or what so ever like you can go everywhere you want and can talk to anyone especially boys without getting permission from them or from your boyfriend at ang maganda hindi ka masasakal kapag may boyfriend ka kaya maganda maging single pero syempre hindi naman forever single noh.
"Yeah I like that hihi charot!" I joked and we sat one of the chairs outside and look for 'gwapo' at 'pogi' kuno.
"Ieehhh Ana tignan mo oh may mga pogi oh" Aniya ni ate Maxpein at may tinuro siya sa akin na grupo ng nga lalaki at well what can I say it's true nga naman. May nga itsura sila in fairness ah mga topless pa oh my God! My innocent eyes lol charot lang.
"Taray nila ah may mga pandesal sila ter!" Sabi ko sa kanya at tinitigan pa ng ilang segundo yung mga pogi hihi.
"Anong mga trip niyo sa buhay?" At tinignan namin kung sino yung nagsalita. "Oh wala lang haha naghuhunting lang kami" Sabi ko kay ate Alex na pinsan ko din magkapatid sila ni ate Maxpein at ng isa ko pang pinsan na kapatid nila si ate Jane. Bale tres marias sila eh puro mga babae wala silang kapatid na lalaki.
"Tsk tsk tsk eh may mahuhunting ba?" Tanong naman niya at nakiupo rin sa tabi namin.
"Syempre meron ang dami nga eh, mamili ka na lang ng bet mo" I said to her and keep looking sa mga pogi at pandesal.
"Uy mga babaita! Tara na nandito na sila!" We heard a voice at our back shouting on us. "Tara na mga baklush!" Sabi ulit sa amin ni ate Jane at nauna ng pumasok sa amin sa hotel napagtutuluyan namin.
"Gora bells na nga mga ter" I said at sumunod na kay ate Jane at ganun din sila ate Maxpein at ate Alex.
Nang makarating na kami sa loob nakita namin na nandun na silang lahat at ready to go na para umakyat.
"Saan ba kayo nagpupunta kayong mga bata kayo?!" Tanong sa amin ni ninang Lucille na tita ko din kasi kapatid siya ni mama pero ninang ko din siya kaya ninang ko siya na tita.
"Oo nga kayo talaga" Sabat naman nimudrabells at nagsigayak na sila kaya kinuha ko na din ang mga gamit ko at sumunod sa kanila na papasok na sa elevator.
"wait lang!" I shouted at them. Kaloka iiwanan pa ako. "Bilsan mo kasi ang tagal mo eh"Sagot naman ni Kuya Bryce at hinarangan ang door ng elevator at pumasok na ako.
YOU ARE READING
Dreams Turned Into Reality
RomantikA girl named Anastasia is a dreamer she believes in dreams and she has a lot of dreams that she want to be into reality someday in the future. She's a hopeless romantic and she wants to found the man that she will live ever after even though there's...