"Aries!," nakatingin ako sa babaeng papalapit sa akin ng may ngiti sa labi,si Hayley, ang bestfriend ko sa tropa namin, na sa totoo lang eh syang kaisa-isang babaeng mahal, minamahal at mamahalin ko. Yebah! Ang korni ko,pero seryoso ako!
"Oy ah! Bat di ka umattend ng first class ha? Daya neto!," sabi niya at sabay tulak ng mahina sa braso ko.
"Eh? Napasarap ako ng tulog eh! Bakit ba!Toh naman! Namiss mo agad ako noh?Yiee!," nagpout ako at pacute effect sa kanya.
"Eew lang ha! Di bagay sayo Aries! haha. Para ka tuloy talagang bakla!," natatawa-tawa nyang sagot at di maipinta ang facial expression.
Yah. Totoo yan! Maraming nangaasar saken na bakla ako dahil nga sa ikinikilos ko.
Okay? Aaminin ko...ganito na talaga ako.
Ewan lang. Silahis kumbaga!
Pero kasi kung bakla talaga ako, malamang naattract na ako sa kapwa ko lalaki.
Pero hindi eh! Kundi dito sa katabi ko, si Hayley!
Hayss... First year palang crush ko na toh. Maliban sa ang cute nya ,nagustuhan ko talaga ang personality nya.
At ngayong fourth year na kami,aaminin ko...inlababo na ata ang silahis na ito sa kanya!
Buti nalang binabasted nya ang mga manliligaw nya. So may pag-asa pa ako,mga men!
"Hoy! Hoy! Hoy! Naano ka at tulala ka? Saken pa talaga huh! Hiyang hiya naman ako! May gusto ka na saken noh?Wahaha," pang-aasar nya.
Yah! Meron nga! Tss. Kung alam mo lang Hayley!
"What if meron nga?," seryoso kong sagot sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya.
Medyo nagulat sya sa sinabi ko. Ako nga rin eh!
Nagiwas sya ng tingin saka dali-daling sumagot.
"Yieee! Gwapo ka rin pala pag seryoso eh! Infairness!," pagiiba nya ng topic pero ewan ko? Di ako nakaramdam ng galit. Infact napangiti pa nga ako sa pagpuri nya saken eh!
"Masaya ka na nyan? Haha. Asus!," dagdag nyang sabi. K. Tama na po! Kundi lang kita mahal eh.
"Tss! Ewan sayo! Tara na nga! Baka malate pa tayo sa next class natin eh! Tayo na dyan!," sabay hila ko sa kamay niya para tumayo.
"Aray ko naman! Bakla talaga neto!"
Amp! Ayan na naman! Sabi ng hindi ako bakla eh! Taeng yan,silahis lang! Silahis!
"Ano ba! Mang-asar na lahat! Tsk. Pati ba naman ikaw? ha? Hayley! Sige lang! Ipagpapalit talaga kita sa mga boylets dyan!," taas-kilay kong sabi.
"Weh? Di nga? Haha. As if! O sya sya. Joke lang to naman!," nakangiti niyang sabi at sabay lagay ng kamay sa may braso ko at sinabayan na ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Silahis Kong Puso ♡ [Oneshot- True Story Based]
Novela JuvenilInlove ako kay bestfriend, pero wala na yata talagang patutunguhan toh. Idagdag pa ang pagiging silahis ko. (Ang silahis po ay yung guy na parang may pagkabakla pero pangguy kung pumorma at hindi naaattract sa kapwa lalake. May mga gestures lang min...