よん

109 10 29
                                    

"Bakit ang yabang mo nong sa court?"




Nakaupo lang kami sa isang bench sa taas ng isang building kung saan makikita mo ang city lights. Sabi niya favorite place daw niya 'to kasi daw tahimik at saka mahangin. At saka malapit daw sa langit, tsk, ewan ko ba sa kanya. Hindi lang siya mayabang ah, weirdo din ng lalaking 'to.

Napatingin siya sa gawi ko saka tumawa. Hindi man lang pinansin ang tanong ko. I shrug at saka uminom mula sa chocolate shake na binili namin kanina.

"Ang totoo niyan," he paused a bit kaya napatingin agad ako sa kanya. May pa-thrill pa siyang nalalaman ah. "The truth is..." Napairap ako nang bigla siyang natawa sa mga sinasabi niya. Wow, seryoso kaya akong nakikinig sa kanya tapos ganon lang.

"Stupid." Bulong ko. Hindi naman yata niya narinig 'yon. Patuloy nalang akong uminom mula sa cup ko at saka tumitingin sa mga ilaw mula sa matatayog na mga gusali. I never saw this view before. Sobrang ganda niya and I will forever treasure this moments, kahit hindi na kasama 'tong si 'yours'.

"Maka-stupid ka sa akin, talino ko kaya."

"I believe you," sarkastikong sabi ko kaya inirapan din niya ako. Hala siya, he looks like a gay. Kupal talaga kahit kailan.

"Seryoso, I'm sorry sa nagawa ko non. Actually, binabastos ka na nila Andrei the first day, that's why I also told you to stop wearing short skirts." Para bang ang simple lang ng sinabi niya. Pero that made me smile, kasi para bang he's trying to protect me. Hindi naman kami close pero he showed concern. "Aye, baka mag-isip ka ng iba diyan. Hindi kita gusto, 'no!" Dagdag pa niya.

Natawa nalang ako. "Wala naman akong sinabi e'." Naging tahimik kami pagkatapos non. Ni wala ng nagsasalita niisa sa amin.

How could someone imagine two people na magkaaway noon ay magkasama ngayon. We're not even close pero kaya naming mag-biruan. Honestly, I am very thankful to him. He protected me, kahit alam kong wala namang meaning, like I wanted it to have meaning though, tsk. And second, he take me here. A place where I felt so free from all the things I've been struggling with.

"Ashton, why do they hate me?" Bigla kong tanong habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Narinig ko ang buntong hinga niya, kasunod non ang malalim niyang boses.

Wala akong sinasabihan ng mga problema ko. Ayoko na sabihin sa kanila 'yon kasi baka isipin nila na ang hina ko. Baka isipin nila na I look and act brave, but the truth is I am not. Ayoko na maliitin ako ng iba, everything seemed to hate me but I chose to ignore them. They can hate me, but I will not hear them if I close my ear shut.

"Baka naiinggit sila? Maybe they have some reason?" Napailing nalang ako. Wala naman kasi akong mapapala sa kanya, knowing Ashton. He might just goof around.

Muli kong ibinalik ang tingin sa kalangitan. Wala naman akong nakikitang bituin, pero it's fun watching something that resembles yourself. Darkness, resembles mine.

"Do you hate me, Ashton?"


"Oo, pero not in the way the others did." Sagot niya at saka ngumiti. Napangiti ako ng bahagya dahil don.

I hate him too, yet not in that specific way. May galit ako sa kayabangan niya pero I couldn't be less grateful sa taong niligtas ako mula sa kasamaan. Although hindi kami close, he did something na ikaka-ngiti ko.

Three wishes.

Siguro there's no way I could forget Ashton. He's someone that remind me that I still could smile through all the storms. Wala naman palang masama na makipag-kaibigan sa kupal na 'to.

"You're beautiful when you're smiling." Sambit niya na sobrang narinig ko. Napatingin ako sa kanya at saka nakita kong nakataas 'yong camera niya. The sound of the click echoed the place, kaya inirapan ko na lang siya.

Three Wishes Where stories live. Discover now