115 9 27
                                    

"Xander..."



Hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko 'yon. It's just that hindi mawala sa isipan ko 'yong Xander. God, do I have a crush on him. Wala naman yata? Oh my gosh, para akong baliw dito.

Nakaupo ako sa seat ko habang si Ashton andito sa tabi ko. Sinasagutan niya kasi 'yong essay na ipapasa nila mamaya. Hindi ko maman siya inistorbo kasi he look so serious answering the topic. Makikita mo kasi sa mukha. He looks so furious habang nakatingin sa papel. The way his eyes became dark, with his jaw clenched.

"Ashton, is something wrong?" Hindi ko mapigilang matanong sa kanya. Pinasadahan niya ako ng tingin saka umiling. Wala naman akong magawa kaya tumitig nalang ako sa labas ng bintana. Nakatukod ang siko ko sa mesa habang nakapatong sa mga palad ang mukha. Nasa labas ang mga kaklase ko since walang prof para sa last subject.

'Yong football team nandon sa field, practice game yata nila. Gusto ko sanang sumali sa mga clubs pero takot ako na baka pahirapan lang ako don. Most of the population here hate me, pero they are nothing for me to give an amount of care. Siguro tatahimik nalang ako kasi magmumukha lang akong kawawa kapag naglaban pa ako.

"Aray!" Napadaing ako nang kurutin ni Ashton ang pisngi ko. Inirapan ko siya at sinamaan ng tingin, pero parang wala lang naman sa kanya lahat ng 'yon. Napailing nalang ako at siningkitan siya ng mata nang walang pasabing napatitig siya sa akin. I don't know kung may dumi ba ako sa mukha, but the way he stares were kinda something.

Mapupungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, he was so unlike the Ashton na ang yabang at grabe kung magsalita. I flicked his nose para mabalik siya sa realidad baka kasi nalunod na sa kakaisip.

"I'm sorry."

"And that's for what?" Tugon ko kaya napailing na naman siya. Napapansin ko lang na ang weirdo niya talaga. Tatanungin mo siya kung anong meron, iiling lang siya na para bang wala lang. He is not good at hiding something though. "Ashton, can I ask something?"

"Sure, ano ba 'yon Sabby?" Agad niyang sagot. Tinignan ko muna kung tapos na siya sa essay nila, at nakita kong tapos na nga kaya alam kong hindi ako nakakaabala.

Napalunok ako ng wala sa oras at saka nag-iwas ng tingin. Magsasalita na sana ako nang unahan naman niya ako.

"May crush ka sa akin, 'no. I can see it in your face-"

"Really, yours? 'Di ko muna ako patatapusin sa pagsasalita?" Natawa siya nang mahina, bago tumango at nilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo habang naka-dekwatro sa pagka-upo. He looks outstanding, but the badboy vibes never attracts me. If I can see Ashton as a man, it would only be a closest friend or a devastating enemy.

He ushered me to continue kaya napairap nalang ako at pinagkrus ang braso. Hinawi ko muna ang buhok bago mag-umpisang magsalita. Nakakahiya kasi 'yong itatanong ko, baka pagtawanan pa ako nito.

"Tell me more about Xander," napatikhim ako pagkatapos sabihin 'yon. Akala ko pagtatawanan niya ako, pero biglang sumeryoso ang mukha niya saka nag-iwas ng tingin. Now, what's his problem?

Nagtatanong lang naman kasi. And heavens, wala naman kasing masama don. Baka gusto ko lang na makilala siya kasi nakakahiyang magtanong kay Xander ng harap-harapan.

"Why?" Binalewala ko ang pagbago ng boses niya. Ginagalaw din niya ang kamay na tila ba gumagawa ng isang tunog. Natahimik ako dahil don. Para saan nga ba? Because I need it kasi gusto ko siyang makilala without asking him personally? Kasi I have a little crush on him?



"Uh, may project kasi sa subject ni ma'am Song. That's why."



Napakamot ako sa ulo dahil don. First of all I'm not good at lying. Inipit ko ang pang-ibabang labi at saka ngumuso. Napatingin ako sa malayo at saka natulala doon. I don't know if Ashton is gonna buy that lie, feeling ko kasi magaling siyang maka-observe.

Three Wishes Where stories live. Discover now