Chapter Two

0 0 0
                                    

Sereia's POV

Tamad na tumayo ako sa upuan ng matapos ang orientation.

"Sere!" Napatalon ako sa gulat at muntikan ng mawalan ng balanse ng bigla na lang dumamba ng yakap sakin ang bestfriend kong si Ashty.

"Tss, papatayin mo ba ako sa nerbyos?" Masungit na saad 'ko sakanya at inirapan siya.

Nakangiwi lang siya sumunod sakin at hinahablot hablot ang manggas ng t-shirt ko.

"Sorry na sere, na miss lang naman kita ei" aniya at nag puppy dog eyes pa ang bruha.

"Itigil mo 'yan kamuka mo yung aso ng kapitbahay naming maraming galis" napanga nga siya sa sinabi ko at 'di makapaniwalang tumingin sakin.

"Hoy, for you information serenang bangus hindi ako kamuka ng aso ng kapitbahay niyong may galis. Sa ganda kong 'to?" Over confident nyang saad at taas kilay na tumingin sa'kin.

"Also for your information, kamuka ng aso ng kapitbahay namin na may galis. 'Di ka maganda at tigil tigilan mo'ko sa pagtaas taas ng kilay mo, baka mamaya umuwi ka ng wala ng buhok ang pinag mamalaki mong kilay" mataray kong saad sakanya at tinaasan din siya ng kilay.

"Hah! ang harsh mo talaga sakin kahit kailan, #peykprend" anya na ikina irap ko na lang.

"#peykprend mo your peys" pang gagaya ko sakanya at nilagpasan na siya.

"Isa nga pong maruya tsaka isa ding fries 'tas tubig nadin po" saad ko sa kahera na tumango lang at hinanda na ang inorder kong pagkain.

"Eto na ineng"

"Thank you"

"Serenang bangus, ba't mo'ko iniwan don. 'Di mo man lang ako hinintay" aniya na nakanguso naman ngayon.

"Babagal bagal ka kasi kumilos" saad ko at naghanap na ng mauupuan naming dalawa.

"Mainipin ka talaga kahit kailan 'no" aniya na iirap irap sakin.

"Mag order kana lang, bilisan mona" nakasimangot na pumila siya para maka-order na ng pagkain niya.

Tahimik akong kumakain ng tumabi na sa katabi kong upuan si ashty na nakabusangot pa din.

"Ba't naka busangot ka d'yan?" Takang tanong ko sakanya.

"Wala, 'di lang maganda ang araw ko today" anya na mas lalong nakapag paganda sa muka niya. Aaminin kong may mukang ipagmamalaki si ashty.

"Okay" ani ko at pinagpatuloy na ang pagkain ko para maka uwi nako ng maaga sa bahay.

"Saan ka nga pala lalarga pag 'tapos nating kumain?" Tanong ko sakanya ng 'di pa din siya naimik, tuloy tuloy lang siya sa pagsubo niya.

"Kung saan ma-padpad" maikling sagot niya na ngayon ko lang narinig.

"Ganyan ba kasama ang araw mo? Miski ang pagsasalita ay parang kinatatamadan mona" ani ko at inayos na ang pinagkainan ko.

Hindi niya sinagot ang tanong ko, kaya nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sakanya at tinignan ang itsura niya.

"Actually hindi, hindi ako okay" aniya at mabilis na namuo ang luha sa gilid ng mata niya.

"Anong nangyari? Sabihin mo sakin" saad ko at iniharap siya ng maayos sakin.

"Ahm...'diko pa kaya sabihin ngayon sere ei, siguro next time na lang" saad niya at nahihiyang napatingin sakin.

"Hindi kita pipiliting sabihin sakin lahat ng problema mo ash, basta andito lang ako pag kailangan mo" ani ko at tinapik tapik ang balikat niya upang pagaanin ang loob niya.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I hope everything is not just pretendingWhere stories live. Discover now