Chapter 1

136 5 0
                                    

"Franseanne!! Maiiwan ka na ng service mo. Ang kupad kupad mo talagang bata ka." Narinig kong sabi ng nanay ko habang pinaghahampas ako sa likod.

Tanging mga ungol ko lamang ang narinig niya na halatang kinainisan niya. Antok pako eh.

"Aba'y bata ka. Balaha ka sa buhay mo." Then narinig kong sinara niya yung pinto. Hindi yung normal, padabog. May pagka-isip bata kasi si mommy.

Ginawa ko lamang yon para inisin siya, talagang gising na ako kanina pa. Pero alam na ni Mommy ang bawat galaw at ang mga kalokohan sa isipan ko.

Isinagawa ko na ang mga morning rituals ko. Taray, may rituals pang alam.

Nagbihis nalang ako. Blue jumper yung uniform na may blouse sa loob matching blue ribbon.

Lumabas na ako then go to the kitchen, may naaamoy kasi akong kakaiba.

"OMG mommy! Is that my favorite? You're delectable dish? Nuggets!" Sabi ko with matching teary-eyed expression but twinkling eyes.

Alam kong mababaw ang kaligayahan ko pero most of the time, KJ ako. Once in a life time lang kasi ako pagbaunan ng ganyan. Nakakatats. 😭😭😭

After ipack ni Mommy ang baon ko ay nagpaalam na agad ako. Papano ba naman, ang GG ng school kung saan ako nagtransfer, 6:50-7:00 magriring na yung bell para sa FC. Edi wow.

Then, nang nakarating na kami (service), pumasok na ako. Not bad naman yung school, bigger than I thought and bigger compare to my previous school.

And as usual, first day, siksikan nanaman sa bulletin board para magkaalaman kung saang Section mapupunta. Cream or last section. Nakita ko na 5 sections meron ang Grade 7.

Maraming di pamilyar na amoy, itsura at iba pang physical appearance. Tinignan ko yung mga sections at nakita ko yung Mount Carmel na Cream section at hindi ako kasali doon. I felt disappointed, pero naisip ko rin naman na at least I did my best.

At sa wakas, nakita ko na yung section ko, Our Lady of Pillar (LOP).

"Ihhh, magkaiba tayo ng section Trixy." sabi nung isang babae na medyo chubby pero may hidden beauty.

Dahil ayaw kong makichismis at nagrurush ako, agad akong umakyat papunta da third floor kung saan nakapwesto yung mga G7 Sections at may isang 4th Year Section.

Comfortable naman ako pero habang mas tumatagal at may nakakasalubong akong mga Teachers at hindi ko alam kung ano ang position nila sa school, mas kinakabahan ako.

Nakita ko na yung section ko at pagkabukas ko ng pinto, AWKWARD!!! Lahat nakatingin saakin, parang nakakita ng artista. Nakakahiya at napakaawkward ang feeling.

Umupo ako sa pinakadulong row at may mga iba namang naguusap usap na, pero mas marami parin yung mga transferee. Nagkakahiyaan, yung iba pilit na nagbabasa ng libro yung iba kinikilig kilig sa mga binabasang wattpad books.

Lutang pa ako at sinasaksihan ang bawat sulok ng room namin ng biglang may pumasok ng grupo ng kalalakihan na parang at the first place ay mga famous na sa school.

Nagring ang bell, nagsitayuan ang mga estudyante at nakisunod naman yung mga transferees including me. Syempre baka mapag-iwanan ako.

Bumuo kami ng straight line formation according to height at aaminin ko naman na hindi ako biniyayaan pero nasa bandang likod parin ako dahil nga maraming you know.... midgets 😂😂😂

Bumaba kami papuntang quadrangle at hindi ko maitatanggi na exclusive ang school at maraming estudyante dito.

Nagsagawa lang ng Morning Praise na may mga Prayer Leader sa stage. Catholic school ito, St. Mary's Academy.

After ng flag ceremony, nagkaroon ng brief speech ang isang Sister at narinig kong Directress/Principal ng school.

Inexplain niya ang bawat sulok ng school and she gave us a warm welcome and good luck signs.

Umakyat na kami sa room at doon, may pumasok na isang lalaki na halatang teacher tapos inintroduce yung sarili niya with his prepared powerpoint.

"Hi, I'm Argierom Bungay, I will be your adviser this school year. Alam kong masyadong jeje yung name ko pero don't mind it. You can call me Sir Rome and nakalagy sa schedule na this whole week ay Orientation so we can bond together. Besides, ako din yung magiging Apan teacher niyo"

Sabi ni Sir Rome na parang nagrarap, hinahabol ata siya ng kabayo eh. Joke.

At ito na ang kinatatakutan ko, Introduction sa harap. By surname ang pagiintroduce at alternate (girl then boy) kaya alam kong malayo pa ako.

Nakilala ko naman sila pero hindi ganun ka clear at hindi lahat sila, may mahahaba ang pangalan yung iba naman konti lang. Hanggang nag flash na yung name ko sa LCD.

'Franseanne B. Songco' naka flash sa screen. Kinakabahang tumayo ako sa harapan inintroduce ko yung sarili ko.

"Hello, I'm Franseanne B. Songco. Wondering what B is? Franseanne Browne Songco to be exact. I don' know if may lahi ako o wala. And I graduated grade school at St. Angela's. I hope maging friends tayong lahat" Mahabang litanya ko kasama ang nanginginig kong kamay, paa at labi. Muntik na nga ako mag stutter pero kinontrol ko kung sarili ko.

Sana this will be a good start for me.

**********************

Recess na at natapos na ang introduction at for sure, ipapamemorize ang vision and mission ng school na ito parang sa previous school ko lang.

May nag announce na kailangan muna ipapalit ng CHITS yung pera bago makabili. Pinapalit ko lang yung 40 pesos at bumili ng C2 na 25 pesos at Choco knots at 5 na candy with a total of 40 pesos. East money pala sila dito, daming estudyante 😂😂😂

Pumunta ako sa isang seat dito sa Canteen at alone ako kasi wala pa akong kakilala dito. May mga nagpapakaFC para maging kaibigan ko pero parang hindi sila enjoy sa company ko, mahiyain kasi ako.

Nakaharap ako sa labas kaya nakikita ko yung mga paparating at yung mga bumibili. At nakita ko nanaman yung mga grupo ng boys kanina pero nadagdagan sila ng apat at yung isa parang nakita konsa Cream Section kanina.

Narinig ko na maraming pinag-uusapan sila kaya mas nakahalata ako kung gaano sila kafamous dito sa school.

Bumalik na ako sa room at nagsimulang imemorize ang vision and mission. Welcome to my new school.

*********************

Dismissal na at may mga naging kaibigan na din ako at most naman sa lahat ng transferee may nakakaclose na din. Kumukuha ako ng gamit sa locker ko ng biglang mga bumangga sa likod na naging sanhi para magulo yung mga gamit ko.

'I'm Sorry' he muttered na hindi ko naman maipagkakaila na may looks siya at parang isa siya sa doon sa grupo kanina. Umalis na siya at nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

Kinuha ko na ang bag ko at lunchbox ko at lumabas na. Nadaanan ko ang cream section at hindi ko inaasahan ang nangyari, nadulas ako sa paint na nabuhos at pinikpt ko yung mata ko.

Naghahantay ako na mahulog sa floor at mababagok ang ulo then manlalabo ang paningin habang dumadaloy ang dugo mula sa ulo ko at tuluyang mawawalan ng malay, pero wala akong naramdaman.

Naramdaman ko na parang may sumalo saakin dahil may nakahawak sa waist ko na parang sinave ako sa pangyayari. Thank you sakanya, bilib ako, ang bilis ng reflexes niya.

Idinilat ko yung mata ko at nakita ko ang isang Greek God na nasa harap ko na hinulog ng panginoon para saluhin at iligtas ako sa kapahamakan. Ang lalim ko lang talaga, Sorry!!!

Itinayo niya ako at maraming tao ang nakatingin saamin.

Wait!! Parang familiar siya. Ini-dentify ko yung pagmumukha niya at tama ng ako!!! Siya nga yon.

"EARL!!!?/FRANSEANNE?!!"

**************

Dying and suspense first chapter.

Vote please!!

Our Childish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon