Chapter 2

112 1 3
                                    

Chapter 2 - Forgive and Forget

Yun pong mga nakaitalic ay flashback po thanks.

*****************

Hindi parin ako makaget-over sa nangyari kanina. I know him, he's my greatest rival/enemy. He's Earl Justin Lagman. I didn't know na magtatransfer din pala siya dito.

Pero kahit ganoon, may naramdaman akong guilt kasi may nagawa akong hindi kanais-nais at sa totoo lang, hindi ko naman sinasadya dahil nabigla lang talaga ako, at hindi lang ako, lahat ng taong nakakita non.

Pero that's not it, may ginawa din siyang karumaldumal na mas lalong nagpashock saamin! Hindi inaasahan.

Flashback

"Earl!!!/Franseanne!!!" Sabay naming sabi na ikinabigla ko. At dahil doon, hindi ko nalaman kung anong ginawa ko at kusa nalang dumampi ang precious and soft hand ko sa pisngi niya na halatang kinagulat naming lahat including siya.

I bid sorry to him at aakmang aalis na ako ng biglang he held my wrist, mahigpit ang pagkakahawak niya na nasaktan naman ako at napaaray. Talagang mabilis ang reflexes niya, hindi na ako magtataka.

He leaned closer to me na nararamdaman ko na ang bawat paghinga niya. Then, hinapit niya yung waist ko at nilapit yung bibig niya sa tenga ko. Naramdaman ko nanaman yung paghinga niya, mainit na parang kinikiliti ako.

"Trying me huh." Sabi niya sakin that nagpakaba saakin to death, alam niyo ba iyon, sinamahan niya pa ng smirk, deliquent smile.

Binalik niya na yung dati naming position pero nakahapit parin yung waist ko sakanya then, he made the surprising move. That jerk, HE KISSED ME! He will surely regret it.

*****************************

The time I entered the entrance gate in school, maraming nagbubulung-bulungan na chismakers at mga payaso na pinuno ng foundation at polbo yung mukha.

I didn't mind them, alam ko naman yung magiging consequences sa mga nangyari kaya niready ko na yung sarili ko bago pa naman ako pumasok ng school, nagpuyat pa ako jan ah.

Dali-dali akong umakyat sa third floor at nang nakarating na ako sa tapat ng MC room, may humarang saakin na apat na lalaki, na hindi ko maitatangging may looks pero mas gwapo parin si Ea---.

What? Anong iniisip ko? What the hell is happening to me! No no no *insert APink nonono here*. Baka masyado lang ako nacarried away sa nangyari kahapon. He ruined my first day.

"EARL! Nandito na yung girlfriend mo." Sabi nung isang mukhang drug lord pero may looks naman siya kahit papano. Halatang iniinis nila ako. Narinig ko naman na tumili yung iba niyang kaklase na parang uod na sinabuyan ng asin.

Nagmadali akong naglakad at nakayuko papunta sa room ko, hindi ako makapaniwala na ganun lang kaliit na isyu eh aabot hanggang dito. (Maliit ngalang ba?) Che, manahimik ka author.

Agad agad akong pumasok sa room at hindi naman nila masyado napansin kasi hindi naman nila alam yung nangyari except kay Sylvia na kasama ko ng mga panahon na iyon. Pero anong ginawa niya? Wala as in wala.

Nang nakita niya ako, nagulat siya at agad agad na pumunta sa tabi ko, at as usual, ano pa bang gagawin niya? Mang-aasar.

"Grabe Franse, first day palang hindi na virgin yang lips mo." Sabi niya sabay pout. Kung alam niya lang, kung alam niya lang ang katotohanan.

Nagpatulyo lang ang panunukso niya hanggang sa line formation at flag ceremony pumwesto siya sa likod ko at pinagpatuloy ang pangaasar. Ang saya diba.

Our Childish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon