Introduction
'Sena don't tell me wala ka nanamang balak galawin yang pagkain mo?"-Kate
Tinitigan ko lang yung pagkain ko habang ginagalaw galaw ko ito ng tinidor ko,
"Ang sakit,Kate.Sobrang sakit"-Ako
"Ng alin?"-Kate
Tanong niya habang nginunguya nya yung pagkain nya,
"Ng tyan mo?Baka natatae ka?Ibanyo mo lang yan tapos balik ka ulit pag tapos ka na."-Kate
"Gaga!Hindi ako natatae,Hindi tyan ko ang masakit."-Ako
"Eh alin?Puson mo?Baka meron ka.?-Kate
Naipahid ko nalang sa mukha ko ang dalawang kamay ko.
"Eeee. Hindi yun! YUng puso ko! Ang sakit ng puso ko!"-Ako
"Aaah."-Kate
Walang gana nyang sabi.
"Gusto mo tanggalin ko na yang puso mo ng wala ng masakit? Wait ha> Kunin ko lang dito sa bagpack ko yung gunting ko..."-Kate
Yumuko sya at umaktong may kukunin sa bagpack nya, pinigilan ko ito.
"Wag! Ayoko! Ayoko pang mamatay!"-Ako
"Eh ang arte arte mo eh, sabi mo masakit puso mo. Para walang masakit, tatanggalin ko nalang yan!."-Kate
"Napakasadista mo talaga!"-Ako
"Atleast hindi ako katulad mong tanga, ang tagal tagal nyo ng break ng boyfriend mo! magfa-five months na, hindi ka pa rin makaget-over?!"-Kate
"Hindi naman ganun kadali yun eh."-Ako
"Esus, ako pa sinabihan mo? Eh nakaapat na major break up na ako at alam ko kung gaano kasakit no, pero hindi ako katulad mo na nagmumukmok ng ganyang katagal. Naiintindihan ko kung hindi ganun kabilis makamove on pero yung magmukmok ng ganyan katagal ang hindi ko maintindihan sayo. Hindi na yan normal eh, OA na yan Bestfriend. OA."-Kate
"Eh anong magagawa ko?" naiiyak na ako.
"Mahal ko pa eh! Ramdam ko pa rin yung sakit!-ako
"OI wag kang magsimulang umiyak," tinuro nya ang tinidor nya sa akin.
"Ayokong makita kang umiiyak ulit. Wag mo ngang iiyakan yang ex mong walang kwenta, mga katulad ni Allen, di dapat iniiyakan."-Kate
"Sssh!" lumapit agad ako sa kanya at tinakpan ang bibig nya at bumulong,
"Hinaan mo yang boses mo, nasa hindi kalayuang table lang sina Allen. Wag mong babanggitin pangalan nya."-Ako
Sinubukang hanapin ng mga mata ni Kate ang table nina Allen at ng makita nya, tinanggal nya ang kamay ko at nagsalita sa malakas na boses..
"Eh ano? Sya lang ba Allen sa mundo? Ang dami daming Allen sa mundo, katunayan nga ang pangalan ng aso ng kapitbahay namin ay Allen eh. Allen daw kasi anlakas ng rabies nung aso tapos parang ulol pa daw at mukhang unggoy yung aso!"- Kate
"Uy, Kate ano ba? Ang lakas ng boses mo!"- ako
To be continued...