Stalkers be like...

46 1 1
                                    

-

Matagal ko na siyang sinusundan.

Matagal na din akong nasasaktan.

Sobrang sakit lang na makita yung taong gustong gusto mo na may kasamang iba.

Na masaya siya dahil yun ang naging girlfriend niya .

Sinong di magiging masaya kung yung girlfriend mo ay

Maganda,Sikat sa School,Maraming Sikat na kaibigan at marami ding nagkakagusto.

Sana nga lang napapansin niya din ako.

Sana kahit sa peripheral view niya lang Makita niya din ako.....

-

Naglalakad ako sa may corridor ng bigla akong may nakabangang lalaki .

Hinahanap ko kasi yung panyo ko sa bag ko kaya hindi ko napansin na may tao pala sa harap ko.

Napatumba siya dahil sa lakas ng impact . Medyo di ko siya mamukaan kasi nahulog yung salamin ko pati na din yung panyo ko .

Nung napulot ko na yang salamin ko nakita ko na yung nakabungo ko at at the same time Bumilis ang tibok ng puso ko,namawis ang kamay ko at
natulala ako.

Nasa harap ko siya ngayon . Nasa harap ko ngayon si Jaydy Greg at nakatingin siya sakin . Gulat na tingin . Siguro gulat dahil nung nakabangga kami siya yung natumba eh samantalang mas malaki ang katawan niya sakin . Siguro? Im not sure .

"I-Im s-sorry " Sabi ko habang nakayuko then

pinulot ko na yung panyo ko.

Tumakbo na ko dahil baka di ko na maitago yung kilig na nararamdaman ko .

Nagtatakbo ako at dumiretso sa Comfort Room for girls . Tinignan ko muna kung may tao sa Loob then tinignan ko isa isa yung mga cubicle at nung nalaman kong wala palang tao

"KYAAAAAAAHHHHH!XD" Nilabas ko na yung kilig na nararamdaman ko kanina pa . Grabe tinignan ko yung mukha ko sa salamin at nakita ko yung ngiti kong parang ngiting aso. Halos mapunit na yung labi ko sq sobrang ngiti . Ikaw ba naman! Makabungo mo yung tong gusto mo? Sige nga kung di ka maghalumpasay!

Sinampal ko yung mukha ko ng dalawang beses sa magkabilaan.

"Aray! Totoo nga! KYAAAAAAAHHHHH! XD"

Grabe totoo nga . Hahaha. Grabeee talaga!!!!

Titili pa sana ako kaso biglang tumunog yung door knob kaya dali dali akong pumasok sa isang cubicle kung bakit? Di ko din alam. -_- Haay . Eto yata ang epekto ng pagkakilig ^-^ .Hahaha.

Maya-maya pa ay pumasok na yung dalawang babae . Oo pakiramdam ko dalawa sila at babae sila . Malamang naman! Girls Restroom kaya to . Shunga lang?

"ANOOOO? hindi mo talaga boyfriend si Jaydy ? Pano nangyari yun?" Sabi nung isang babae .

Si Jaydy Greg ba yung pinaguusapan nila?

Makakinig nga .

"Shhhh! Wag ka ngang maingay! Oo di ko talaga siya boyfriend. Nagpapangap lang kami kasi may pinagseselos siya. Gusto niyang malaman kung may gusto ba sa kanya yung girl!" Sabi nung isang babae .

Aluh? Parang si Chain Harley yun ah . Sino siya?

Siya yung perfect girl na sinasabi ko .Siya yung girlfriend ni Jaydy!

Pero ano to? Bakit sinasabi nya na hindi talaga sila ni Jaydy? At totoo nang may pinagseselos siya? T_T.

Putspa naman . Hindi nga niya totoong girlfriend si Chain pero may pinagseselos naman siyang ibang babae ! Hindi na nga ako mauubusan ng karibal TT-TT huhuhu .

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon