CHAPTER 1

135 7 1
                                    

Gwenneth

"Hoy, ghourl alam mo bang trending ka nanaman sa Facebook dahil sa video'ng kumalat dahil sa pag sapak mo dun sa anak ng Dean." Ayan ang naabutan ko ng makapasok palang ako sa gate ng school. Tch! Parang di na sila nasanay sakin.

"Parang di ka na nasanay dyan sa babaitang iyan." sabi ni Wendy na isa sa mga kaibigan ko. Nang makapasok na kami loob ng campus ay nag bubulungan ang mga estudyanteng nadadaanan namin. Para akong artista'ng pinag titinginan nila.

Chill lang kayo guys, ako lang toh. Araw-araw ba naman akong masangkut sa gulo. Sikat na sikat nako dito sa school pati na rin sa Facebook, may page pa nga ako sa Facebook di ko nga alam kung sino ang admin nung page na yun e.

"Lagot ka nanaman kay tito't tita. I'm sure nakarating na yung balitang iyon sakanila. At ipapatawag ka nanaman ng Dean. Dahil dun sa nangyari kahapon." Sambit ni Karina habang kinakalkal ang bag nya.

"Pero hindi lang si Gwen ang malalagot pati tayo pag hindi natin dalian dahil malelate na tayo mga Gaga." Kaya hindi nag dalawang isip ang si Wendy at Karina na kumiparas ng takbo papunta sa first subject namin sa umaga. At ako naman ay chill lang na lumakad, ano pang silbi ng pag takbo ko kung pag papawisan lang rin naman ako, at isa pa alam kung hindi nanaman ako makaka-pasok sa ibang subjects ko dahil dun ako mamamalagi sa Dean's office or di kaya sa Detention room.

Di ba sila nag sasawang makita ang aking tinataglay na kagandahan well sabagay ikaw ba naman makaharap ang magandang dilag na katulad ko HAHAHAHAHA putcha! Nahawaan nako sa pagiging mahangin ng kakambal ko.

Malapit na sana ako sa classroom ng tawagin ako ng secretary ni Dean Fandango na si Ms.Helena Yemen. Lumapit naman siya sakin ng naka kunot ang noo.

"Ms.Ramirez, Dean Fandango needs your presence in his office." At mabilis siyang umalis matapos nyang sabihin ang mga sasabihin nya.

Wala akong nagawa kaya sumunod nalang ako. Hays! Ito na atah ang sign na magbalot-balot nako dahil lilipat nako ng bagong school. Lagot talaga ako nito kina mommy at daddy. Gigisahin nanaman ako nito nila mommy at daddy. Hay buhay parang life.

Nasa tapat na kami ni Ms.Helena ng pintuan ni Dean Fandango ng iwan niya ako at umalis para pumunta sa sarili niyang opisina. Which is katapat lang ng office ni Dean Fandango.

Oh well, it looks like I'm going to stay in this office or maybe in the detention room. Baka na umay na yung detention room sa pagmumukha ko. Owshii! Ikaw ba naman maging suki ng detention room at sa office ng Dean, edi syempre magsasawa talaga silang makita ang maganda kong pagmumukha. Hay buhay parang life. Oh well here goes nothing, agad kong inabot ang seradura ng pintuan at agad na pumasok at syempre hindi nako kumatok para ano pa?. Psh...

Agad namang napatingin ang mga tao sa loob ng office ni Dean Fandango ng pumasok ako. Nandito pala si Peter, yung nasapak ko. Napatingin naman ako sa kaliwang mata niya dun sa part na yun dun ko sya nasapak at dahil medjo malakas pag kakasapak ko sakanya, well as in medjo malakas lang yun at ang naging resulta ng pag kakasapak ko sakanya ay nagka-black eye lang naman sya. Psh, serves him right.

E kung di ba naman siya isa't kalahating gago, yung isa pang kalahati ay sa pagiging bastos niya. Silipan ba naman yung mga kaklase naming babae sa may locker room nagbibihis kasi kami nun para sa p.e subject namin at mabuti naman kasi tapos na kaming tatlo nina Wendy at Karina magpalit ng p.e namin at ng magsi tilian ang mga kaklase naming babae ay doon nako umaction parang si wonder woman lang ang peg na may halong pagka superman. Kaya ang ginawa ko lang naman ay hinabol ko sya kaya naghabulan muna kami, ng mapagod ang gago sa kakatakbo ay dun nako nakatyempo at nasapak ko sya. At viola ang naging resulta sakanyang kagagohan at kabastosan. Dalawa dapat iyon e. Para di sya makakita ng ilang linggo pero pinigilan ako nila Wendy kaya ayun isa lang yung black eye nya at iniwan agad namin sya dun kung saan ko sya naabutan. Nanhinayang nga ako dun mga sampo at wamport lang naman.

Instant MommyWhere stories live. Discover now